"let's go na"
Kaagad Kong hinila si Lord Vin papasok ng horror house. Nagpatianod na rin lang Sya kahit ramdam ko Ang panginginig nya.
Jusko mga mamamatay tao sa earth! Sa horror house lang paLa takot.
Sina Mang Ernesto naman at 69Pon, ewan ko na Kung saan pumunta Ang dalawang yun. Hindi na sila sumama sa min eh."D-deza.. h-hawakan mo 'ko"
Kandautal na utos ni Lord Vin Kaya hinawakan ko na lang Sya. Nanlalamig Sya. Pero pawis na pawis naman.
"Takot ka?"
"No! Of course not!" Aniya.
"Okay."
Nagsimula na kaming maglakad sa madilim na daan ng horror house. Mas humigpit Ang kapit ni Lord Vin sa braso ko. Pati tuloy ako ay natatakot na din. Walang kahit isang ilaw. Pero may maliit na pulang liwanag sa malayo.
"Lord Vin.." hinarap ko Sya kahit Hindi ko maaninag Ang Mukha nya kase nga madilim.
"Susundan natin Ang red light na yun ha. Nandun siguro Ang exit. Sundan natin yun okay?"Naghintay ako nang sagot pero wala pa din. Kinakabahan tuloy ako.
"U-uyy.. Lord Vin."
"Deza.."
Tawag nya sa pangalan ko na halos pabulong na lang. Ramdam ko Ang higpit ng pagkakahawak nya sa kin and gosshh! Ang lamig nya. Tumayo tuloy ang balahibo ko."A-ano?" Kandautal na Tanong ko.
"M-may kumalabit sa kin.."
"Ha?"
"May k-kumalabit nga sa kin.."
Nagulat kami nang may biglang nagsindi ng gasera sa tabi namin at Kitang-kita Ang nakakatakot na Mukha ng isang malaking doll na nakangiti sa amin.
"Wwwwaaaahhhhh!!"
Baritonong boses ni Lord Vin Ang umalingawngaw sa loob ng horror house nang sumigaw Sya.
Halos liparin na namin Ang daan palapit dun sa exit kase Itong kasama ko... Maiyak iyak na sa sobrang takot!"Help us! Help us!"
Yan lang naman Ang sigaw nya habang tumatakbo.
Hindi na din namin napansin Ang gumapang na tyanak sa gilid namin kase nga tumatakbo kami.
Ngunit nang malapit na kami sa exit ay laking gulat namin nang may sumulpot na white lady sa harap namin.
"Rrrraaawwwwrr!!--"
Jusko!
Hindi na natuloy ng white lady Ang pananakot sa 'min nang di sinasadyang masuntok ito ni Lord Vin. Di yun gaanong malakas pero napahandusay sa sahig Ang white lady.
Oh my God!
"Wow. This is my first time to punch a ghost"
Seryoso Lang na tugon ng hinayupak na si Lord Vin habang nakatitig sa white lady na wala nang malay. Walang sabing binatukan ko Sya at sinuntok.
"Hindi yan multo! Tao yan!"
........
Muntik nang magwala Ang white lady doon sa dalawang security guard upang ipakulong si Lord Vin mabuti na lang at nagbago Ang isip nito nang makita ang itsura ng bf ko.
Pumayag ako na mag-usap silang dalawa in 5 minutes para lang patawarin ni white lady si Lord Vin. Kung Hindi ay makukulong talaga Ang bf ko at kailangan ng malaking pera pampiyansa.Nag-usap silang dalawa ng sila-sila lang. Samantalang ako ay nasa malayo at nakatingin lang sa Kanila. Ito lang Ang paraan para patawarin nya si Lord Vin dahil sa pagsuntok nito sa kanya.
Narinig ko pang nagtawanan silang dalawa. Talande!Grabe close agad Ang dalawa! At eto namang si white lady.. Ang landi! Feeling close kaagad sa bf ko!
