CHAPTER 4

332 13 0
                                        

"my god!! My god! Deza ayoko na!"

Bullshit! Ang ingay talaga ng bruhang baklitang 'to! Para syang kinakatay na baboy.

Halos isang oras na kaming nandito sa kama pero di ko pa rin nahuhubad Ang pantalon nya. Ang hirap!
Di lang dahil sa malikot Sya, kundi dahil hindi rin ako komportable. Di ko Kaya 'to.

Itinanggal ko muna Ang butones ng pantalon nya at sinunod Kong hawakan Ang zipper nya. Eto na 'to.

"Dawin.. heto na 'to." Nanginginig na sambit ko sa kanya.

Nanginginig din syang napatingin sa akin habang yakap-yakap Ang sarili.

"D-Dezaaaa...."

Pikit Mata Kong ibinaba Ang zipper at nang maibaba ko na ay dumilat ako.

Oh My God!

Nanlumo ako nang makita Ang namumukol na kahabaan ni Dawin.
I can't do this tangina! Beki 'to eh. At best friend ko pa. Masasarapan Kaya ako?

"Huhu Deza..."

Lumingon ako Kay Dawin at doon ko nakitang umiiyak na paLa Ang bakla. Kaya hayun! Nagbago na tuloy Ang isip ko. Di kaya ng konsensya ko 'to. Oh sige na nga! Tatanggapin ko na lang na Hindi ko talaga maibibigay kahit kanino Ang v card ko hanggang sa kahuli-hulihan ng Buhay ko.

Ang gusto ko Lang naman kasi bago ako mamatay at mapunta sa impyerno ay maranasan muna yung HEAVEN... alam nyo na Kung Anong Heaven yun ah.

"Dawin umuwi ka na. Di ko kayang gawin 'to." Malungkot na tugon ko sa kanya.

"S-sure ka??"

"Oo nga. Itaas mo na yang zipper mo"

Mabilis pa sa alas-kwatrong itinaas ni Dawin Ang zipper nya at nakahinga ito ng maluwag.

"Hoo!! Buti naman gurl natauhan ka! Nakakaloka. Akala ko mamamatay na 'ko jusko!"

Inirapan ko Sya.
"You're so maarte kasi! Mamamatay na nga lang ako virgin pa din."

" Mamamatay?"

"Yes! Ngayong araw na 'ko papatayin ni Lord--"

Napatigil ako nang may kumatok sa pinto. Hala! Sino yun? Wala naman dito sina mama at Celine. Baka naman dumating na.
Pero hindi eh. Hindi naman kumakatok si mama sa kwarto ko ng ganitong oras kasi Ang alam nya nandun ako sa school.

Muling may kumatok sa pinto. Pero Hindi tulad Ng kanina, medyo lumakas ito. Sunod-sunod Ang ginawa nitong pagkatok at sunod-sunod din Ang malakas na kabog ng dibdib ko.
Kinakabahan ako sa taong kumakatok dun.

Nang lumingon ako sa tabi ko ay nakita ko si Dawin na nanginginig na. Kaagad nyang hinila ang kumot at nagtago Sya sa ilalim nun.

"S.. S-sino yan..?"

Kandautal-utal na Tanong ko.

Nang marinig ng nasa labas Ang boses ko ay dahan-dahan nitong pinihit Ang door knob at binuksan Ang pinto.

Nanlaki ang Mata ko nang bumungad sa kin si...

Kamatayan.

"Hi" he smiled at me like he is ready to kill me.

Si Lord Vin...

"I can't wait to kill you"

Sabi nya. Tumingin Sya sa may tabi ko Kung saan namamaluktot si Dawin sa ilalim Ng kumot. Tumalim Ang tingin nya dito ngunit kaagad naman syang napatingin sa kin at sinenyasan Akong sumunod sa kanya.

Pagkatapos nun ay naglakad na Sya pababa Ng hagdan.

Mamamatay na 'ko...

Kaagad Kong tinapik si Dawin na namamaluktot pa rin sa ilalim Ng kumot ko.

What He WantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon