CHAPTER 24

343 14 9
                                        

"Pa'no kung... Buntis ka nga? Anong gagawin mo?"
Malungkot na Tanong sa kin ni Celine.

"Ewan. H-hindi ko alam.." napayuko ako. Kasalukuyan kaming naglalakad Ngayon ni Celine papunta sa malapit na OB Gyne Clinic. Malapit Lang kase yun sa amin. At kahapon rin lang kami nakauwi dito. Ang alam pa rin ni mama ay magbabakasyon lang kami.

"Sino ba kase talaga Ang ama?"

"Hindi ko pa kayang Sabihin. Tsaka hindi naman tayo sigurado Kung buntis nga ako diba?"

"Oo nga. Eh pa'no nga Kung buntis ka nga? Ano? Hahayaan mo na lang na lumaking walang ama yang dinadala mo?"

"Eh.. di nga tayo sigurado Kung buntis ako eh." Walang ganang sagot ko.
Napahilamos na lang ng Mukha si Celine.
"Ang labo mo Deza! Mag-isip ka nga ng advance. Yang anak mo Ang magiging kawawa pagdating ng panahon."

"Eh hindi nga tayo sigurado Kung buntis--"

"Hussshhh! Tama na'ng satsat Deza. Pumasok ka na."
Hindi ko namalayang nasa tapat na paLa kami ng klinika. Tinuro nya sa kin Ang entrance Kaya pumasok na agad ako at Sya naman ay naghintay lang sa labas.

Kinausap ko lang Ang doktor na icheck na lang Kung tama Ang hinala ko. Pagkatapos ay nagbigay ako ng urine sample at lumabas na.
Magkatabi kami ni Celine na nakaupo sa bench habang naghihintay ng result. Kumakabog talaga Ang dibdib ko sa kaba. Oh God.

Pa'no nga Kung buntis ako? Anong gagawin ko? Ito siguro Ang kapalit ng pag-iwan ko Kay Lord Vin. Bibiyayaan ako ng isang alaala mula sa kanya. Ngunit natatakot ako. Hindi ko alam Kung magiging maayos ba Ang Buhay nito paglaki.

Ilang minuto pa Ang lumipas ay lumabas na ang doktor. Dala-dala nito Ang isang papel. Mabilis na napatayo si Celine at tila atat nang malaman Ang result. Samantalang ako ay hindi na makagalaw dito sa kinauupuan ko. Kinakabahan ako. Mas lalo pang bumilis Ang tibok ng puso ko nang buklatin ni Celine Ang papel at basahin.

Pagkatapos nyang bumasa ay nanlalaki ang mga Matang napatitig Sya sa kin. Kinutuban na ako.

"Deza.. buntis ka.."

"Ha..?"

Tila huminto lahat ng bagay sa paligid ko. Pati Ang paghinga ko ay huminto din. Saglit Akong nawala sa sarili at nakabalik lang sa wisyo nang umalingawngaw sa buong paligid Ang sigaw ni Celine.

"God! Girl! Buntis ka nga!"
 
. . . . . . . .

"S-sino Ang ama... Sabihin mo sa 'min." Si mama na ang mismong nagtanong sa kin.
Umiling lang ako habang nakayuko at umiiyak. Hindi ko kayang Sabihin sa kanila Kung sino Ang ama. Pero pa'no na 'to? Buntis nga ako...

"ba't di mo kayang sabihin sa kin? Bat Ang dami mong nililihim sa kin? Pati Ang ibinayad nyo sa pang-ospital ko hindi mo sinabi Kung saan galing. Ako ba talaga Ang ina mo? Pakiramdam ko hindi eh!"
Napalingon ako Kay mama nang Makitang umiiyak na Sya. Hindi ko na alam Ang gagawin ko. Nasaktan ko si mama.

"M-ma.." mahinang sambit ni Celine habang umiiyak na rin. Pakiramdam ko pinagbagsakan kami ng kamalasan. Yun ay dahil sa kin.

"Oo na.. sorry kung hindi ako naging mabuting ina sa inyo. Nalulong ako sa sugal dahil sa gusto kong kalimutan Ang papa nyo. Pero Sana naman.. wag nyo kong paglihiman sa ganitong sitwasyon. Pakiramdam ko tinakwil nyo na 'ko bilang ina eh!"

"Ma, wag ka namang magsalita ng ganyan--"

"isa ka pa! Akala mo di ko napapansin ha." Tinuro ni mama si Celine Kaya yumuko ito. "may nililihim ka rin sa kin. Galit na galit ka sa mga pumatay sa papa nyo Kaya gusto mo gumanti. Pero sabi mo sa kin hindi ka na galit. Eh bakit di mo masabi sa kin Kung ano yang trabaho mo?! At bakit biglaan Ang pagbakasyon natin ha? Ano ba talaga Ang sikreto nyo?"

Nakatulala Akong nakatitig sa kanila. Mukhang ito na nga Ang oras para malaman ni mama Ang lahat. Matalino si mama. Kahit di nya kami madalas mabantayan ay napapansin pa rin nyang may kakaiba sa 'min.

Narinig ko Ang paghikbi ni Celine. Lumapit Sya Kay mama at humawak sa mga palad nito. Ganun Ang paraan ng pagsorry namin kapag malaki Ang kasalanan namin.

"Ma, I'm sorry... Sumali po ako sa mga mafia para gumanti sa mga kagrupo ni papa dati. Ang grupo po ni Lord Vicente Ang sinalihan ko. Sya po yung king ng--"

"kilala ko Sya." Kaagad na sagot ni mama. Bumuntong hininga Sya. " Sya Ang mafia king na kalaban ng grupo ng papa mo diba?"

"Opo ma. Ma sorry... Sorry na po" Paglalambing ni Celine Kay mama habang umiiyak. Napaluha na rin si mama. "siguraduhin mong Hindi ka na uulit... Na hindi ka na sasali sa mga ganyan ulit."

"Opo ma. Promise po di na mauulit" napangiti si Celine. Madaling lambingin si mama pero Ang sama ko dahil pinaglilihiman ko Sya.

"Eh Yung tungkol naman sa pag-uwi natin dito sa probinsya?" Tanong muli ni mama. Napayuko ako. Konektado iyon sa lihim ko. Narinig kong nagsalita si Celine.
"Si Deza po Ang makakasagot nyan."

"Oh Deza... Sumagot ka."

Mas napayuko ako. Sasabihin ko na ba?..
"K-kase ma.. pinagbantaan ako ni Lord Vicente.. papatayin nya tayo pag hindi tayo lumayo." Bitin na sagot ko.

"At bakit nya tayo pagbabantaan? Anong kasalanan natin sa kanya? May alam ka ba dito Celine?" Tanong ni mama Kay Celine. Umiling naman ito.
"Hindi ko alam. Wala ako atraso dun."

"Oh Deza. Bakit nya tayo pagbabantaan?" Tanong muli ni mama. Hindi ako tumingin sa kanila. Di ko kayang Sabihin.
"Deza humarap ka sa kin at umamin ka." Galit Ang tono ni mama.

Dahan-dahan kong inangat Ang ulo ko hanggang sa magtama Ang paningin namin ni mama.
"Ma.. kase po.. kase.."

"Ano nga? Diretsuhin mo"

Sa pagkakataong ito ay naiyak na ako. Mabilis Akong lumapit Kay mama at hinawakan sya sa palad.
"Ma I'm sorry... May.. may relasyon kase kami ng.. ng anak ni Lord Vicente. Si Lord Vin. At sya po Ang ama ng--"

"Ano?!"

"Jusko! Deza!"

...............

What He WantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon