27. Truth Hurts

122 12 0
                                    

Nangunot ang noo ko nang makilala ko ang babaeng nakatayo sa tapat ng gate ng aking apartment. Pinapunta na naman ba siya ni Alexa rito para magsorry?

Binusinahan ko siya saka kumaway at tipid na ngumiti. Ipinark ko sa may tapat ng gate ang aking kotse saka ito inihinto at bumaba. "Hi Nimfa! What brought you here? Inutusan ka na naman ba ng amo mo para kausapin ako?" Pranka kong sabi habang binubuksan ang gate ng aking apartment. Sinulyapan ko siya na mabilis lang umiling.

Come to think of it, she kinda looks bothered--or nervous? "Is there something wrong?" Kunot noo kong tanong.

"W-Wala naman. Gusto lang kitang makausap, Miss Charm."

I shrugged and motioned her to follow me inside when I finally opened the gate.

Normal na sa akin ang pagdalaw o pagbisita nya sa akin sa trabaho o dito sa apartment ko. Since naghiwalay kami ni Alexa, ginawa na nyang messenger si Nimfa. Kung minsan may dalang pagkain, or bulaklak or chocolates. Na hindi ko naman tinatanggap at sinisigurado kong ipabalik kay Alexa.

But this time, she came empty handed. And it made me realize now that its been almost one and a half month since the last time na nakita ko o bumisita si Nimfa.

"Hindi ako inutusan ni Ma'am Alex na pumunta rito." Iyon agad ang bungad nya sa akin nang harapin ko siya.

"Why don't you sit first, Nimfa? Let me get you a drink."

"Hindi mo na kailangang mag-abala, Miss Charm. Wala na rin naman akong balak pang magtagal." Pigil niya sa akin.

Tumango ako saka iminuwestra ang sofa para maupo siya. Umupo naman ako sa kanyang tapat. "Tell me, Nimfa, is there something wrong? May nangyari ba kay Ale-- sa amo mo?"

Ang huling kita ko kay Alexa ay noong gabi ng birthday party ko. And its been one and a half month since then. Wala na akong narinig pang kahit ano tungkol sa babae.

Dapat nakahinga na ako ng maluwag dahil finally tuluyan na akong nilubayan ni Alexa. Wala na akong narerecieve na mga bulaklak kada linggo mula sa kanya. Ni hindi na rin siya nagsesend ng messages. Iyon naman talaga ang gusto ko at sinabi ko sa kanya noon. But why do I have this feeling inside me that I couldn't explain? Pakiramdam ko nabalutan ako ng takot. Takot para saan?

Sige lang, Charmaine. Lokohin mo pa ang sarili mo!

"G-Gusto ko lang magpaalam at humingi ng tawad sa'yo, Miss Charm."

Pakiramdam ko lalo lang nangunot ang kunot ko ng noo dahil sa tinuran ni Nimfa. "Magpaalam? Bakit saan ka pupunta? Saka para saan ang paghingi mo ng tawad?"

Hindi nakaligtas sa aking paningin ang biglang panginginig ng mga kamay ng babae.

Bigla siyang nag-iwas ng tingin at napatungo. "N-Nagresign na ako sa trabaho. Balak ko ng bumalik sa Bicol. Sa probinsya namin ni Nanay. Medyo nakaipon na rin naman ako sa tulong ni Ma'am Alex. Sabi rin kasi ng Doctor ni Nanay mas mapapabuti ang kalagayan nya kung makakalanghap siya ng sariwang hangin at makakakain ng masusustansyang pagkain."

Tumango tango ako at ngumiti. "That's good. Mas mahalaga pa rin ang kalusugan ng Nanay mo, Nimfa. I'm happy for your decision." Buong sinseridad kong sabi.

Napatikhim siya saka muling sinalubong ang aking tingin. Nagulat pa ako nang bigla siyang lumuhod sa aking harapan at biglang humagulhol. "P-Patawarin m-mo a-ako Mi--ss Charm! S-Sana m-mapatawad n-nyo ako ni Ma'am A-Alex."

Bigla akong naguluhan sa nakikita ko ngayon kay Nimfa. Inalalayan ko siya sa kanyang kamay para tumayo pero nagmatigas siya at nanatiling nakaluhod sa aking harapan. "H-Hey! B-Bakit? Para saan ba ang pagso sorry mo?"

Bente KwatroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon