CHAPTER 43

144 7 2
                                    

Days after ay mas natakot kaming lahat nang may biglang nagparamdam sa aming lahat. Hindi multo Ang tinutukoy ko. An unknown sender sent us a picture.

Nag-apoy ako sa galit nang makita ang picture. Picture ito ng isang Batang nakakadena Ang dalawang kamay at nakatalikod. Walang damit pang-itaas at puro sugat Ang likod nito. Bullshit!

Gusto kong pumatay ulit ng tao!

Malakas Ang pakiramdam ko na hindi iyon Ang anak ko. Hindi talaga Sya yun. Hindi!
Pero nagagalit ako and I want to kill all of them who kidnapped my son. Papatayin ko silang lahat.

Mas lalo Akong nahihirapan nang makita ang tigmak na luha sa mga Mata ni Deza. I don't want to see her like this. Last year ay may nareceive din kaming picture ng bata sa isang unknown sender sa email. Isa iyong bata na nilatigo sa likuran. Halos mabaliw ako sa galit. Kahit kailan ay di ko pinaalam iyon Kay Deza.
Pero Ngayon ay di sinasadyang makita nya Ang bagong sinend na picture gamit ang Ibang email.

"Hanapin mo Sya Melvin. Hanapin natin Sya please.." Napaluhod na sa may tabi ko si Deza sa sobrang iyak. Damn!

You who did this.. you'll pay for this!
I'll kill you!

"alamin mo Ang location ng email na yan." Seryosong utos ko sa babaeng nasa harap Ngayon ng computer. Isa Sya sa mga magaling na empleyado ng kompanya ko.
Kaagad syang tumalima sa utos ko at gumawa Sya ng paraan para matrace iyon.

Naninigas Ang kalamnan ko sa galit.
I can't wait to kill those people once na makita ko sila.

Ilang minuto lang ay biglang nag-open ulit Ang email na yun at nagsend ng Isa pang picture. Di nya yata alam na tinitrace na namin Sya. Ang picture ay isang stainless na mangko at may lamang pagkain ng aso. Bullshit! Mas ginagalit Nila ako!

"Bingo!"

Muntik pa kaming magulat nang napasigaw Ang babaeng empleyado.

"Lord Vin, natrace ko na po Sila. They are just 5 kilometers away from here Lord."

"Call all my frats! Move faster!" Pasigaw na utos ko. Nagmadaling lumabas sina 69Pon at Ang Ibang frat na nandito. Pati nga Ang dibdib ko ay di rin maipaliwanag Ang kaba. At last, nahanap ko sila!
"Call my dad. And call Jaylord."

Utos ko muli sa empleyado ko. Kaagad naman syang nakinig.
Naramdaman ko Ang mahigpit na pagkapit ni Deza sa braso ko nang papaalis na Sana ako. I almost forgot na nandito pala sya. Susugod na Sana ako.

"Dad.." napalingon ako sa kanya. Her face is full of excitement and nervousness. Ganun din ako.
"Please... Sasama ako."

"No. Baka mapahamak ka lang. Just wait in the mansion okay?" Mabilis ko syang niyakap at hinalikan sa noo.
"I can handle this mom. I, my frat, and dad can handle this. Makikita na natin Ang anak natin.

Nagyakapan kaming dalawa at gaya ng ginawa ko ay pinaulanan din nya ako ng halik sa Mukha. Ilang saglit lang iyon dahil nagmadali na kaming bumaba ng building.
Pinahatid ko Sya sa Mansion at ako naman ay sumakay na sa sarili Kong kotse.

You'll pay for this.. whoever you are.

Napangiti pa ako nang mapatingin ako sa front mirror. Nasa likuran ng kotse ko Ang mga baril ko, nakahanda na.

Maya-maya pa ay may mga nagsidatingan na ring mga kotse na nakasunod sa likuran ng kotse ko. Lahat ay kulay Itim at malalakas Ang dating. Animo'y ready to fight na talaga.
Alam Kong Ang frat ko yun.

Nandito na sila.

Mahahanap ko na Rin Ang anak ko..

_______

Sorry po sa short ud.
Last two chapters na lang...

What He WantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon