15. Last Two Chances

174 20 2
                                    

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Nakaupo ulit ako sa aking sasakyan habang nakahawak ang dalawa kong kamay sa manibela. Tumingin ako sa paligid at napagtanto kong nasa parking area ulit ako ng pagdarausan ng party nila Jin.

Napatitig ako sa left wrist ko. I bit my lip and touch the watch that I'm wearing. Hindi ito ang suot suot ko noong hindi pa kami nagkikita ni Dyosa. This is the stainless steel watch that Charm gave me on the day of my graduation.

Mapapansin na rin ang kalumaan ng relo siguro dahil na rin sa tagal ng panahon. May mga gasgas na ang bracelet nito pero hindi pa rin kumukupas ang kulay.

Tiningnan ko ang oras. 6 pm na. Magsisimula na ang party. Huminga pa muna ako ng malalim bago ako lumabas ng kotse.

"Hi Alex!"

Tipid lang akong ngumiti kay Myra. Hindi ko maipaliwanag ang bigat ng nararamdaman ko ngayon.

"Hey, what's with the face?" Umangkla siya sa aking braso at sabay na kaming naglakad papasok sa loob.

Dapat ba akong maging masaya sa party na dadaluhan ko? Iyon sana ang gusto kong sabihin pero nagkibit balikat na lamang ako. "Nothing, My. Just I feel a little exhausted."

"Hmm.." Pinagtaasan lang nya ako ng kilay pero hindi na sya nagsalita. Wala ng nagsalita sa aming dalawa hanggang makarating kami sa entrance ng party.

"Your name please, Ma'am?" Maganda ang babaeng nagsalita at may matamis na ngiti.

"I'm Myra, and this lady with me is Alexandra." Tipid lang ding ngumiti si Myra.

Napabuntong hininga ako. Now I just wanted to see Dyosa and ask her to just give me another chance to go back in the past.

"Let's go!" Pinisil ni Myra ang aking braso at hinarap ako. Magkasalubong na ang kanyang kilay. "What were you thinking ba Alex? Are you bored?! The party hasn't started yet!"

Suddenly I got irritated. "Damn Myra! Pwede bang huwag mo na lang muna akong pansinin? Truth be told, I don't really feel good about this party! So let's just cut the crap okay?! Stop asking how am I because I'm not really feeling okay!" Marahas kong tinanggal ang pagkakahawak nya sa aking braso at nauna ng maglakad.

"Masyado ka naman atang iritable? Baka nakakalimutan mong siya pa rin iyong kaibigan mong nagtyatyaga sa'yo."

Nilingon ko si Dyosa. "Can you just take me back to the past??" Muli na namang binalot ng katahimikan ang buong paligid.

Napapalatak si Dyosa at napailing-iling. Mababakas sa kanyang mukha ang pagkadismaya. "'Yan na nga ba ang sinasabi ko eh! Iyong mga taong pinagbigyan mo na sa kagustuhan nila, ang gusto pa maghangad ng sobra! Alexandra, hindi mo ba napapansin na sa ilang beses mong pagbabalik sa nakaraan ay may nagbabago sa sarili mo?"

"I want her back!" Mahina kong sabi at puno ng diin.

"Kahit umabot sa punto na hindi mo na kilala ang sarili mo? Kahit makalimutan mong baka hindi na ikaw 'yan?"

Nakipagtagisan ako ng tingin kay Dyosa. I can no longer understand everything. Nagsisisi na nga ako sa mga nagawa kong mali kay Charm, at nababago ko na ang lahat. Pero bakit parang may mali pa rin?

Muling napailing si Dyosa."Sino ba ang hindi mo kilala Alexandra? Ang sarili mo o si Charm? Tinanggap ka nya at minahal ka nya ng buo. Sa kagustuhan mong bumalik sya sa'yo hindi mo ba naisip na baka ang mawala naman ay ang Alexandra na minahal nya?"

"Eh ano bang gusto mong sabihin Dyosa?" Nakakapikon na rin kasi. Hindi ko na alam kung saan ko pa ilulugar ang sarili ko.

"Hindi mo pa rin ba naiintindihan ang dahilan kung bakit nabigyan ka ng pagkakataon na bumalik sa nakaraan? Akala ko ba matalino ka?" Nakataas ang kanyang kilay habang may makahulugang ngiti sa kanyang mga labi.

Bente KwatroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon