Kabanata 42

165 14 4
                                    

Kabanata 42

Moralidad


Hindi ko alam ang gagawin ko o kung sino ang uunahin ko. Nanghihina man ay sinubukan ko pa ring tumayo at alalayan ang aking sarili.

"P-Puntahan mo ako, Martiza... Gusto kitang makausap..." Ulit pa niya sa telepono.

Lalapit na sana ako dito, ngunit naalintala nang makarinig ako ng malakas na pagbasag ng kung ano galing sa kwarto ni Alcaeus. Kakaibang kaba ang aking naramdaman, kaya naman imbis na sagutin ang tawag ay agad akong naglakad papunta sa kwarto ni Alcaeus. Kahit nararamdaman ko na ang sakit sa aking leeg ay nagmadali pa rin ako sa paglalakad, natatakot ako sa kung ano man ang madatnan ko.

Nagmadali akong pumunta sa kan'ya na halos kaladkarin ko na ang sarili ko. Bukas ang kan'yang pinto... dahan-dahan ko itong nilapitan at agad naman na bumungad sa akin ang mga piraso ng bubog at dugo sa sahig. Nagtaas ako ng tingin... nakita ko si Alcaeus na nakaupo sa taas ng isang maliit na furniture at nakaliyad ang parehong kamao niya sa lamesa nito. Nakayuko siya at natatakpan ng kan'yang mahabang buhok ang kan'yang mata. Kitang-kita ko ang sugat sa kan'yang labi, kitang-kita ko kung paano umagos ang kan'yang dugo sa ulo pababa sa kan'yang katawan.

Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan.

Nilibot ko ang aking paningin... nakita ko ang buong kwarto niya na magulo. Lahat ng gamit ay basag, warak, at wala sa ayos. Binalik ko ulit ang aking paningin sa kan'ya. Ngunit ganoon pa rin ang pwesto niya, hindi ako nililingon.

No one dared to talk. No one dared to lower their pride. In this situation... I didn't know what side would I take. I shouldn't follow my heart again, I should've went home after that wedding. So that we can avoid this kind of situation. I am bringing pain in his life. I am the bad luck in his life. He keeps on hurting because of me. He was wreck because of me. He loves me... and my horrifying dark past is... way too much for him to absorb.

I should've told him everything from the start... I should've informed him about my dark past... but I was afraid to be judge... by the people around us, by him. Hindi ko kasalanan na hindi ako handa... at hindi ko tanggap 'yung bata... may karapatan ako... hindi ko ginusto 'yung nangyari... bakit ganito ang reaksyon niya? Isa... Isa ba akong mamatay tao sa mga mata niya? Kinamumuhian... niya na ba ako?

I wiped off my tears. He was still frozen to death. My thoughts speak stentorian that they are now hurting my head badly.

Nagtagal pa ang ganoon naming pwesto. Hindi ako makalapit sa kan'ya dahil... baka kung ano ang magawa niya. Hindi ko alam kung saan siya galit. Hindi ko alam kung bakit ang tahimik niya. At mas lalong hindi ko alam kung ano ang iniisip niya sa katahimikan niya.

"A-Alam ko na... kinamumuhian mo ako d-dahil sa sinabi ko..." Pagsisimula ko ngunit hindi siya kumilos. "B-But... it wasn't consider as a murder..."

I gasped for air.

I was trying to defend myself... because... it wasn't my fault.

"I-I was eighteen... I was raped... I... didn't like the child... I didn't like what has happened... I do... I was suffering..." I couldn't find the right voice because of my shaking tone.

Hindi pa rin siya kumikilos. Ganoon pa rin ang kan'yang pwesto. Hindi na ako kayang tignan pa.

"Naiintindihan mo ba ako?" Biglaan kong tanong. "B-Babae ako... I-have the right choice to... do that... I wasn't responsible for that... h-hindi ko ginustong... ma-rape... h-hindi ko ginustong... mabuntis sa batang edad... lalo na... wala sa plano ko at... h-hindi ko nakikitang..."

Tumingin siya sa akin gamit ang kan'yang pagod na mata kaya ako ay natigilan. Ngunit kahit ano man ang nginig ng aking boses dahil sa kan'yang titig ay pinagpatuloy ko pa rin.

Peace of the Heart (Cacher Series #1)Where stories live. Discover now