18. Pagkaantala

147 21 1
                                    

Dinaig ko pa si The Flash sa bilis ng kilos ko. I can't just sit here and wait for her to come. Atleast I should try something to change the past. Matapos kong maligo sa sobrang malamig na tubig, agad din akong nagbihis. Umiikot pa rin ang paligid ko pero kailangan ko itong tiisin. After all, dito ako ibinalik ni Dyosa. Sana man lang kasi ibinalik niya ako sa nangyari kagabi para hindi ako nagpakalasing ng sobra at para hindi ako nagsa-suffer ngayon sa hang over.

Ilang missed calls pa ang nakita ko sa cellphone ko galing kay Charm.

"Damn! Sana talaga pinag-aralan ko na ang pagmo-motor para kapag mga ganitong emergency I can easily go anywhere with lesser time!" Nakakabaliw na. Kinakausap ko na ang sarili ko kahit pa nga hindi na ako mapakali sa pagmamaneho. Ni hindi na ako nakapagsuot ng maayos na damit para lang mapabilis na ang pagpunta ko sa graduation ceremony ni Charm.

I remembered that time na kahit ginising ako ng paulit ulit ni Myra hindi ako nagpatinag. Ipinagpatuloy ko lang ang tulog ko. Nagising na lang ako ng bandang mga alas kwatro y medya na masakit pa rin ang ulo at dahil na rin sa panay ring ng cellphone ko.

"H-Hello.."

"Alexa where are you?!"

"Mahal ko, sorry.. Napahimbing ang tulog ko." Muli akong napapikit dahil umiikot pa rin ang paligid ko. "I was so drunk, Charm. Alam mo naman last night. Despida ni Aliah."

"Jusko naman Alexa! Kahit man lang sana sinubukan mong humabol hindi ba? 9:30 ang start ng ceremony! Ang haba pa ng oras! 3:30 natapos ni anino mo hindi ko nakita!"

"Charm please huwag mo na akong sermunan! Ang sakit sakit ng ulo ko. Babawi na lang ako sa'yo!" Medyo napataas na ang boses ko. Iyong tipong gusto mo pang matulog dahil sa puyat at hang over tapos magigising ka para lang sermunan.

"My God Alexa! So don't tell me na wala ka ring balak magpunta dito sa restaurant na pinareserve ko para sa celebration?!"

I yawned. "Charm pass muna ako. You can celebrate it with Nanay Carmela, Chai and with some of your friends. I really can't come. Grabe ang hang over ko ngayon Mahal ko. Dito ka na lang dumerecho sa condo then we'll celebrate it together, okay?"

"Thank you!" I can hear the sarcasm in her voice. "Thank you so much Alexa for making this very important occasion in my life so memorable! Because of you I will never forget this day!"

"C'mon Charm, don't make it such a big deal. We can do some-- Hello?! Hello Mahal ko?" I looked at my cellphone and saw that it was dead. "Damn!" Napilitan akong bumangon at hinagilap ang aking charger. Matapos kong i-charge ang aking cellphone, bumalik ako sa kama at muling nakatulog.

"Damn! Damn! Damn!" Pinaghahampas ko ang aking manibela sa sobrang panggigigil. "How can you be so damn stupid, Alex! How can you let someone like Charm to slip away!"

Gusto ko na namang umiyak. For the past months wala na akong ginawa kung hindi ang pagsisihan ang lahat. Sa araw-araw iniisip ko na mababawasan ang sakit sa puso ko at unti-unti kong matatanggap na tapos na sa amin ni Charm ang lahat. Pero sa tuwing maaalala ko ang lahat, napupuno ang dibdib ko ng sakit at padagdag ng padagdag ang pagsisisi ko.

I can never unlove Charm. I can't. Kaya ko sigurong tanggapin na tapos na ang lahat sa amin pero hindi ko kayang pigilan ang sarili ko na patuloy siyang mahalin. Araw-araw kong pinagsisisihan ang lahat ng nagawa ko dahil ako ang may kagagawan kung bakit tuluyan niya akong iniwan. Kung bakit tuluyan niya akong sinukuan. Pinahid ko ang luha sa aking mga mata.

Pero ang pinakamasakit, iyong nagkaroon na ako ng pagkakataon na makabalik at baguhin ang lahat but still here I am, ni hindi ko pa rin kayang burahin ang sakit na naidulot ko sa babaeng pinakamamahal ko. Sobrang bigat isipin na sa tuwing babalikan ni Charm ang lahat ng pinagsamahan namin, ang tanging nakatatak sa kanya ay ang mga masasakit na nagawa ko sa kanya. Iyong mga luhang ako ang may gawa.

Bente KwatroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon