CHAPTER 20

183 7 0
                                    

Isang oras din Ang naging byahe namin ni fucking Kyla the snake habang nasa kotse nya.
Inaantok na nga ako sa byahe pero pinipilit kong Hindi matulog dahil baka may gawin syang masama sa kin. Knowing Kyla, alam kong close na close sila ng papa ni Lord Vin. At tingin ko Rin, ayaw din nya sa kin. Madalas nya kase Akong tinitingnan from head to toe. Parang minamaliit ako.
May lakas Sya ng loob na maliitin ako dahil mas mataas Sya sa kin. Mas mayaman, mas maganda, at mas sexy.

"Okay. We're here!"

Pukaw nya sa kin. Di ko namalayan na nakatulala paLa ako sa kanya. Kaagad akong umupo ng matuwid at nilingon ko Ang buong paligid.
Daungan ng mga... Yate.

Sabay kaming lumabas ni Kyla at manghang-mangha ako nang makita ko Ang buong paligid.
May sobra sampung yate Ang nakataray sa may right side. Pare-parehong magaganda at bago. Pare-pareho din Itong may tatak na buwan at isang dragon.
Sa left side naman ay may mga nakataray din na mga jet-ski at may tatak din na buwan at isang dragon.

Ganito rin Ang tatak ng yate ni Lord Vin na pinalubog nya. Ah.. siguro dito Sya bumibili ng yate na sinasakyan nya. So? Bakit ako dadalhin ni Kyla dito?

"Look at those Yacht." Tinuro ni Kyla yung mga yate. "Each yacht costs a million pesos."
Taas noong sabi nya. At nakacross-arms pa ha.

"At yung mga jet-ski na yun.. it costs 200 to 500 thousands pesos. At hindi lang yan. May tatlo pang sub-marine na nasa ilalim ng dagat at niroroaming Nila." Tugon pa nya sa kin.

Nangunot na Ang noo ko. Ano bang gustong ipalabas ng babaeng 'to? Na sobrang yaman ni Lord Vin dahil Kaya nitong bilhin Ang Isa sa mga yate na yan at ipapalubog lang sa karagatan?
Yun ba?

"Anong pinupunto mo?" Mataray na Tanong ko sa kanya. At ako naman Ang nagcross arms. Tumaas naman Ang kilay nya sa kin.
"Gusto mo bang ipaalam sa kin na sobrang yaman ni Lord Vin dahil Kaya nyang bilhin yan, samantalang ako hindi ko yan afford? Yun ba Ang dahilan Kaya sinama mo ko? Para magmukhaan ako?"

"Ohw haha.. of course not. Syempre mas Higit pa sa iniisip mo."
Mataray na sagot nya sa kin at tinaasan nya ulit ako ng kilay.
Nagtaka ako. Anong mas Higit pa sa iniisip ko Ang ibig nyang Sabihin?

"lahat ng yan.. pag-aari yan ni Vin. Pag-aari nya lahat ng yan did you hear me?!"
Natutop ko Ang bibig ko. Muli Kong nilingon sa paligid Ang mga Mata ko. Mas lalo tuloy Akong humanga sa mga yate at jet-ski. Pag-aari 'to ng boyfriend ko?!
"Hindi mo siguro alam. Pag mamay-ari nya Ang pagawaan ng mga sasakyang pandagat dito. At hindi lang yan.. may dalawa pa syang kumpanya."

Nanlaki ang mga Mata ko na napatingin sa kanya.

"nadaanan na natin kanina Ang dalawang building na pag aari nya pero hindi mo siguro pinansin dahil hindi mo naman alam na sa kanya yun."
Nangunot na naman Ang noo ko. Well, napakarami kasi ng building na dinaanan namin dahil nasa lungsod kami. Kaya hindi ko alam Kung saan dun Ang building Nila.

"Bakit mo sinasabi sa kin 'to?"
She straightly looked at me na para bang may galit Sya sa kin.
Kinabahan ako.

"I'm telling you this to let you know that you're so lucky. Though you don't deserve this. Pero hindi ko Naman mapipilit si Vin Kung Ikaw Ang gusto nya. Wala akong balak na awayin ka dahil Ikaw Ang pinili ni Vin at hindi ako. But I just can't help myself to think about our gap."
Huminga Sya ng malalim. Ako naman ay matalim lang na nakatingin sa kanya. I'm so damn mad! Talagang Ang taas ng tingin nya sa sarili nya.

"To tell you honestly, akala ko ako Ang pipiliin nya. Dahil mas angat ako sa'yo and I'm her childhood best friend. Well actually we are more than that."

Parang nagkaroon ako ng bikig sa lalamunan. Nagreact agad Ang puso ko nang Sabihin nyang they are more than that. More than just best friends? Parang gusto ko pa syang pakinggan kahit nasasaktan ako.
Sya naman ay nagcross arms at tumingin sa malayo habang nakangiti. Para bang may inaalala syang nakaraan. Sa mga ngiti nya, pakiramdam ko ay mukhang masaya nga Ang pinagsamahan Nila ng boyfriend ko.

"B-bakit.. bakit mo nasabing more than friends kayo?"
Napalunok ako. Tama ba na tanungin ko Ang tungkol dun?
Saglit syang tumingin sa kin at muli na naman syang tumingin sa kawalan habang nakangiti.

"ako lang naman Ang first girl best friend nya. No. I mean I'm his ONLY best friend.. with benefits na rin. Ako lang Ang babaeng nakatagal sa ugali nya. And we became closer. We even tried sleeping on one bed. Saka ko Lang nalaman na mahilig paLa syang yumakap ng Kung ano-ano kapag tulog. Sobrang higpit ng pagkakayakap nya sa kin ng gabing yun. H-hindi ko makakalimutan yun. My.. my heart beats so fast that moment.."

Huminto Sya at ngumiti sa kawalan. Tila huminto din Ang mundo ko. Huminto ako sa paghinga at di ko namalayang kinukuyom ko na paLa Ang kamao ko. Damn. Ang sakit. Mukhang nagsasabi nga Sya ng totoo. Napapansin ko din kase yun nang magkatabi kami ni Lord Vin matulog. Ang higpit nyang yumakap. Damn! Ang sakit talaga. Pero hindi ko magawang magwalk-out. I wanted to listen.

"I'm also his first kiss. Nang kinulong kami ng dad nya sa isang kwarto, I and Vin tried to kiss. Gusto lang namin malaman Kung ano sa feeling. We kissed passionately.. hanggang sa nauwi sa torrid. Di na kase namin nacontrol Ang sarili namin. Pareho kaming nang-iinit. Until I just realized that I'm already lying on the bed and he is on top of me. We are both naked and--"

"Okay stop na!"

"Ohw.. okay" nagtaka syang napatingin sa kin.

Mabilis Akong tumalikod at naglakad na papunta sa kotse nya. Di ko na napigilan Ang pagpatak Ng mga luha ko. Pasimple ko na lamang na pinunasan yun para di nya makita.
Sobrang sakit. Akala ko ba ay ako lang Ang nagpapaligaya Kay Lord Vin ng ganito.
Akala ko ako ang first sex nya..

Pero naunahan ako ni madafucking Kyla the snake. I want to punch her but I just can't! Wala naman syang kasalanan sa kin eh.
I am the one who convinced her to tell me their story.

What He WantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon