"Don't you want to do something Alexandra?! Look at yourself?!"
"Aaaaaahhhhh!" Napaatras ako nang bahagya at napalingon-lingon sa paligid. Panaginip lang ba ang lahat? Pero ito pa rin ang party nina Jin at Charm! Tiningnan ko ang hawak kong kopita. Ito pa rin ang wine na iniinom ko. Tiningnan ko naman ang stage kung saan nakatayo pa rin sina Charm. Hindi ko na napigilan ang panlalaki ng aking mga mata at napatutop pa ako sa aking bibig. S-Shit! Ang bote ng wine na iniwan ni Engkantada sa stage, nandoon pa rin at kakukuha palang ng isa sa mga waiters. Muli kong tiningnan si Myra na salubong na ang kilay.
"What kind of look is that ha Alex?!" Lumapit pa siya ng kaunti upang titigan akong maigi.
"M-Myra w-wala ka bang nakitang babaeng nakaputi. Mahaba ang buhok. Halos kasing taas ko lang siya."
Lalong nadagdagan ang pangungunot ng noo ni Myra saka inagaw ang wine na hawak ko. "Don't tell me tinablan ka na agad sa ininom mo, Alex?!"
Am I having hallucination? Nakagat ko ang aking labi at napaisip. But it seems like it was real! "M-Myra d-did you just vanished a while ago?! I-I mean, shit!" Paano ko ba ipapaliwanag kay Myra?!
"Tell me what Alex?! What do you mean vanished?! I'm with you since the party started! Hindi ako umalis! Ano bang pinagsasasabi mo?!"
"Y-You m-mean ako lang ang nakakita sa Engkantanda? I-Iyong babaeng nakaputi na mahaba ang buhok? M-Myra m-may m-magic siya. I know its rea--"
"Alexandra mabuti naman nakarating ka!"
Naputol ang iba ko pang sinasabi kay Myra dahil sa paglapit nina Jin at Charm. Bigla akong napapormal at saglit na iwinaglit sa aking isipan ang mga nangyari. Sinamaan ako ng tingin ni Myra saka nakangiting binalingan ang dalawa. "O-Oo naman. I wouldn't miss this for the world!" Nilapitan ko si Jin at bumeso bagamat hindi pa ako nakakabawi sa nangyari. Saka ko naman tiningnan si Charm at tipid na ngumiti. I kissed her on the cheek. "Happy birthday Charm."
"Salamat Alex." Tipid niyang sabi saka tumingin kay Myra na nasa tabi ko pa rin. "Bantayan mo iyang kasama mo, My, alam mo na."
"I know right!" Sabat naman ni Myra na napapalatak pa.
"Hon ano ka ba, pinapahiya mo naman si Alex. Alam na niya 'yan." Singit naman ni Jin at kumindat pa sa akin.
Tipid lang akong ngumiti. "Wine lang naman ito." Itinaas ko pa ang hawak kong kopita. "Hindi ito nakakalasing." Muli akong sumimsim saka binalingan si Jin. "Mabuti pang ayain mo na itong si Charm papunta dun sa tita mo." Itinuro ko pa ang tiyahin ni Jin sa kabilang table.
"Paano mong nalaman na iyon ang sasabihin ko?!" Nagtatakang tanong ni Jin.
Nagkibit balikat lang ako. "Hula lang." Inunahan ko lang iyong sasabihin mo. Iyon sana ang gusto kong sabihin sa kanya pero nakakapagod mag explain.
Hindi naman na nila binigyang pansin ang sinabi ko.
"Anyway, if you'll excuse us." Ngumiti si Jin saka hinapit sa bewang si Charm. "Let's go there, hon?" Tumango lang ang huli at hindi na nagsalita.
"Sure. Sure. Alam ko kung gaano kayo kaabala sa pag-eestima ng mga bisita nyo." Sabi naman ni Myra.
"Thank you sa pagpunta My ha? See you again." Hinalikan niya sa pisngi si Myra saka ako binalingan at tinanguan.
Nang makatalikod sila tumalikod na rin ako at bumalik sa bar stand. "Alam ko na ang sasabihin mo Myra. Kahit ayaw mo kay Jin para kay Charm, bagay rin sila."
Nilagok ko ang wine saka hinarap si Myra na nawala sa kanyang kinatatayuan. Nilibot ko ulit ng tingin ang buong paligid ngunit wala na namang tao. Shit. Saan naman kaya siya magpapakita? Dahan-dahan akong tumalikod para hindi na magulat ngunit wala namang lumabas. Umikot ulit ako pero wala pa rin. Huminga ako ng malalim. Ahh, this must probably the real dream. Hays mabuti na lang hindi ko na siya makikita. Masyado siyang weird. Saka hindi naman kasi totoo ang mga sinabi niya. Siguro nagdadru-- "What the fuck?!?" Napasigaw ako at nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto kong nakalutang ako sa ere.
BINABASA MO ANG
Bente Kwatro
RomanceAlexa and Charm has been in a relationship for almost ten years. Kaya siguro masyadong nakampante si Alexa na sila na hanggang huli kaya naman maraming pagkakataon na tinook for granted nya ang existence ni Charm. Alexa's so full of herself na hind...