Tik! Tik! Tik! Tik!
"No!!!"
Kasabay ng paglapat ng malaking kamay ng orasan sa 12 ay ang biglang pag-ikot na naman ng paligid ko. "Noooooooooo!"
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Naikuyom ko ang aking palad.
Inilibot ko ang aking tingin sa paligid. I'm still here. I bit my lip to suppress myself from crying. Again. All over again! Napatingin ako kay Chai nang maramdaman ko ang paghampas niya sa aking braso.
"Si Ate Charm lang naman ang maganda sa paningin mo eh!" Nakaingos niyang sabi.
Nagkibit balikat lang ako at ngumiti. Binalingan ko si Nanay Carmela. "Kamusta naman kayo 'Nay? Parang pumapayat kayo ah?"
"Oo nga po, Tita. Akala ko ako lang ang nakakapansin." Singit naman ni Myra na bakas din sa mukha ang pag-aalala.
"Alam nyo naman ang tumatanda. Ganito ata talaga." Natatawang sabi nito. "Kayong dalawa, masyado ba kayong abala at wala na kayong panahon para bumisita sa bahay?"
She looked particularly to me. Mababakas din sa boses nya ang pagtatampo. Nang balingan ko naman si Chai umakto pa siya na nagsasabing 'lagot ka ngayon'. I smiled awkwardly and glanced at Myra who just shrugs. "I hope one of these days 'Nay makadalaw ulit ako sa inyo." Napapakamot pa ako sa aking ulo dahil sa hiya.
Makahulugan niya akong pinagmasdan. "Alex, Anak.. Kung anuman ang nangyari sa pagitan nyo ni Charm, sana palagi mong tandaan na hindi na iba ang turing ko sa'yo. At hindi na magbabago iyon."
Parang gusto na namang mag-unahan ng luha ko sa pagpatak. This is one of the hardest thing to accept since me and Charm got separated. Kinailangan ko ring dumistansya sa mga taong malapit kay Charm na sobra na ring naattached sa akin. It was like a part of me has been taken away since then. Doble iyong sakit sa dibdib ko sa tuwing naiisip ko sila Chai at Nanay Carmela. Hindi ko naman gustong umiwas pero isa iyon sa mga dapat kong gawin.
The more na naiisip kong matatapos na ang pagbabalik ko sa nakaraan the more na natatanggap ko ang lahat. Siguro nga gaya ng sinabi ni Dyosa, tanggapin ko na lang na nangyari na ang mga nangyari. The only thing that comforts me now is the fact na kahit paano nabawasan ko iyong mga panahong nasaktan ko si Charm. Its also a relief dahil nababawasan iyong pagsisisi ko dahil sa mga nagawa ko noon. Hindi ko man mabawi si Charm pabalik sa buhay ko, siguro naman madali ng tanggapin para sa akin ang lahat.
"Nakakalungkot na nakakatuwa ka Alexa."
Tipid lang akong napangiti sa tinuran ni Dyosa. Siya na ngayon ang nakaupo sa pwesto ni Nanay Carmela. Napatungo ako upang iwasan ang paraan ng pagtingin nya sa akin. Nakakapanliit kasi. "Sa ilang beses kong pagbabalik, isang bagay lang ang tumatak sa akin." I clenched my fist and bit my lips. "Mahal ko si Charm. At kahit hindi na kami, mas lalo ko pa siyang minamahal."
Nagkibit balikat siya at makahulugang ngumiti. "Kung ganon, sa huling pagkakataon mong makakabalik sa nakaraan, mas mabuting ibigay todo mo na ang pagpaparamdam mo sa kanya ng pagmamahal na sinasabi mo."
"Hindi na ba kita makikita?" I smiled bitterly.
"Bakit hahanapin mo ba ako?"
"Masama bang hanapin ka?" Balik tanong ko.
"Dahil kailangan mo ulit ako?" Nanunubok ang tinig ni Dyosa.
"Iyon ba ang tingin mo?"
Natawa siya saka nagkibit balikat. "Sa huling pagbabalik mo, hindi na ulit tayo magkikita Alexandra. Maiisip mo kung totoo ba ako o isang panaginip lang. Pero sana may natutunan ka sa mga nangyari."
![](https://img.wattpad.com/cover/222680599-288-k649542.jpg)
BINABASA MO ANG
Bente Kwatro
RomanceAlexa and Charm has been in a relationship for almost ten years. Kaya siguro masyadong nakampante si Alexa na sila na hanggang huli kaya naman maraming pagkakataon na tinook for granted nya ang existence ni Charm. Alexa's so full of herself na hind...