CHAPTER 22.2

181 10 0
                                    

"Kayo talaga. Paminsan talaga ay hindi ko kayo maintindihan. Kambal nga talaga kayo. Oh Sya sige na alis na tayo" tugon ni mama.
Inalalayan Sya ni Celine na tumayo at sabay silang naglakad.
Kasabay nun ay Ang biglang pagring ng phone ko. Nang tignan ko ay tumatawag na naman si Lord Vin. Damn! Ang hirap nyang ireject.
Sa pagkakataong ito ay wala sa sariling sinagot ko Ang tawag.

"Hello."

"Hey baby.. bat nakasara Ang bahay nyo? Where are you?"

"N-nasa ospital kase ako. bakit? Bukas magkita na lang tayo.." pagsisinungaling ko. Yung totoo, wala na ako dito bukas.

"No. I want to see you now. I have something to tell you." Pagpupumilit pa nya. Shit talaga! Tatanggihan ko ba?

"B-bukas na lang. Busy ako eh."

"I'm on my way to the hospital now. I can't wait to tell you this."
Nanlaki ang Mata ko nang marinig Ang sinabi nya. Mabilis Kong pinatay Ang tawag.

"Celine! Mauna na kayo sa bus station. Bilisan nyo. Susunod na lang ako." Mariing bulong ko sa kanya. Tinulungan ko na Rin silang magdala ng gamit. Ilang minuto na lang ay nandito na si Lord Vin. At hindi nya dapat malaman Kung saan kami pupunta. At Isa pa, parang nagkakainteres Akong pakinggan Kung ano ang gusto nyang Sabihin sa kin at tila atat na atat syang Sabihin iyon.

Naghintay ako sa labas Ng ospital. Maya-maya lang ay dumating nga si Lord Vin, si 69Pon pa Ang nagbukas ng pinto para sa kanya.
Kaagad ko syang hinila papunta sa park na kaharap lang ng ospital.

"Okay, Lord Vin.. ano'ng sasabihin mo?" Walang ganang Tanong ko.
Samantalang Sya ay palaging nakangiti ng malapad.
"Uyy ano nga? Ngingiti ka lang ba dyan?"

Nakangiti syang kinuha ang kanang kamay ko at laking gulat ko nang sinuotan nya ako ng singsing sa palasingsingan.

"A..a ... A-ano 'to?!.."
gulat na Tanong ko. By this moment my heart beats eratically. Hindi ko alam Kung matutuwa ako o mas lalong kakabahan.

"It's an engagement ring. Isn't it obvious?"

"Ha?"

Nagulat pa ako nang halikan nya Ang kamay ko. Oh my God.
"Like what I told you, Ikaw Ang pinili ko. I want to marry you no matter what happens. I'm willing to give up everything just for you."

"P-pero..."

"Pa'no kung magpakasal na tayo bukas? We will marry in London and I'll buy a house for your family there. Doon na tayo titira and I won't let dad ruin our wedding okay?"
Nakangiti pa rin na tugon nya sa kin.
Matutuwa na Sana ako, Kung hindi lang sumagi sa isip ko Ang papa nya.. si Lord Vicente.
Parang inagaw ko na ang anak nya sa kanya. Kaya ni Lord Vin iwanan Ang ama nya para sa kin. Mas lalong magagalit si Lord Vicente sa kin! Pa'no kung patayin nya sina mama?!

"H-hindi! ayoko pa." Tutol ko. Kaagad Kong binawi Ang kamay ko sa kanya at umatras ako pero umabante naman Sya para makalapit sa kin.
Kitang-kita ko sa Mukha nya Ang disappointment. Nakatutok lang sa kin Ang beautiful brown eyes nya. Lumilitaw Ang kanyang kagwapuhan kahit nakamasquerade.
Gwapo pa rin Sya kahit nadismaya.

"Wa..why?" iiling-iling na Tanong nya. Shit! Gusto ko nang umiyak eh! It's hard for me to hurt him.
"Look Deza, if you're thinking about my dad, stop thinking about him now. Wala na syang magagawa dahil Ikaw Ang gusto ko."

Wala syang magagawa? Kaya nyang patayin Ang pamilya ko!, yun Ang problema.

"No. Hindi mo ko naiintindihan Lord Vin. This is not about your dad. It's just that.. a-ayoko. A-ayokong magpakasal sa'yo." Yumuko ako at di ko inaasahan Ang pagtulo ng mga luha ko. Oh God. Ang sakit. How I wish to marry this man pero Ngayon nirereject ko Sya.
Mabilis Kong hinubad Ang singsing at inilapag iyon sa palad nya.

Tahimik nyang pinagmasdan Ang singsing. Damn! I really don't want to see him in pain like this Kaya mabilis Akong tumalikod at umiyak.

"D-deza.." tumahimik ako. Pero ayaw ko syang tignan. Hanggang sa Sya mismo Ang humawak sa kin at iharap ako sa kanya.
God He's crying!
"Deza, Kung ayaw mo 'kong pakasalan dahil mafia ako.. I can change! Hindi na ako magpapakamafia okay? At.. hindi na rin ako papatay ng tao ever. If that's what you want. Just please.. don't leave me like this.. please."

Sa bawat pagtulo ng luha nya.. masasabi Kong totoo at seryoso. Na ayaw nya Akong lumayo pero ako Itong gusto nang sumuko. Ayoko naman talaga syang iwan pero ayoko ring hayaang mamatay Ang pamilya ko.

"just like what I told you Deza. I love you so much that I'm willing to give up my wealth just for you. Kung gusto mo ay pati Ang maskara ko itanggal ko Rin."
Hinawakan nya Ang masquerade nya pero kaagad syang pinigilan nina 69Pon at mang Ernesto. Pati Ang mga ito ay natataranta na rin na Makitang umiiyak Ang prinsipe Nila.

"Hindi mo na kailangang gawin yan Lord Vin. Can't you see? Ako na yung mismong sumusuko. Hindi naman kase Kita Mahal eh!"
Buong lakas na sigaw ko sa kanya. Pero sinaktan ko Rin Lang ng sobra Ang sarili ko.

Nanlaki ang Mata nya and for a moment ay huminto Sya sa paghinga.

"What?"

"Hindi Kita Mahal I'm sorry. Yung totoo, dapat ay si Kyla na lang Ang pinili mo at hindi ako... Totoong Mahal ka ni Kyla pero ako, katawan lang naman Ang habol ko sa'yo."

"N-no! No. I know you're lying. Alam ko namang Mahal mo Rin ako."

"Katawan lang Ang gusto ko sa'yo Lord Vin. Narealize ko yun dahil nagawa Kitang lokohin. Nagustuhan lang paLa Kita kase gwapo ka.. ka-kase may abs ka, matangkad, pangmodelo at malaki Ang kahabaan. Pero hindi Kita Mahal... May Iba Akong Mahal I'm sorry. I cheated.. I'm sorry"
Yumuko ako. Oh my God best actress ka na Deza. Wag ka lang Sana umiyak please. Pero parang iiyak na talaga ako.

"You cheaterrrrr!"
Nagulat ako sa pagsigaw nya at nang ipakita nya Ang kanyang malaking kamao.Napapikit ako nang iwasiwas nya iyon. Akala ko ay tatama na sa kin pero pinatama nya Ang kamao nya sa puno sa likuran ko.
He is flaming with furious. Pati sina Mang Ernesto ay natatakot na.

"L-lord Vin.."

"Tell me.. sino.. sino Sya?!" Galit na Tanong nya sa'kin. Pero tumanggi ako.
"H-hindi mo na kailangang malaman Kung sino talaga Ang lalaking Mahal ko. Ang.. Ang lalaking kasiping ko pag hindi Kita kasama..."

Mas lalo syang nagalit. Ngunit di rin nagtagal ay bigla syang umamo.

"Kapag pinatay ko Sya, pakakasalan mo na ba 'ko?"

Napayuko ako at umiling. Ang hirap magsinungaling.. sobrang sakit sa dibdib. Nakita kong mas lalo syang nagalit at sinuntok pa nya ng isang beses Ang puno.

" Shit!.. I hate you Deza. I hate you! I'll make you suffer! No, not only you but all your family! Mark my word!"

What He WantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon