Kabanata 35
Lies
"Gusto ko po ng maraming-maraming toys, Tita!" Nagagalak na hiling ni Raelle sa kabilang linya.
Bumangon ako sa aking kama na may ngisi sa aking labi habang hawak ang telepono. Natutuwa ako sa kan'ya. Ilang araw na kaming nag-uusap at hindi siya napapagod kakakwento sa akin ng mga pangarap at gusto niya. She wants to explore the world, she wants to feel having friends on her side, she wants to discover the smallest details of the universe, she wants to fly high. She has so much potential, and I could see the my younger self in her. It's just that... she's being hidden.
"Hmm. Kapag nakaluwag sa schedule ni Tita ay aalis tayo, ha?" Pampalubag loob ko sa kan'ya. "Bibili ka ni Tita ng maraming-maraming toys!"
I could hear her excitement over the phone. She giggled a lot upon hearing the word 'toy'. She grew up having none, all of her life she envies Lucian who has it all. So while I am here, I want to shower her love and affection.
"Baka sa susunod na araw pa tayo makaalis kasi may aayusin pa si Tita. Okay?" sabi ko pa. "Susunduin ka ni Tita, okay? Gusto ko tayong dalawa lang ang makakaalam."
"Opo, Tita! Excited na po ako! Maraming toys!"
"Raelle! Inuuto mo na naman 'yang Tita mo!" Saway ni Syntia at napangiti ako.
"Hmp! Aalis kami! Hindi kita sasama!" Balik ni Raelle sa kaan'ya.
"Akin na nga 'yang telepono at kakausapin ko ang Tita mo. Maysado kang maraming hiling! Matulog ka na!"
"Ayaw ko matulog ng tanghali, Auntie!"
Narinig ko pa ang pagtatalo nila kaya nakangiti lang ako hanggang sa matapos sila. Si Syntia naman ng pumalit sa linya nang mawala si Raelle. Mukhang pinatulog niya na nga. Tumikhim muna siya bago magsalita.
"Nagkakagulo rito sa Mansion nakaraan! Nasaan ka ba? Hindi ka matawagan ni Wancho!" Nagaalala niyang sambit.
"Nandito ako kay Alcaeus," mahina kong sagot.
"Oh? Nand'yan ka lang pala sa mga Sobremonte! Hindi ka matawagan ni Wancho!"
"Nasira ang cellphone ko. Ano raw ba ang sasabihin ni Kuya?"
"Nakaraan pa siya nandito sa pinas! Ano ka ba? Wala kang malay?"
What?!
Then what's the point of having me here being his representative kung uuwi rin naman pala siya?! Gusto ko nang bumalik sa London at ayoko na rito! Hindi ako panatag dito! At mas lalong wala naman na akong gagawin pa dito!
"Hindi natuloy ang alis ng bagong kasal dahil kay Wancho! Pumunta siya dito sa Mansion!"
"Ano?!"
Nawala ang inis ko kay Kuya Wancho dahil sa aking narinig. Nababaliw na ba siya?! Hangganan ang galit ni Darrel sa kan'ya! Masyado siyang hindi nagiisip sa mga pinaggagawa niya! Padalos-dalos!
"Nawalan ng malay si Lori kaya galit na galit si Darrel! Binugbog si Wancho ng mga tauhan niya! Ngayon binabalak ng isang 'yon na umalis ng bansa kasama si Lucian at Lori!" Kinakabahan niyang ipinaalam sa akin.
"Ano? Kamusta na si Kuya Wancho? Nasaan na siya?" Natataranta kong tanong sa kan'ya. "Ayos lang ba siya? Malalim ba ang mga sugat niya?"
Napapikit ako sa pagaalala. Hindi dapat mapahamak si Kuya Wancho! Walang nangyaring masama sa kan'ya! Walang mangyayaring masama sa kan'ya!
"Nasa puder siya ni A-Asaphine ngayon," halata ang ilang niya sa pagbanggit ng pangalan ng aking pinsan. "Nagpadala siya ng mensahe sa akin at gustong malaman kung nasaan ka. Ilang araw ka na raw hindi tumatawag."
YOU ARE READING
Peace of the Heart (Cacher Series #1)
Romansa(Cacher Series #1) Martiza Arrana Unating has a soft and prim figure. Her mother has a control over her kaya naman ang mga bagay na ginagawa ng isang dalagita ay hindi niya magawa. She's always studying hard para lang matuwa ang kan'yang magulang sa...