The yacht will sink.
The yacht will sink.
The Yacht Will Sink! Taena! Ang tagal pa bago rumehistro sa utak ko Ang salitang yun.
Pagewang-gewang na akong naglalakad habang sumusunod Kay Lord Vin. Parang matutumba ako sa sobrang kaba. Nanginginig Ang mga tuhod ko.
Si Lord Vin naman ay abala sa paghahanap Ng mga gamit.
"Bullshit! There are no life jackets! They planned all of these!"
Napaupo si Lord Vin sa sahig at sinabunutan nya Ang sariling buhok. Awang-awa ako sa sitwasyon nya. Mas nananaig Ang awa ko sa takot na nararamdaman ko. Sobrang sakit na nagawa syang traydorin ng mga tauhan nya.
Ngunit di nagtagal Ang moment na yun dahil napabalikwas agad kami nang gumalaw na naman Ang yate. Hindi na pantay Ang pagkakatayo nito dahil may malaki Itong butas.
Ilang Segundo na lang ay mapapasukan na ng tubig Ang silid na ito.
Bumalikwas ako nang mahagip ng Mata ko Ang isang oxygen na nasa ilalim Ng isang mesa na ala cabinet Ang itsura.
"Lord Vin may oxygen pa!"
Sigaw ko sabay turo dun sa bagay na yun. Kaagad na nilingon iyon ni Lord Vin at mabilis na kinuha.
Di nga ako nagkamali dahil ilang Segundo Lang ay may tubig nang umaagos sa may kanto ng silid.
Ibig Sabihin ay lulubog na talaga Ang yate. Natatakot ako.Nagkatitigan kami ni Lord Vin at sabay na napunta Ang tingin namin sa oxygen na hawak nya.
"We only have one. Only one can survive.."
Lumamlam Ang boses nya at tumingin Sya sa kin ng seryoso sa Mata. Di ko namalayang may umaagos nang luha sa mga Mata ko.
Mukhang alam ko na. Oo alam ko na ang susunod neto. Alangan namang ako Ang masusurvive sa amin diba? Sino ba naman ako Kung ikukumpara sa kanya. Wala pa sa kalahati ng yaman niya Ang meron Ang pamilya ko. Tiyak na mas may pakinabang Sya sa Mundo kesa sa kin na isa lamang dukha. Isa lamang Akong pabigat sa gobyerno.
Umatras ako ng isang hakbang palayo sa kanya. At pinilit Kong ngitian Sya kahit walang tigil sa pagtulo ang luha ko.
"L-lord Vin.. ikumusta mo na lang ako kina mama at sa kambal ko ah"
Oh puta.. mas lalo Akong napaiyak at di ko na naiwasang humikbi. Hinahon lang Deza.. kalma ka lang.
"Sana makahanap ka ng babaeng tutupad ng pag.. ibig.. na gusto mo. Kase ako, di ko na magagawa yun. Haha. I'm sorry."
"N-no!! Take this. Gusto kong mabuhay ka" nagulat ako sa naging tugon ni Lord Vin at ibinigay nya sa kin Ang hawak na oxygen pero agad Kong binalik iyon.
"No din! Gusto ko Ikaw Ang mabuhay"
Napasentido na lamang Sya at muling ibinigay sa kin Ang oxygen.
"I told you Deza. Gusto ko Yung Love na kayang ibuwis Ang Buhay para sa taong Mahal ko. And now, I'm doing it for you.. coz I.. love you."
Napaiyak na naman ako habang yakap-yakap Ang oxygen na binigay nya. Umatras Sya papalayo sa kin.
Oh hindi.Hindi ko Sya kayang tignan na nilalamon ng tubig. Hindi ko kayang makita na namamatay Ang taong Mahal ko.
"Go now Deza. Go."
Nakangiti Sya habang tinuturo Ang pinto. Patagilid na ang barko. At abot na hanggang tuhod Ang tubig dito sa loob.
Hindi ko kayang ihakbang Ang paa ko habang nakatitig sa kanya.

BINABASA MO ANG
What He Wants
RomanceNatakot.. nagmahal.. natakot ulit.. Kaya pinakawalan na lang ang minamahal. Ganito paLa kahirap kapag Ang taong minahal mo.. mamamatay tao. Isang Mafia Prince.