Lakad dito.. lakad doon...
Wala na akong Ibang nagawa kundi yun lang. Jusko kinakabahan ako.
"Hinahon lang Deza anak. Magaling si Lord Vin. Hindi Sya mapapahamak at maliligtas nya Ang anak nyo," Kalma sa kin ni mama. Labat kami ay nandito sa Sala at nag-aabang. Panay din Ang paypay sa kin ng mga maids.
"Isa pa, nandoon din Ang boyfriend ko. Pareho silang magaling. Wag kang mag-alala."Napasimangot ako sa kanya. Pero kabado pa din ako. Ang tinutukoy kasi nyang boyfriend ay si Lord Vicente. Hayyst kelan Kaya Ang break up Nila? Nakakahiya naman Kay baby Exort ko Kung malalaman nyang may ganitong nangyayari sa mansion. Magjowa Ang lolo nya sa side ng dad nya at lola sa side ko. Kadiri.
Ilang saglit lang ay narinig na namin Ang sunod-sunod na pagdating ng mga kotse. Oh God! Andito na sila.
Kamusta Kaya sila?Tagumpay Kaya?
Nakuha Kaya Nila Ang anak ko?
Mabilis Akong lumabas sa main door nang buksan iyon ng dalawang maids. Lahat ng kasama ko dito sa Sala ay napatayo na din at sumama sa kin sa harap ng pinto.
Isang itim na itim na kotse Ang huminto 3 meters Ang layo sa kin. Alam Kong Kay Melvin iyon.
Di ko lubusang maipaliwanag Ang nararamdaman ko Basta Ang alam ko ay para Akong magkaka highblood dahil sa bilis Ng tibok ng puso ko.Maya-maya pa ay lumabas Ang asawa ko mula sa driver's seat. Seryoso Sya at walang kaemo-emosyon Ang Mukha. Sa Mukha pa lang nya ay alam kong wala na naman Syang napala.
Bumagsak Ang balikat ko.
Nawala Ang kabang naramdaman ko kanina.
Pang-ilang beses na kaya kaming pinaasa? More than 30 times na."Ang anak natin?"
Walang ganang tanong ko kahit alam ko na ang sagot.Wala Sya dun...
Wala Sya dun...
Napapailing na lang ako habang bumubulong sa isipan ko yun. Palagi na lang kasi. Kelan ko ba makikita muli Ang anak ko?
In just a moment ay naglandas na naman Ang mga luha ko sa Mata. Maiiyak na naman ako damn it! Kelan pa ba 'to matatapos?Tinitigan ako ng seryoso ni Melvin. Pagkuwan ay pinahid nya Ang mga luha Kong nagsitulo. Pero mas lalo lamang Akong naiyak. Ayoko na pinapatahan ako. Mas nasasaktan ako. Mas naaawa ako sa sarili ko.
"I.. I miss him so much dad.. Kelan ba natin Sya mahahanap?"
I speak while sobbing."Ssshhh... Tahan na mom." Pinahid nyang muli Ang mga luha ko Kaya napapikit na lang ako.
"Paano ako tatahan kung alam kong nasa malayo Ang anak ko? Ano na kayang nangyayari sa kanya?.. oh Jusko." He gave me a smack kiss on my forehead.
"Tahan na.." napapailing Sya sa kin. Parang wala lang sa kanya na pinaasa Sya. Sunod ay bumulong sya sa 'kin.
"Makakasama na natin Sya."
"Huh?"
Mabilis Kong minulat Ang mga Mata ko at nang titigan ko Sya ay nakangiti Sya. Di ko maintindihan.
"Anong ibig mong Sabihin..?" naguguluhang Tanong ko. Ngumiti Sya ng malapad sa kin saka tumayo sa gilid ko.Laking gulat ko nang mapalingon muli ako sa kotse na kanina ay hindi ko gaanong makita dahil nakaharang kanina sa harap ko si Melvin.
May dalawang bata doon na kalalabas pa lang. Babae at lalaki. At magkaholding hands pa.
Nang inangat ng Batang lalaki Ang Mukha nya ay saka ko lang Sya natitigan ng maayos. Jusko!Namumugto Ang mga Mata nya pero lumilitaw pa din Ang kagwapuhan na gaya ni Melvin.
Jusko anak ko nga!
"Ang baby ko..!"
Napabulalas ako."Mommy.."
Sumikip Ang dibdib ko nang makita ang pagtulo ng luha sa mga Mata nya. Umiiyak Ang baby ko.
Kusang humakbang Ang mga paa ko Hanggang sa makaabot ako sa kanya at niyakap ko Sya ng mahigpit.

BINABASA MO ANG
What He Wants
RomanceNatakot.. nagmahal.. natakot ulit.. Kaya pinakawalan na lang ang minamahal. Ganito paLa kahirap kapag Ang taong minahal mo.. mamamatay tao. Isang Mafia Prince.