Kabanata 30
Missing
(TW: Self-harming, illness)
"Hija... alam kong pilipino ka... gumising ka d'yan... Marami na ang nakatingin sa'yo."
Iminulat ko ang aking mga mata. Malabo pa rin ang aking nakikita at mas lalong hindi ko makita ang babaeng nagmamay-ari ng boses dahil sa sikat ng araw na tumatama sa likod niya. Laging ganito ang bumubungad sa akin tuwing umaga. Hindi na nga mabilang sa aking kamay kung ilang beses na akong pinaalis sa tapat ng airport.
"Tumayo ka d'yan, hija... ilang araw na kitang namamataan dito. Ilang araw ka na rin yatang hindi umuuwi sa bahay niyo dahil pareho pa rin ang suot mo. Tumayo ka na d'yan at marami nang nakakakita sa'yo."
Hindi pa gising ang aking diwa, ngunit sa kan'yang paghatak sa akin ay tila nahatak ang aking kaluluha. Nang makatayo ako ay agad niya akong niyakap dahil mahina na ang aking resistensya. Ilang araw na akong hindi kumakain, simula nang malaman kong nakatakas si Kuya Wancho ay patuloy akong naghintay dito. Ngunit ni anino niya ay wala akong nakita. Patuloy ako sa paghihintay dahil naniniwala akong babalikan niya ako.
Inupo ako ng babae sa isang bench malayo sa mga taong kanina pa nakatingin sa amin. She was gone for a moment, she left me on the chair. Maya-maya lang ay lumapit siyang may pagkain sa kamay at agad itong ibinigay sa akin. Tinanggap ko naman ito. Hindi mabura ang ngiti sa kan'yang labi habang ako ay pinagmamasdan. Nilapag niya ang kan'yang wallet sa upuan.
"Saan ka galing, hija? Isang linggo ka nang naghihintay sa labas ng airport. May hinihintay ka ba?" Marahan niyang tanong kaya natigilan ako. "Mukhang may hinihintay ka nga. Ngunit hindi maganda na matulog ka sa sahig, hija. Marami kang bacteria'ng makukuha."
I continued eating, not minding her presence. She smiled out of nowhere as she stared at me. I just shrugged my shoulder. I don't have the energy to entertain people as of the moment. Wala na akong malalabas pa. Ubos na ubos na ako.
"May gusto ka pa bang kainin?" Hindi ako sumagot. "M-Mukhang hindi ka nakakapagsalita..."
Tinignan ko siya sa mga mata. Nakumpirma niya ang sagot sa kan'yang tanong.
"Hindi ka nga nakakapagsalita. Gusto mo bang tulungan kita?"
Agaran akong nakaramdam ng kaba. Nakita ko ang wallet niya sa upuan habang patuloy siyang nagsasalita. Sa isang mabilis na kilos ay dinampot ko ito at tumakas na. Hindi ko alam kung sinusundan ba niya ako o hindi, ang kailangan ko lang isipin ngayon ay kung paano ako makakauwi dahil baka naroon na si Kuya Wancho at hinihintay ako.
Nang makasakay ako sa taxi ay agad kong kinuha ang papel at ballpen para isulat ang aking destinasyon. Mabilis naman nang nakaharurot ito, ngunit hindi nakalagpas sa aking mga mata ang pag ngiti ng babae sa akin sa kakaibang paraan. Iba ang ngiting binigay niya para sa akin, ang ganoong klaseng ngiti ay ipinapaalam niya sa akin na... kilala niya ako.
Wala pang ilang oras ay nakarating na ako sa bahay. Patuloy kong binulabog ang buong k'warto ngunit wala akong maramdaman na presensya ng tao. Isa-isa kong binalibag ang vase para makagawa ng ingay, para kung may tao man ay malaman niyang nandito ako. Hanggang sa mapagod ako dahil wala... ngayon ay nakakasiguro na ako na wala talagang tao.
Tulala akong naupo sa sofa. Pilit kong iniisip ang kalagayan niya.
Ang akala ko ba nakatakas siya? Bakit? Nasaan na siya ngayon? Hindi ko makita ni anino niya! Nakatakas siya, hindi ba?! Bakit hindi niya ako sinusundo? Iiwan niya na lang ba akong mag-isa rito? Paano ako?
Hindi na kaya pa ng utak ko ang mga nangyayari sa aking buhay. Dumiretso ako sa kitchen para kunin ang kutsilyo. Nagbilang ako nang paulit-ulit sa aking utak habang binabaon ng palalim nang palalim ang malaking kutsilyo sa aking dibdib kung nasaan ang aking puso. Ipinikit ko ang aking mga mata nang maramdaman ang sakit at pagtulo ng dugo pababa sa aking damit.
YOU ARE READING
Peace of the Heart (Cacher Series #1)
Romance(Cacher Series #1) Martiza Arrana Unating has a soft and prim figure. Her mother has a control over her kaya naman ang mga bagay na ginagawa ng isang dalagita ay hindi niya magawa. She's always studying hard para lang matuwa ang kan'yang magulang sa...