Just after five months ay naasikaso na kaagad Ang divorce nilang dalawa. Hindi na rin tumutol si Kyla sa divorce nila at pumirma na ito sa divorce paper ng walang pumipilit sa kanya.
Kaya naman, nagkaroon kami ng dalawang buwan upang paghandaan Ang kasal namin ni Lord Vin na ngayon ay Melvin na lang at wala nang Lord. Pero tinatawag ko syang dad.
Naging laman din kami ng magazines at dyaryo. Marami Ang nakibalita na si Melvin at si Kyla ay nagdivorce na at malapit na ulit ikasal si Melvin sa babaeng nagngangalang Deza Francisco. Ako yun. Naging laman din ng balita Ang anak namin na si Baby Exort at sinagot doon ni Melvin na hindi nya inabandona Ang kanyang mag-ina. Wala talaga syang alam na may anak paLa sya sa babaeng tunay nyang Mahal at nalaman lang nya Kung kelan isinilang na ito.
Wala rin sana syang balak magpakasal Kay Kyla Kung hindi lamang dahil sa dad nya at dahil na rin sa labi na galit sa kin. Ngunit ngayon ay tapos na ang problemang yun.
Walang nangbash sa kin. At buti na lang dahil Ang ginamit nilang picture ko sa magazine at dyaryo ay maganda Ang pagkakakuha. Sabi Nila maganda daw ako.hehe.nemen.
Masaya sila para sa amin. At sabi Nila, mas deserving daw ako sa posisyon ko kaysa Kay Kyla. At Kung pag-uusapan Ang tungkol sa ganda, maganda raw ako. Magkaiba nga lang kami ng ganda ni Kyla dahil Sya ay hot and gorgeous pero payaso. At ako naman ay simple, angelic and baby face at sexy dahil medyo may laman din ako Hindi tulad ni Kyla na payat.At pagkatapos nga ng dalawang buwan ay ipinagdiriwang namin Ang kasal namin ni Melvin kasabay Ng 1st Birthday ni Baby Exort.
"Mabuhay Ang bagong kasal!"
"Happy Birthday Baby Exort!"
Yan ang mga sigawan na naririnig namin. Dito sa malawak na lupain ng mansion ginanap ang reception ng kasal at ng birthday ni Baby. Dalawang malalaking cake ang inihanda na mas malaki at mas mataas pa sa tao. Ang isang cake ay color white and purple. At Ang Isa naman ay color green at may nakaukit na Happy 1st Birthday Baby Exort.
Napakarami din ng bisita at karamihan ay mga katrabaho ni Melvin na mga modelo din at ang iba ay kasali sa showbiz.
Si Melvin ang kumakarga Kay baby habang sumasayaw kaming tatlo sa gitna. Masaya ako habang pinagmamasdan Ang mag-ama ko. Magkamukhang magkamukha talaga sila lalo na pag sabay silang ngumingiti. Magkapareho sila ng ngiti. Pati Ang Mata Nila ay magkapareho din ng kulay.
Hinalikan ko sa pisngi si baby at hinalikan nya rin ako sa pisngi. Tapos hinalikan ko naman sa lips si Melvin na tinugunan naman nya. Hanggang sa may narinig akong malakas na tampal at Ang biglang paglayo ni Melvin sa kin. Napadilat ako ng Mata.
"Aww! Baby! Bat mo sinampal si daddy?"
Reklamo ni Melvin habang sapo-sapo Ang kaliwang pisngi. So sinampal paLa Sya ni Baby Exort. Napatawa na lang ako. Akala ko Kung ano na."Kish me tati! Kish me tati!"
Sambit ni Baby Exort kahit hindi pa Sya gaanong makapagsalita.Hinalikan Sya ni Melvin sa pisngi at hinalikan nya rin Ang daddy nya sa pisngi tapos pumalakpak Sya. Napapangiti na lang ako. My baby is so sweet. Kahit minsan ay nahahalata ko sa kanya na parang seryosohin Sya kahit 1 year old pa Lang Sya, nakikita ko pa ring sweet na bata si Baby Exort.
Ang sabi raw Nila, A Mondragon person, with a royal blood, is naturally serious but sweet. Mukhang ganoon nga si Baby Exort. May royal blood Sya dahil anak Sya ng prinsipe.
Ipinasa na nga paLa ni Lord Vicente Kay Melvin ang posisyon nya. Si Melvin na Ngayon Ang tinuturing na King of all Mondragon family and squads at si Baby Exort naman Ang prince. At syempre, pahuhuli ba naman ako? Ako na Ngayon Ang Queen of all Mondragon family and squads dahil asawa ako ng hari syempre.
.............

BINABASA MO ANG
What He Wants
RomanceNatakot.. nagmahal.. natakot ulit.. Kaya pinakawalan na lang ang minamahal. Ganito paLa kahirap kapag Ang taong minahal mo.. mamamatay tao. Isang Mafia Prince.