CONTINUATION (24)
This is the 9th month..
Malaki na ang tiyan ko. Di ko Rin alam Kung pa'no ko nakayanan Ang mga nagdaang buwan na hindi kasama si Lord Vin.
Gabi-gabi, tuwing naaalala ko Sya ay napapahikbi ako. Akala ko nga ay makukunan ako dahil iyakin ako habang nagdadalang-tao pero buti naman at malakas Ang kapit ni baby.Noon ay pinangarap Kong magkaroon ng buong pamilya. Pero Ibang Iba Ang naging sitwasyon ko Ngayon. Naiiyak ako tuwing naaalala si Lord Vin dahil pangarap Kong makasama Sya sa pag-aalaga sa magiging anak namin pero hindi eh.
Tuwing hating-gabi na nagigising ako at naglalaway. Gusto kong kumain ng ice cream.. gusto kong lumamon ng street foods.. wala naman sa tabi ko Ang asawa ko para bilhan ako ng pagkain para sa paglilihi ko.Mahirap magbuntis ng walang asawa. Pero buti na lang at nakayanan ko kahit papaano.
Pero Ngayon.. ewan ko Kung Kaya ko pa. Madalas nang sumasakit Ang tiyan ko ng mga nagdaang araw.
Ang laki-laki na rin ng tiyan ko at mukhang gusto na ni baby lumabas.Hindi ako nakasubok magpa-ultra sound dahil wala na kaming pera. Sinubukan ni Celine maghanap ng trabaho pero di talaga Sya natatanggap eh. Kaya naman pareho sila ni mama nagtitinda ng gulay sa palengke para kumita kahit papa'no.
Habang nagmumuni-muni ay bigla na naman sumakit Ang tiyan ko. Mas masakit pa kaysa kahapon. Namilipit ako sa sakit at napahiyaw ako.
"Aaaahhhh! Ma..! Lalabas na yata!"
"Jusko! Nurse! Nurse! Ang anak ko manganganak na!" Halos hindi na mapakali si Mama nang lumabas Sya sa room ko para maghanap ng nurse.
May likidong umapaw sa mga hita ko at mas dumoble pa Ang sakit. Pumutok na yata Ang panubigan ko. Mabuti na lang at may dumating kaagad na dalawang nurse. Kaagad Nila Akong sinugod sa delivery room.
Nasulyapan ko pa si mama na umiiyak. Nakahawak lang siya sa kamay ko. At ayaw nya Akong iwanan. Napaluha ako. Sana si Lord Vin Ang nandito para sa kin.. Sana Sya Ngayon Ang nagbibigay lakas sa kin.. pero sa tuwing naaalala ko Sya mas napanghihinaan ako ng loob.
..."Sige pa! Umire ka pa!"
"Aaaaaahhhhhhhh!"
"Ire pa. Andito na ang ulo!" Tugon sa'kin ng Doctor. Napahiyaw ako sa sakit.
"Aaaaahhhhhhhhh! Lordddd Vinnn!"
Sigaw ko Hanggang sa tuluyan nang makalabas si baby. Napaiyak na lang ako sa pinaghalong tuwa at sakit. Ang sakit manganak, sobra. Pero mas masakit manganak pag hindi mo kasama Ang ama ng baby mo.
'Lord Vin.. daddy ka na..'
Napahikbi ako habang dala-dala ko pa rin Ang sakit sa buong katawan ko. Nanghina na din ako Kaya dinala na muna ako ng nurse sa room ko matapos nya Akong linisan para makapagpahinga muna.
..Nang magising ako ay sina Ate Celine at mama kaagad Ang nabungaran ko. Mailap ang mga Mata ni mama habang nakatitig sa'kin at nakangiti. Kaagad Akong napaupo nang may maalala ako.
"Ang baby ko!?"
Takot na Tanong ko. Hindi ko Sya narinig kanina na umiyak."Sshh. Okay na si baby. Dadalhin na din Sya dito anak." Hinaplos ni mama Ang Mukha ko at hinalikan ako sa pisngi. Nakahinga ako ng maluwag.
"Oh andito na pala si baby!" Tuwang-tuwa na tugon ni Celine Kaya napatingin ako sa may pinto.
Muntik na Akong lumundag sa kama nang makita ang nurse na dala ang baby ko. Excited na Akong hawakan Sya at halikan.
"Andito na po Ang baby boy nyo." Tugon ng nurse at binigay sa'kin si baby.
So, baby boy pala... Marahan kong hinaplos Ang pisngi ng baby boy ko. Muntik pa akong mapaiyak sa sobrang tuwa.
Oh ang baby boy ko...
Ang cute nyang matulog. Chubby Ang pisngi at maputi. Pati Ang nakapout na labi nya ay cute din at mamula-mula. Hindi ako makapaniwalang sa akin mismo nanggaling ang cute na Batang lalaking ito.
"Ang cute nya, Deza." Nakangiting tugon sa'kin ng kakambal ko.
"Hsshh.. anak wag ka nang umiyak." Nakangiti din na sabi sa'kin ni mama habang nakatitig Sya sa anak ko.
"Eh kasi naman eh, ma... Huhu.. ang cute ng anak ko.." umiiyak na sagot ko. Umiiyak na nakangiti.
At dahil sa iyak ko ay nagising si baby. Dahan-dahan nyang dinilat Ang Mata nya at halos maiyak na naman ako sa tuwa. Pati sina mama at Celine ay tuwang-tuwa din.
Eh pa'no ba naman kasi.. eh brown Ang Mata ni baby!"Oh My! Oh my God! Deza taena talaga! Ang gwapong bata ng pamangkin ko!"
"Ang gwapo ng apo ko..." Naiiyak na tugon ni mama. Habang pasimpleng pinupunasan ang mga butil ng luha sa pisngi nya. Pati tuloy ako ay napapaiyak na naman.
"Si Lord Vin.. kamukhang kamukha nya si Lord Vin, ma.."
"Anong ipapangalan mo sa kanya?"
"Exort." Kaagad na sagot ko.
Pinadede ko sa sarili kong dede ang baby ko dahil nagsimula na Itong umiyak.
"Exort.. ang ipapangalan ko sa kanya."
"At aalagaan natin Sya ng maayos. Palalakihin natin syang gwapo."
_______
Na-late po Itong maiupdate. Sorry po❤️

BINABASA MO ANG
What He Wants
Любовные романыNatakot.. nagmahal.. natakot ulit.. Kaya pinakawalan na lang ang minamahal. Ganito paLa kahirap kapag Ang taong minahal mo.. mamamatay tao. Isang Mafia Prince.