Hindi nga nya alintana Ang make up sa Mukha nya at Ang nakakatakot nyang itsura Basta makausap lang Ang bf ko.
Curious na tuloy ako Kung Anong pinag-uusapan nila.The way they talk.. the way she laugh with my boyfriend.. parang nagkamabutihan na silang dalawa.
Nakita ko pang tumayo silang dalawa at sabay silang pumasok sa isang photo booth.Hindi ko sila matanaw kase sinara Nila Ang pinto.
Nahawakan ko Ang dibdib ko. Oh no. Wag ka namang magselos self! Pero di ko pa din makontrol Ang emosyon ko. May sumasagi kasi sa isip ko na mga katanungan.
Ano Kaya Ang ginagawa nila sa loob ng photo booth? Baka may Iba na silang ginagawa!
Ano kaya'ng pinag-usapan Nila kanina?
May gusto na din Kaya si Lord Vin sa babaeng yun? Sana hindi!Pero posible.
Ang sabi ni Lord Vin sa kin noon ay Hindi Sya nakikipagflirt sa kahit na sinong babae. Never syang naging close sa babae maliban sa kin. Never! Pero sa nakikita ko... Madali silang nagkamabutihan ng white lady na yun.
"Bulaga!"
"Aaaaahhhh! Sus maryosep!"
Napatalon ako sa gulat nang gulatin ako mula sa likuran nina Mang Ernesto.
"Mang Ernesto naman eh! Aatakihin ako sa gulat!"
Muntik ko nang mabatukan si Mang Ernesto dahil sa inis ko. Buti na lang nakapagtimpi pa 'ko kung hindi, baka nabali ko na yang batok niya. Nasa likuran naman nya si 69Pon."Sorry na hija. Masyado ka kasing seryoso. Nasaan ba si Lord Vin?"
Tanong niya.
Sumeryoso na naman tuloy ang Mukha ko at di na nga maipinta. Nakakainis talaga."Nandun! Sa Photo booth!" Inis na sagot ko.
"Saan ba dito Ang Poto bot?"
Poto bot?
Iiling-iling na itinuro ko yung Poto bot na sinasabi nya. "Hayun oh!"
At sakto din na lumabas sa poto bot si Lord Vin kasama Ang white lady. Halos magtatalon na nga sa tuwa Ang babaeng yun at kumikinang pa Ang mga Mata na nakatitig sa Mukha ng Boyfriend ko.
Amputa! Anong ginawa nila sa loob ha?!
Common sense Deza. Syempre nagpapicture. Photo booth nga eh. Pero parang may something talaga eh! Parang may ginawa sila eh! huhu!
Ganito Ang feeling kapag nakikita mong may kasamang ibang babae Ang jowa mo. Ang sakit! Ang hirap huminga. Maraming bagay Ang sumasagi sa isip ko na mas nagpapatindi ng selos ko."Thank you sir!" Bati ng white lady sa boyfriend ko habang abot tenga Ang ngiti.
"You're welcome"
Ngumiti din si Lord Vin. Amputa!
Sir?! As in sir lang?!
Wala niisang tumatawag sa kanya ng sir! Lahat tinatawag syang Lord Vin. Kahit nga ako na girlfriend nya ay Lord Vin din Ang tawag sa kanya. Samantalang Ang babaeng yun?! Tinawag syang sir pero di Sya nagalit?!
Nag 'Youre welcome' pa sya habang nakangiti. Amputa!"Kung may baril lang talaga ako babarilin ko talaga yang white lady na yan!" Pasigaw na bulong ko.
"Heto hija, baka kailangan mo."
Nilingon ko si Mang Ernesto nang may iabot Sya sa kin.
Baril!
"Jusko! Joke lang yun noh! Di ako mamamatay tao ano ka ba!"
BINABASA MO ANG
What He Wants
RomansaNatakot.. nagmahal.. natakot ulit.. Kaya pinakawalan na lang ang minamahal. Ganito paLa kahirap kapag Ang taong minahal mo.. mamamatay tao. Isang Mafia Prince.