~The Truth In The Lies~
___________Nakatulala lang ako sa may pinto habang dinuduyan ang anak ko sa bagong duyan na binili ko kahapon.
Hanggang Ngayon ay tulala pa rin ako at lumilipad Ang isip. Kahapon kase..
I didn't expect na makikita ko sa mall si Lord Vin.Galit na galit Sya sa kin. Ang akala ko nga ay mamamatay na 'ko. At Ang pinaka pinagsisisihan ko ay Ang hindi ko pag-amin ng totoo.
Nagdadalawang isip pa kasi ako Kung sasabihin ko na ba talaga. Natatakot kase ako na malaman 'to ni Lord Vicente at idamay nya pa Ang baby ko. Mas nangibabaw lang naman kase Ang takot ko Kaya nagsinungaling ako.
Pero nagsisisi ako lalo na nang makita ko Ang reaksyon ng Mukha ni Lord Vin. Pinagkaitan ko Sya na makasama at makilala Ang sarili nyang anak.
Pero isa rin lang akong ina na takot malagay sa panganib Ang anak ko.Namalayan ko na lamang Ang sarili Kong lumuluha na. Ang sakit eh.. lalo na kapag nakikita ko Ang maamong Mukha ng baby ko na may matambok na pisngi.
Sa tuwing nakikita ko Sya ay naaawa ako. Hindi naman kasi nya deserve Ang ganitong Buhay. Anak Sya ng prinsipe pero heto sya't kasama Ang nanay nya na nagpapakakuba para lang maiahon Sya.I even still have my menstruation mula nung isang buwan na ipinanganak ko si Exort pero nagtatrabaho na agad ako.
"Deza! Hello! Nananaginip ka na naman ng gising."
Napabalikwas ako nang tapikin ako ni Celine sa balikat. Kakapasok pa lang nya sa pinto. Mabilis Kong pinunasan Ang mga luha ko sa pisngi at hinarap Sya. "May problema na naman?"
"Hindi naman tayo nauubusan ng problema diba?" Tugon ko.
"Well, di nga tayo nauubusan ng problema, pero mababawasan naman Ang problem natin." Ngumiti Sya at pumamewang. "May trabaho na ako.!"
"Woah! Talaga?! Anong trabaho?"
"Well, personal maid ni Jaylord. At tsaka, sinagot ko na Rin Sya kaagad para naman may supply tayo ng pera dito sa bahay mwehehe."
"ba't di mo na lang kasi mahalin ng seryoso Yung tao. Ang gwapo kaya ni Jaylord. Gentleman pa at marunong makisama."
"under process pa 'ko eh."
"hayyst bahala ka dyan. Magtitimpla na muna ako ng gatas. Bantayan mo muna si baby." Tumayo na ako at tumungo sa kusina.
"nadaanan mo ba si mama sa palengke?" Tanong ko habang nagtitimpla ng gatas.Wala akong natanggap na sagot mula sa kanya Kaya inulit ko.
"hoy! Celine. Nadaanan mo ba si mama sa palengke?"Akala ko ay sasagot na Sya pero hindi pa rin. Nagtataka na tuloy ako Kung bakit di Sya sumasagot.
Maya-maya pa ay narinig ko na ang boses nya."D-deza.." she called me.
Kinutuban na ako. Ewan ko Kung bakit pero nakakaramdam ako ng kakaiba. Kaagad akong tumungo sa Sala upang tingnan sila ngunit laking gulat ko nang Hindi lang sya Ang naroon.
Sa tapat ng duyan ni baby ay naroon si Lord Vin. At may kasama din syang tatlong lalaki na nakamasquerade din at nasa pinto lang.Nanlalaki naman Ang Mata ni Celine habang nakatingin sa kin. Pareho lang kami ng reaksyon.
"Deza.. bigla na lang syang pumasok.""L-lord Vin..."
He gave me a mysterious grin and then he caressed baby Exort's cheeks. Kinakabahan ako.
Pa'no nya nalamang dito ako nakatira? May inutusan siguro Sya para sundan ako."Who's the father of your child, Deza? Who's your husband?" Seryosong Tanong nya sa kin. Parang lalabas na ang Ang puso ko sa sobrang lakas Ng tibok nun. I don't know what to say. I think I have to say a lie again.
"Nasa Maynila. Nagtatrabaho." Pagsisinungaling ko.
"And what's his job?"
"S-security guard."

BINABASA MO ANG
What He Wants
RomanceNatakot.. nagmahal.. natakot ulit.. Kaya pinakawalan na lang ang minamahal. Ganito paLa kahirap kapag Ang taong minahal mo.. mamamatay tao. Isang Mafia Prince.