CHAPTER 38

105 3 0
                                        

"This can't be!"

Sagad sa baga na sigaw ni Kyla. Nandito kami Ngayon sa isang clinic kasama sina mama Salve, dad, Celine at Deza. Sabi kasi ni Kyla ay dapat present Ang lahat.
At kakatanggap pa lang namin ng result ng DNA Test na hindi nagmatch sa kin Ang bata. And I know it.

At medyo nakokonsensya din ako sa ginawa ko pero slight lang. Wala Akong pinagsisihan sa ginawa ko dahil gusto kong mas mapadali Ang paghihiwalay namin. Ang pamilya lang namin ni Deza Ang iniisip ko yun lang.
Inaamin kong may kasalanan din ako dahil nagsimula Ang lahat nang pakasalan ko si Kyla para makuha Ang kompanya nya.
Pero ilang beses ko din syang tinanong Kung wala ba syang pagsisisihan at Kung talagang desidido syang pakasalan din ako. At Ang sagot nya ay "You know how I wish for this to happen, Vin. I really want to marry you." Ganun Sya kabaliw sa kin.

Sa simula pa lang ay alam kong alam na nya na kompanya lang Ang habol namin sa kanya pero kumagat parin Sya at wala syang pakialam dun. Ang gusto lang talaga nya ay maging asawa ko. Kung tutuusin ay kasalanan nya rin yun diba?

"Pa'no nangyari 'to?! Ikaw Ang ama ng dinadala ko Vin. I swear. Ikaw Ang ama!" Pinagdidiinan nya talaga na ako Ang ama.

"DNA test never tell a lie."

"maliban lang Kung may nagbayad sa doctor." Matalim Ang mga Mata nya nang bumaling Ang tingin sa doktor na Ngayon ay inosenteng umiiling.
"Tell me the truth, Dr. Melbourne. Binayaran ka ba Nila para palabasing hindi Sya anak ni Melvin?! Sumagot ka!"

"W-wala pong nagbayad sa kin ma'am. I-I'm faithfully doing my job here, I swear." iiling-iling na sagot ng doktor na nauutal na sa sobrang kaba dahil sa mga titig ni Kyla Marie sa kanya. Para syang kakainin nito ano mang oras.

"Kyla, bat mo pa pag-iisipang binayaran namin Ang pinili mong doctor? Ikaw mismo Ang pumili sa kanya at wala kaming ideya Kung sino Sya." Nakataas Ang dalawang kilay na Tanong ko sa kanya.

Bigla namang sumingit si dad.

"At Isa pa, lahat tayo dito ay pare-parehong naghintay ng tatlong oras para lang makita ang results ng DNA test. Don't you ever blame Dr. Melbourne."

"Pero hindi pa din ako naniniwalang hindi Sya Ang ama! Pa'no nangyari yun?!" Umiiyak nang Tanong ni Kyla.

Saglit kaming napatahimik lahat. Ilang Segundo Lang ay nagsalita na ulit ako.

"I think we better leave now. Wag tayong mag-eeskandalo dito sa clinic. Sa Mansion na tayo mag-usap."

Umiiyak na tumango si Kyla. Lahat kami ay nagsitayo na at nagpaalam muna kami Kay Dr. Melbourne bago kami umalis. Tumawag ako ng ilang mga kotse para sumundo sa amin. Nasa isang kotse ko pinasakay si Kyla. Sa isang kotse naman ay si Celine. Sina mama Salve naman at dad ay magkasama sa isang magarang kotse ni dad. At sa panghuling kotse ay sa amin ni Deza.

Inalalayan ko si Deza na makapasok sa kotse. Nang hawakan ko Ang kamay nya ay sobrang lamig nun at parang ayaw nyang tumingin sa kahit sinong Mukha, kahit sa kin. Mukhang kinabahan Sya kanina. Pinaupo ko Sya sa may bandang kaliwa at umupo ako sa may Kanan nya. Nang makapwesto na kami ng maayos ay sinibad na ni Mang Ernesto Ang kotse. Sya Ang driver namin sa Ngayon.

"Are you alright? Mom?" Pag-aalala ko.

Napalunok muna Sya ng laway bago tumingin sa kin.

"Dad, ewan ko.. kinakabahan ako eh." Hinawakan nya Ang kanang kamay ko at idiniin iyon sa may dibdib nya Kung saan naroon Ang puso nya.
Her heart's beating so fast na tila nagsisitakbuhang kabayo. Kabadong kabado nga Sya. "Dad, parang nakokonsensya ako. Naaawa ako Kay Kyla."

Ang kabadong Mukha nya ay napalitan ng lungkot.

Mabilis ko syang niyakap ng mahigpit at hinalikan ko Sya sa noo. I stroked her back para lang mahimasmasan Sya kahit kunti. Ako din naman eh. Naaawa rin ako Kay Kyla. She's been so good to me. And she became my best friend, pero ginagawan nya ng benefits Ang friendship namin kahit alam nyang hindi ko Sya magugustuhan kahit kailan. Pero kahit ganun ay naging kaibigan ko pa din Sya.

What He WantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon