CHAPTER 22.1

176 4 0
                                        

I stared at my twin sister with a sharp look. Nakipagtitigan kaagad ako sa kanya kakapasok nya pa lang sa pinto.
Di ko matanggap Ang nalaman ko.

"Aayysshh! Deza naman. Bat ganyan ka makatitig?"
Naiilang na Tanong nya sa kin. Kaagad syang umiwas ng tingin at nilagay sa cabinet Ang bag nya na kulay Itim.
"Anong oras natin susunduin si mama?"

"Celine gangster ka ba?!"
Diretsong Tanong ko. Napatitig Sya sa kin.

"ha? Eh.. hindi. Saan mo naman narinig yan?" At muli na naman syang umiwas ng tingin. Alam Kong nagsisinungaling Sya. Kilalang kilala ko na Sya.

"Wag kang magsisinungaling sa kin Celine. Pumatay ka ng tao? Bat mo nagawa yun?! Dahil ba gusto mo pa ring maghiganti para Kay papa?!"
Pumiyok Ang boses ko. I can't help myself. Gusto ko na talagang maiyak.

"Celine naman. Hindi ka mamamatay tao."

"I-I'm sorry... Pero galit kase ako eh... Galit na galit ako!" Nagulat ako nang biglang umiyak si Celine. And from that moment ay di ko na rin napigilan Ang luha ko. Hanggang Ngayon paLa ay galit pa din Sya..

"Deza.. pinahirapan Nila Ang papa natin! Ginamit ng mga gangsters na yun Ang papa naten para mag espiya sa Ibang gangster groups. Tapos nang umalis si papa sa kanila ay pinatay Nila si papa. Gusto lang naman ni papa magbagong Buhay para sa ting pamilya pero Anong ginawa nila. Pinatay Nila si papa. Sinira nila Ang pamilya natin! Gusto ko.. gusto kong maghiganti okay? Pinalabas lang na nahit and run si papa dahil walang matibay na ebidensya. Pero dahil kina Lord Vicente ay nalaman ko Ang lahat. At tinulungan Nila akong maghiganti.."
Explain nya sa kin.

Her face is so reddish And I can sense she's really mad. Hindi ko alam na ganun kalaki Ang impact sa kanya ng pagkamatay ni papa.
Pero gulong-gulo pa din ako.

"Wait. S-sino yang Lord Vicente na yan? At bakit ka nya tinulungan? Panigurado namang may kapalit yang pagtulong nya sayo. My God! Celine.. nilalagay mo sa panganib Ang sarili mo."

"Sya Ang king ng mafia group na sinalihan ko. Pareho kami ng layunin, Ang mapabagsak Ang mafia group na sinalihan ni papa dahil kalaban din Nila Ang grupong yun."

King ng mafia? Hindi kaya Sya Yung dad ni Lord Vin?
"M-may anak ba syang lalaki?"

"Oo. May anak Sya. Si Lord Vin.. Sya Ang prince of mafia."

Shit! Sabi ko na nga ba eh.

"Look Celine.. tama na yang paghihiganti mo okay? Hindi matutuwa si papa Kung nabubuhay pa Sya. Kailangan na nating lumayo, nanganganib tayo." Tugon ko sa kanya at dali-dali Akong tumakbo papunta sa kwarto. Nakasunod naman si Celine sa kin. Kailangan ko mag impake.

"Wait. Bat nasa panganib tayo? Napatay ko na lahat ng pumatay Kay papa."

"Nasa panganib pa rin tayo. Pag hindi ko sinunod si.. Lord Vicente, papatayin nya tayo kabilang na si mama.."
Sagot ko habang iniimpake Ang mga gamit ko. Sunod ay pumunta naman ako sa kwarto ni mama. Nakasunod pa din si Celine sa kin.

"di ko maintindihan. Bakit tayo papatayin ni Lord Vicente?" Tanong na naman nya.

"Mahabang kwento Celine. Saka ko na lang ikekwento sa'yo pag nakalayo na tayo. Wag mo nang kakausapin pa yang boss mo. Lalayo na tayo."
Tugon ko na hindi na mapakali. Gulong-gulo na ako at yung tyan ko pa, parang umaangat lahat ng kinain ko.

"Saan tayo pwedeng tumira? May alam ka bang matitirahan? Yung malayo dito."

"Sa.. sa dating bahay ni Lolo sa probinsya. Dun na lang tayo." Sagot ni Celine sa kin at pati na Rin Sya ay nag impake na rin ng mga gamit nya.
Ayokong maabutan kami ng dilim dito. Baka puntahan ako ni Lord Vin. Kailangan ko syang takasan.

Pagkatapos naming mag impake ay tumungo na kami sa ospital. Alas dos na ng hapon.
Nakareceive ako ng tawag mula Kay Lord Vin pero hindi ko sinagot. Mahirap mang ireject Ang tawag nya pero kailangan ko kasing gawin eh.
Kailangan Kong lumayo.. para sa pamilya ko.

Kagabi.. Plano ko Sana syang pagalitan dahil sa nalaman ko from Kyla pero hindi ko na tinuloy. Magdamag kami nagyakapan. Magdamag ko syang pinaligaya.. hindi nya alam na iyon na ang huling siping namin. I silently cried while he is asleep. Mahigpit ko syang niyakap... Pero Ngayon hinahanap hanap ko na naman.

I feel so empty when he's away from me. Hindi ko kayang lumayo.. pero kailangan eh.. para sa pamilya ko.
At para din sa nasa sinapupunan ko..

Pakiramdam ko kase ay buntis ako.

This year kase.. magkasabay Ang menstruation days namin ni Celine, pero natapos na ang mens nya kahapon lang samantalang ako ay hindi pa rin nagkakadalaw.

Baka nga buntis ako..
........

"Aba saan Ang punta natin mga inday? Bat nakaimpake kayo?" Pagtataka ni mama habang nakalagay sa magkabilang bewang Ang kamay.
Nagkatinginan kami ni Celine.

"S-sa probinsya nina Lolo."
Sabay na sagot namin. Nangunot Ang noo ni mama.
"Magbabakasyon lang tayo ma." Kaagad na rason ko.

Umiling-iling naman si mama.

What He WantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon