Alas syete na ng Gabi nang maiuwi ako ni Kyla sa bahay. Thankful na rin ako dahil nakauwi ako ng Buhay. Wala syang masamang ginawa sa kin. Hindi nya ako sinaktan physically, pero sinaktan nya ako emotionally.
Ang sakit pakinggan mula sa isang ex na sobrang sweet Nila noon ng boyfriend ko. Pinapamukha nya sa kin na walang wala ako kumpara sa kanya at sa mga pinagdaanan Nila noon. That they deserve to be the couple. At ako Ang dapat na hindi sumasali sa eksena. Ang sakit.
Anyways.. kalalabas ko lamang ng cr dahil kakatapos ko lang maghalf bath nang magring Ang phone ko. I'm sure it is Lord Vin again.
Kaagad Kong pinulot Ang cellphone ko at sinagot Ang tawag.
"Ohhh. ""How are you? Maayos ba Ang araw mo? Wala bang ginawang masama Ang dad ko sa'yo? I wanted to visit you but my meeting is not yet done."
Pag-aalala nya sa kin sa kabilang linya. Dalawang oras pa lang nga Ang huli nyang tawag tapos Ngayon mangungumusta na naman."I'm fine. Wag ka nang mag-alala" cold na sabi ko.
"Pupuntahan Kita after this meeting okay? I'm worried about you. You know I love you so much. Ayokong may mangyaring masama sa'yo.."
"Hmm.. okay. I love you too. Hihintayin Kita. May pag-uusapan tayo." Pagkatapos nun ay pinutol ko na ang tawag.
Galit pa din ako sa kanya. Yun ay dahil Sya mismo Ang nagsabi sa kin na he never flirt with other girls. Hindi Sya nakikipagclose sa Ibang babae.. ako lang!Pero nang isama nya ako sa mansion Nila.. Kitang Kita ko ang matatamis nyang ngiti habang nakikipagtitigan Kay Kyla. Tila sabik na sabik siyang makita ulit ito. Sa moment na yun ay nagduda na talaga ako na baka may something sa kanilang dalawa eh at tama nga Ang hinala ko. Mag-uusap kami mamaya about this. Di ko 'to palalagpasin.
Nagsimula na Akong umakyat papunta sa kwarto. Naalala ko, bukas nga paLa ay uuwi dito si Celine. Sabay naming susunduin si mama sa ospital dahil pwede na naming iuwi dito sa bahay si mama. Sasabihan ko na lang mamaya si Lord Vin na umuwi kaagad bukas para hindi Sya maabutan ng kakambal ko.
While combing my hair.. narinig kong bumukas Ang pinto sa Sala. For sure nandito na si Lord Vin. Kaagad Akong nag apply ng lipstick at tumayo agad ako. Sasalubingin ko Sya with a fierce look at aawayin ko Sya. Yun Ang Plano.
Kaagad Kong binuksan Ang pinto ng kwarto at dali-daling bumaba ng hagdan."Lord Vin! There is something I wanted to ask you."
Tapos nagcross arms ako at sumandal sa pader.
He closed the door and faced me.
"Sabi ni Kyl--" hindi ko na natuloy Ang sasabihin ko nang makita Sya.Hindi Sya si Lord Vin. He is Lord Vin's dad!
"Good evening. Deza Francisco"He straightly looked at me and smiled. Nakakatakot Ang mga ngiti nya.
"G-good evening p-po.. sir."
Kandautal na bati ko at yumuko pa ako na parang japanese greetings lang. Wala natataranta na kase ako.
Oh God pa'no nya nalaman Ang bahay ko? Bakit Sya papasok ng bigla bigla Kung mabuti Ang pakay nya."A-ano pong sadya nyo rito?" I asked.
Ngumiti muli Sya sa kin at may hinugot. Nanlaki ang Mata ko nang makita ko Ang baril. Nasa 20 inches Ang haba ng baril nya.
Oh God! Please save me!"Siguro naman ay alam mo na Kung bakit ako nandito. I want my son back!" Galit na tugon nya sa kin.
Nagsitayuan Ang mga balahibo ko."Ah eh wala po dito si Lord Vin. Hindi ko Sya kasama."
"You know what I mean Deza Francisco. I don't like you for my son. At siguro naman alam mo na Kaya kong gawin Ang lahat para mapaghiwalay kayo. And yet you.. Kaya mo bang gawin Ang lahat para hindi kayo maghiwalay?"
"S-sir.. bakit po ba ayaw na ayaw nyo sa kin?" Lakas loob na Tanong ko.
"too simple. Because you're useless asshole. Compared to Kyla, she is so useful for me. And now bibigyan na lamang Kita ng choice. It's either My son.. or your family."
" Po?"
Nanlaki ang mga Mata ko. Tuluyan nang nilamon ng takot Ang buong sistema ko nang isali nya sa usapan Ang pamilya ko."if you choose your family.. we're good. Wala na tayong problema. But if you choose my son.. everything will change. Kukunin ko sa kanya lahat ng yaman na binigay ko. And I'm gonna kill all your family. Ngayon mismo ay pwede na Akong mag-utos sa alagad ko para ipapatay Ang nanay mo sa ospital"
"N-no!! Waggg.. "
Damn! Pa'no nya nalaman na nasa ospital si mama?"At hindi lang Ang nanay mo. I'm also gonna kill your one and only twin sister, Celine Francisco. She's beautiful as you. And she was so brave and strong to fight gangsters. Sayang lang dahil mamamatay na Sya bukas na bukas." Ngumiti Sya sa kin.
"Ang kakambal ko? Fighting all the gangsters? Hindi masamang tao ang kakambal ko"
Imbis na sumagot ay tinawanan nya lamang ako at hinugot nya Ang phone nya sa bulsa. May pinindot Sya doon at hinarap sa akin Ang phone.
Nanlaki ang mga Mata ko nang makita si Celine sa picture. She's wearing all black at nakamasquerade. May hawak syang kutsilyo sa kaliwang kamay at dumudugo iyon. God!
Kaya pala ayaw nyang Sabihin sa kin Ang trabaho nya.Napatakip ako ng bibig ko. Parang ayokong maniwala.
"W-wag.. wag mong gagalawin Ang pamilya ko. Oo hihiwalayan ko na si Lord Vin. Hihiwalayan ko na Sya.."
I found myself crying. Napaupo ako sa may hagdan at umiiyak. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko tungkol sa kakambal ko."Hindi mo lang Sya hihiwalayan. Lumayo kayo. For sure hindi ka nya lulubayan."
"Okay po.. lalayo kami Basta wag mo lang sasaktan Ang pamilya ko. Umalis na po kayo.. D-dadating na si Lord Vin.."
"Okay good."
Tumayo ako nang tumalikod na Sya. Ngunit laking gulat ko nang humarap na naman Sya sa kin at itinutok sa tyan ko Ang baril.
"Wait a minute. Can I ask you.. are you pregnant or not?"
Nanlaki ang mga Mata ko at umiling-iling.
"N-no.. h-hindi po.""Okay that's good. Bye."
At naglakad Sya palabas Ng pinto. Muli Akong napaupo sa hagdan at hinimas ko Ang tyan ko.Sa totoo lang ay hindi ko Rin alam Kung buntis nga ba ako o hindi. Nakalimutan ko na Rin Ang araw ng menstruation ko.. pero hindi pa naman ako dinadatnan Ngayon.

BINABASA MO ANG
What He Wants
RomanceNatakot.. nagmahal.. natakot ulit.. Kaya pinakawalan na lang ang minamahal. Ganito paLa kahirap kapag Ang taong minahal mo.. mamamatay tao. Isang Mafia Prince.