Engross na engross ako sa pagsipat sa damit na nakahanger nang may biglang tumikhim mula sa aking likuran.
"Eherm! Surely it will look good on you! There's no need to think deeply.."
Mabilis ang naging paglingon ko. "T-Tita.." Hindi ko alam kung ano bang tamang gawin ngayon sa harapan ng mommy ni Alexa. Its been a long time since huli naming pagkikita. Bigla tuloy akong nailang. Paano ba humarap sa kanya ngayon after ng hiwalayan namin ni Alexa? Tila naramdaman naman niya ang awkwardness ko kaya siya na ang tuluyang lumapit sa akin at humalik sa aking pisngi.
"How have you been doing, hija?" Nakangiti nyang tanong matapos nyang makipagbeso. She never changed. She's still the same lady na nakilala ko. Iyong akala mo na sobrang taray at matapobre, pero kabaliktaran pala.
Napatikhim ako at tipid na ngumiti. "O-Okay naman po ako, Tita. K-Kayo po ba, kamusta?"
Hinawakan nya ako sa braso at masuyo itong pinisil. "Akala ko namalikmata lang ako kaya nag-alinlangan akong lapitan ka agad. Pero nung masure kong ikaw yan, hindi na ako nagdalawang isip na lumapit at i-approach ka. Sobrang lalim ng pag-iisip mo at hindi mo man lang ako napansin." She teased. "It's been a long time, Charmaine! May kasama ka ba?" Tumingin pa siya sa paligid na tila ba may hinahanap.
Mabilis naman ang naging pag-iling ko. "Wala po. Mag isa ko lang po ngayon. Nasa trabaho pa kasi si Jin. Kayo po ba? Wala kayong kasama?"
"Yap. May inayos lang ako at naisipan kong dumaan dito." Tumango tango pa ang mommy ni Alexa at tipid na ngumiti. "If that's the case then, would you mind joining me for some coffee and snacks? Mag isa ko lang din kasi eh." Nasa mga mata niya ang pagsusumamo. "You know, a little catching up!" Masigla pa niyang dugtong.
Kahit naiilang akong pakiharapan siya dahil sa nangyari sa pagitan namin ni Alexa, ayoko namang maoffend siya o maging bastos dahil afterall naging mabuti at mabait naman sa akin ang matandang babae. "S-Sure po. Tamang tama parang gusto kong kumain din ng pastries!"
Umangkla siya sa braso ko. "It's settled then, hija. But don't you want to buy this dress?" Tukoy nito sa damit na tinititigan ko ng matagal.
Agad naman akong umiling. "Hindi po. Nagagandahan lang ako, pero naisip ko na baka wala naman akong paggamitan nyan!" Natatawa kong sabi.
Nagkibit balikat lang siya saka ngumiti. "Okay. If you say so. Shall we go then?"
Tumango lang ako at ngumiti. Nagpagiya na lang ako sa kanya. Hindi lang naman isang beses na lumabas kami noon ng Mommy ni Alexa. Sa napakadaming beses sobra na akong naging komportable sa presensya nya at sa palagay ko ganon din naman siya sa akin.
Naalala ko tuloy iyong kauna-unahang beses na nagkita kami. It was Alexa's graduation party. Hindi ko pa nga ineexpect na papupuntahin ako ni Alexa sa bahay nila. Bagamat naging honest naman siya sa akin tungkol sa bilin ng Mommy nya na pangpamilya lang ang party na 'yon, pinili pa rin nyang isama ako at iharap dito.
Halos kainin na ng lakas ng kaba ng dibdib ko ang buong pagkatao ko noong gabing yon!
"And where do you think you're going, young lady?"
Napahinto ako sa paghakbang at nilingon ang babaeng nagsalita. Hawak na ni Alexa sa braso ang kanyang Mommy. Para akong natuklaw ng ahas dahil hindi na ako makakilos sa aking kinatatayuan.
Ramdam ko ang panunuring ginagawa sa akin ngayon ni Mrs. Baltazar. Marahas niyang tinanggal ang kamay ni Alexa na pumipigil sa kanya.
"So you will go just like that? Hindi ka man lang magpapaalam sa akin? You don't even have decency to say 'hi'? Seriously?" Binalingan niya si Alexa. "Siya ba 'yong tinutukoy mo ha, Alexandra?"
BINABASA MO ANG
Bente Kwatro
RomanceAlexa and Charm has been in a relationship for almost ten years. Kaya siguro masyadong nakampante si Alexa na sila na hanggang huli kaya naman maraming pagkakataon na tinook for granted nya ang existence ni Charm. Alexa's so full of herself na hind...