Bigyan mo ulit Sya ng anak..
Bigyan mo ulit Sya ng anak..
Bigyan mo ulit Sya ng anak..
Paulit ulit na lang na bumubulong yan sa isipan ko habang naglalakad ako paakyat sa kwarto namin ni Deza.
Kagagaling ko lang sa kusina at nag-advice sina mama Salve sa kin na bigyan ko ulit ng Isa pang anak si Deza.Teka, mukhang mali eh. Ako Ang lalaki sa amin eh tapos ako Ang magbibigay ng anak? Mas understandable siguro Kung Sabihin nilang "buntisin mo si Deza para magkaanak ulit kayo." Ganun dapat.
Gulong gulo pa din ako sa Kung ano ang dapat kong gawin. Sabagay, may point din sila. Gusto nilang magkaanak ulit kami ni Deza para kahit papaano ay mabawasan Ang lungkot namin. Pero hindi talaga madali.
I miss my little boy.
And I miss my wife's smiles. Yung ngiti na alam kong totoo. Ngayon kasi ay ngumingiti naman Sya paminsan pero mababakas pa din Ang lungkot. Ganun din naman ako. Pinipilit ko na lang ngumiti.
Wala kaming alam Kung sino nga ba talaga Ang nagdukot sa kanya. Pero malaki ang hinala ko na mga Mendoza Ang may gawa nun. Specifically, Rodrigo and Kyla.Pero walang matibay na ebidensya na sila nga.
Nang mawala si Baby Exort, nawalan din ng sigla Ang buong mansion. Siya lang naman kasi Ang source of happiness namin. Malikot Sya eh. Pasaway, maingay at sweet na baby. Pero 4 years na syang hindi nagpapakita. I miss my son so much.
Siguro ay kailangan na talaga namin ni Deza magkaanak ulit. Mamamatay kami nito sa lungkot.
Imagine, Ang royal family ng Mondragon ay mamamatay dahil sa lungkot. Di ako papayag. Ang baby boy ko Ang pag-asa namin. Sya Ang nagdadala ng apelyido ko sa Royal Family.
Nang makaabot ako sa tapat ng kwarto ay kaagad kong binuksan iyon.
"Mommy.."
Hayun na naman Sya at nilalagyan ng decorations Ang crib noon ni baby Exort.
"Oh dad, nandyan ka na paLa. Matulog na tayo." Tipid syang ngumiti sa kin.Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at naupo ako sa kama. Magkayakap lang kami pero busy nga lang Sya sa paghimas-himas ng crib ni baby Exort. And just like the other day, she's smiling but she's sad.
Mahigpit ko syang niyakap sa Bewang nya na ikinataka nya. Sasabihin ko na ba?
"Oh dad. What's the matter?" She sweetly stroke my hair.
Tiningala ko Sya at hinawakan ko Sya sa batok upang iyuko Sya hanggang sa maabot ng labi ko Ang labi nya. Marahan ko syang hinalikan na tinugunan din nya. I love this kiss."Umm.. mom. Sex tayo."
"huh❔"
That's a big question mark! Nanlaki ang mga Mata nya nang mapatingin Sya sa kin tila gulat na gulat sa tinanong ko. Ganyan na Sya Ngayon eh."Sige na mom. It's been too long. Gusto ko nang mabigyan ng kapatid si Baby Exort at para naman bumalik kahit papaano Ang sigla natin."
"Naririnig mo ba yang sinasabi mo Melvin?"
Napakaseryoso ng boses nya. Bigla Akong natakot. Tapos tinawag nya pa Akong Melvin. Nasanay na ako sa dad eh. At kapag Melvin ang tawag nya sa kin, halatang galit Sya.
"Eh kasi.. suggestions din yun nina--"
"I don't care. Diba sinabi ko na sa'yo noon? Bibigyan ko si baby Exort ng kapatid kapag talagang nandito Sya. Kasi gusto kong makita nya Ang kapatid nya. Gusto kong makita muna sya, mahirap bang intindihin yun?!"
Nagulat pa ako nang tumaas Ang boses nya. At heto na naman.. may tutulo na namang luha sa mga Mata nya.

BINABASA MO ANG
What He Wants
RomansaNatakot.. nagmahal.. natakot ulit.. Kaya pinakawalan na lang ang minamahal. Ganito paLa kahirap kapag Ang taong minahal mo.. mamamatay tao. Isang Mafia Prince.