Nakatulala Akong nakaupo sa may tabi ni mama. Kumakain ngayon si mama, kakagising lang kasi nya. Pero wala Akong panahon para kausapin sya dahil lumilipad pa din Ang isip ko.
Di pa rin ako makamove on sa nangyari kanina.
Di ko matanggap!
FLASHBACK..
"Lord Vin bakit nagbago Ang isip mo? Ayaw mo na akong patayin? Ayaw mo na Akong isama?"
Buong tapang na Tanong ko sa kanya."why? You should be happy that I won't kill you anymore."
Napahinto ako sa sinabi nya. Oo tama nga naman sya. Dapat ay maging masaya ako dahil hindi nya na ako papatayin pero bakit parang ako pa yata Ang nagpupumilit? Ano na bang nangyayari sa kin?
Hindi. Ang totoo nyan, ayaw ko naman talagang mamatay. Pero nang Sabihin nyang aalis na sya at ayaw na nya Akong makita, Hindi ko matanggap!
Parang ayaw ko na mawalay sa kanya kahit pa hindi naman kami magkakilala.
Napayuko na lamang ako.
"Look. I know you love your mom, so Im giving you a chance to live and be with her. And I don't want to see your face again."
Ouch! Sobra na sya. Okay na Sana yung una nyang sinabi eh. Pero yung he don't wanted to see my face again grabe naman. Wala man lang ba syang feelings para sa kin? Eh halos maghalikan na nga kami buong araw eh. At hindi din maitatago ng mga tingin nya na may gusto nga sya sa kin pero bakit nya sinasabi 'to?
"Ayaw mo ba sa kin Lord Vin?"
"What?"
Nangunot Ang noo nya sa sinabi ko. Hehe.. Sana hindi nya narinig.
"Ah wala. Wala naman." Tanggi ko.
"Okay. I'll go now."
Cold lang na sabi nya. Naramdaman ko na naman tuloy yung lungkot.Tumalikod na sya upang iwanan ako ngunit pinigilan ko na naman sya.
"Lord Vin.."
Huminto Sya sa paglalakad pero Hindi sya lumilingon sa kin. Nakatalikod lang Sya. Naramdaman ko lamang na huminga sya ng malalim.
"What again?"
Tanong nya sa kin habang nakatalikod."M-magkikita pa ba tayo ulit?"
"I.. I don't know"
Bahagya syang napayuko."Ahh.."
Pumiyok Ang boses ko. Parang gusto ko syang pigilan. Bakit sa maikling panahon ay nagkagusto agad ako sa Angel-devil na 'to?"Pwede ba tayong mag-kiss ulit?"
Tanong ko.
Umakyat Ang dugo ko sa Mukha. Ramdam ko Ang pang-iinit ng pisngi ko. Bahala na Deza! Basta Ang gusto ko ay mahalikan sya ulit. Kahit ngayon Lang ulit.
Tumayo sya ng matuwid nang marinig Ang sinabi ko."Amm... Gusto lang Kitang mahalikan dahil ito na ang last--"
Hindi ko na natuloy Ang sasabihin ko nang mabilis syang humarap sa kin at sinakop ng labi nya Ang labi ko.
Nakatulala Akong nilalasap Ang bawat paggalaw ng labi nya.
Hanggang sa di ko namalayang tumutugon na ako at nakapikit na rin Ang mga Mata ko.Mas naging mapusok Ang paghahalikan namin. Hinapit nya ako sa Bewang at mas lalong idiniin sa katawan nya. Napayakap na rin ako sa batok nya at mas lumalim pa Ang paghalikan namin.
Ilang Segundo pa Ang lumipas ay kumalas na kami at parehong naghabol ng hininga. Hinihingal ako.
Pinakatitigan ko sya. Damn that face! May tumutulong pawis sa gilid Ng noo nya na mas lalong nagpapagwapo sa kanya. Di ko maiwasang makaramdam ng lungkot na baka ito na ang huling beses na makikita ko Ang mukhang ito.
BINABASA MO ANG
What He Wants
RomanceNatakot.. nagmahal.. natakot ulit.. Kaya pinakawalan na lang ang minamahal. Ganito paLa kahirap kapag Ang taong minahal mo.. mamamatay tao. Isang Mafia Prince.