CHAPTER 6

297 10 0
                                        

"kumusta si mama?.. ano ba kasing nangyari?!"

Wala sa sariling napasigaw ako Kay Celine habang nasa loob kami ng room Kung saan naroon si mama.
Iyak pa Rin sya nang iyak.

"Anong nangyari Kay mama?.."

Napahagulgol ulit si Celine. Pati tuloy ako ay napapaiyak na rin.

"T-takot na takot ako Deza.. Ang akala ko inatake na sya sa puso dahil.. ewan! Basta takot na takot ako! Wala na si papa sa 'tin at Kung mawawala pa si mama... Hindi ko na kaya pa."

Umiiyak si Celine. Namalayan ko na lang Ang sarili ko na yakap-yakap sya. Pati ako ay napahagulgol na rin. Ramdam ko Ang hirap na pinagdadaanan ni Celine. Sa amin kasing dalawa ay sya talaga Ang palabiro at malambing sya kina mama at papa. Kaya naman Hindi nya kinaya nang mamatay si papa. Nagwala sya sa prisinto noon at pinipilit Ang mga pulis na hanapin Ang pumatay daw Kay papa.

Pero Ang alam ko ay nahit and run lang si papa. Hating-gabi nang mangyari yun. At noon ay narinig ko Rin mula Kay mama na isang gangster noon si papa pero umalis na ito sa grupo upang magbagong buhay.

Ngunit di pa rin ako sigurado Kung nahit and run lamang ba si papa o plinano talaga syang patayin. Basta Ang alam ko.. sina Celine at mama Ang hindi pa rin nakakamove on sa nangyari. Syempre hindi pa din ako makamove-on, pero di ko naman gaanong dinadamdam iyon.
Patuloy pa rin si Celine na paghahanap Ng hustisya para Kay papa.

"Deza..."

"Celine.. tahan na please. Ayokong nakikita kang umiiyak."
Hinimas-himas ko sya sa likod at pilit na pinapatahan.

"Deza... Ayokong may mangyaring masama Kay mama at sayo. Ayokong pati kayo, mawawala sa buhay ko. Hindi ko Kaya"

Napahagulgol na ako sa sinabi nya.

"Oo promise ko sa'yo yan.. Hindi kami mawawala. Sama-sama pa rin tayo nina mama okay?.."

Mabigat sa dibdib ko Ang mga sinasabi ko. Nasasaktan ako kasi ewan ko Kung matutupad ko ba yun. Eh pati nga ako ay may taning na din Ang buhay.

Natigil lamang kami sa pag-iyak nang may pumasok na doktor. Kaagad naming nilapitan ito.

"Dok, kumusta si mama"

Magkasabay na tanong namin.

"nasa maayos na kalagayan na po Ang ina nyo. Hinika lang po sya at hindi Sya inatake sa puso."

Nakahinga kami ng maluwag.

"Pero mahina po Ang puso nya. She is near to corona heart disease. Masama po sa kanya Ang laging umiinom ng alak."

Napatango na lamang kaming dalawa sa doctor at iniwan na nito kami. Napatingin pa kami Kay mama na Ngayon ay natutulog na sa kanyang higaan.

"Deza, kailangan ko na kasing pumasok sa trabaho ko.. ikaw na lang Ang bahala Kay mama ah"
Malimbing na tugon ni Celine sa kin. Lumingon ako sa kanya.

"Celine, may bakante ba dyan sa trabaho mo? Baka naman pwede mo 'kong tulungan na mag-apply. Para makaipon din ako ng pambayad--"

"No!"

Nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses nya sa kin. Ngunit nang matauhan ay napayuko Sya.

"I-I mean... Gusto kong ako lang Ang nagtatrabaho. Don't worry.. malaki ang sahod ko Kaya makakabayad din tayo sa pagpapagamot Kay mama. At ikaw, mag-aral ka ng mabuti para mas malaki pa sa sahod ko Ang mapasukan mong trabaho."

Ngumiti sya. Pagkatapos ay isinuot nya Ang itim nyang sombrero at itim na facemask. Pati nga Ang suot nyang jacket ay itim din. Pati pantalon. Sapatos nya lang Ang puti. Mata lamang nya Ang nakikita ko.

What He WantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon