Kabanata 36
Raises
I was guilty with what I have done. I was being rude. He never showed himself to me after that day. Whenever I go out of my room, he's already nowhere to be found. Some of his people told me that he comes home midnight and hours later he goes back to his work. I wasn't surprise at all. His distance somehow helped me to think deeply about the situation.
I told myself that I was ready to forgive.
So I'll start with him.
But was I really ready? Am I pushing myself?
I kept on convincing myself that I wasn't at fault. But the guilt in my heart is powerful that it aggressively raises its head. I want to be ruthless at them... at him... but what's the point of it anyways? What benefits would I receive on that? Satisfaction on their struggles? I now taint in my heart that revenge isn't essential. I would never mirror the damage that they have caused me. Even though they deserve it more than anyone else.
I closed my eyes tightly as I heard his phone beeped. I shrugged after that, and I grabbed the phone.
Dana:
Good morning! Eat well! I love you.
Napakurapkurap ako habang nagtagal ang titig sa screen. Hindi ko magalaw ang aking kamay. Hindi ko alam kung tama ba na basahin ko ang mensahe niya, o kung tama bang nasa akin pa rin ang cellphone niya.
I sighed heavily and put the phone down where it belongs.
Then realization crossed my mind.
Kaya siguro hindi siya umuuwi... nakatira ang pamilya niya sa unit niya. Kaya siguro hindi siya nagtatagal dito dahil nandoon naman talaga ang pamilya niya. Siguro kaya hindi niya rito madala ang pamilya niya dahil nandito rin ako. Ayaw niyang makita ng bata ang sitwasyon namin. Pero pumayag si Dana nang ganito? Kasi ako... kung malalaman kong tinulungan ng tatay ng anak ko ang dati niyang kasintahan at pinatira pa sa mismong bahay... samantalang ako ay sa unit... hindi na ako mapapantag kada umaga at gabi. Mababaliw ako kakaisip kung ano ang namamagitan sa kanila at kung bakit kailangan pang tulungan siya.
I don't know if I should praise her on that part. I wonder what kind of assurance he gave her?
Umiling na lang ako para hindi na pakialaman pa ang relasyon nila. Tumayo ako at sumilip sa bintana, hindi ako makalabas dahil wala rin naman akong gagawin. Wala akong mapagkaabalahan. Hindi ko pa rin nakakausap si Kuya Wancho kaya naman hindi ko pa masabi ang gusto kong mangyari. Hindi ko rin naman alam kung nasaan siya ngayon at kung ano ang ginagawa niya, mukhang may pinagkakaabalahan siyang iba.
"Hindi pa rin po siya lumalabas ng kwarto niya."
Nanlaki ang aking mga mata sa narinig at agad na dumalo sa pinto para marinig pa ang nagsasalita.
Ako ba ang tinutukoy nila? Nand'yan ba si Alcaeus? Bakit ang aga niya ngayon umuwi?
Binuksan ko ng kaunti ang pinto at sumungaw para makita kung ano ang nangyayari. Pinamunuan naman ako ng lungkot nang makita na wala siya. Ang mga tauhan niya lang na mukhang kausap siya sa telepono ang aking nasilayan.
"Wala naman po kaming nakikitang kakaiba sa kinikilos niya. Lumalabas lang po siya kapag may kukunin at bumabalik din kaagad sa kwarto," pagpapaalam ng isang lalaki sa kan'ya. "Hindi rin po siya masyadong nagsasalita sa mga kailangan niya."
Nakita ko na natigilan sila, mukhang may binibilin si Alcaeus. Naglakbay naman ang paningin ng isa at tumama ito sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ano ang tinitingin-tingin mo?" Naiirita kong malakas na tanong kaya naman agad siyang napailing.
YOU ARE READING
Peace of the Heart (Cacher Series #1)
Romance(Cacher Series #1) Martiza Arrana Unating has a soft and prim figure. Her mother has a control over her kaya naman ang mga bagay na ginagawa ng isang dalagita ay hindi niya magawa. She's always studying hard para lang matuwa ang kan'yang magulang sa...