2. Dyosa Ng Kagandahan

256 19 0
                                    

Tinalikuran ko ang 'Engkantada' at pumasok sa loob ng bar stand para kumuha ng wine. Mabilis akong nagsalin sa aking kopita. Hahawakan ko na sana ang baso nang bigla itong mawala sa aking harapan. Nanlaki ang aking mga mata sa gulat. Saan napunta iyon? Wala namang nahulog.

"Ito ba ang hinahanap mo?"

Muli kong hinarap ang babae. Pakiramdam ko lalong nanlaki ang aking mga mata. "P-Paano n-napunta sa'yo yan?!" Itinuro ko pa ang hawak-hawak niyang kopita na unti-unti na niyang sinisimsim.

Hindi siya nagsalita. Ngumiti lang siya ng tipid saka unti-unting lumapit sa akin. Wala na akong maatrasan dahil nasa loob na akong bar stand. Tinapik tapik niya ako sa aking pisngi nang tuluyan na siyang makalapit sa akin.

"Alam mo bang natutulog ako sa punong 'yon kanina?"

Sinundan ko ang itinuro nyang puno ng niyog na nasa may di kalayuan. Nasa labas ito ng venue. Muli kong ibinaling sa kanya ang aking tingin na nakangiti nga pero mukhang naiinis na. Napalunok lang ako at hindi nagsalita. Ang lamig ng kamay niyang dumadantay sa pisngi ko. Tumataas na naman tuloy iyong mga balahibo ko. Ngayong nakatingin ako sa kanya nang malapitan, narealize kong maganda nga pala siya. Kulay abo ang kanyang mata, matangos ang kanyang ilong at manipis at mapula ang kanyang mga labi na bumagay sa hugis puso niyang mukha. Ang buhok niya dinaig pa ang model ng mga nasa shampoo commercials. Siguro nga isa siyang Engkantada.

Muling tumaas ang kanyang kilay at tila sinusuri ako ng tingin. "Nagdududa ka pa rin na isa akong Engkantada?"

"A-Ang h-hirap k-kasing paniwalaan. P-Paanong magkakaroon ng Engkantada sa makabagong panahon ngayon? Kahit nga siguro noong sinaunang panahon wala ring Engkantada." Multo pa siguro maniniwala ako.

"So mukha akong multo ganon ba?!"

Mabilis ang naging pag-iling ko. Ikiumpas ko pa ang aking dalawang kamay. "Hindi! Ang ganda mo nga eh!" Shit bigla tuloy uminit sa pwesto ko.

Muli na namang nanlaki ang aking mga mata nang mapunta kami sa may stage. Binalingan ko siya at muling napaatras. "P-Paano m-mo n-nagawa 'yon?!" Itinuro ko ang bar stand na kinapupwestuhan namin ilang segundo lang ang lumipas. "A-Andun l-lang t-tayo kanina ah!" Shit! Sana magising na ako sa panaginip na ito. Pumikit pa ako nang mariin at umiling-iling.

"Kung hindi mo ako ginising sa mahimbing kong pagkakatulog hindi mo mararanasan ang nangyayaring ito sa'yo ngayon. Uulitin ko, hindi ito isang panaginip."

Umiling ako ng paulit ulit. "I was here in this party. Paano naman kita gigisingin?!" Sobra na akong naguguluhan sa babaeng ito. Hindi kaya nagdadrugs siya? Pero paano niya nagawang ilipat kami ng pwesto?

"Tang ina kung maibabalik ko lang! Kung maibabalik ko lang talaga ang lahat. Hindi mangyayari na si Jin ang nakayakap sa kanya ngayon. Hindi mangyayari na ang ngiting iyon ay mawawala sa akin. Kung maibabalik ko lang! Kung maibabalik ko lang talaga! Shit! Shit! Shit!"

Napatutop ako sa aking bibig. At sa nanlalaking mga mata tinitigan ko siya. "N-Narinig m-mo r-rin 'yon?!"

"Oo! Iyon ang nagpagising sa akin!"

Gulong gulo na talaga ako. "P-Papaanong?!" Mabilis akong nagtatakbo pababa ng stage at dere-derecho palabas ng gate. Pero hindi pa ako nakakalayo nasa harapan ko na naman siya. "P-Please po, h-huwag n-nyo akong parusahan! Parang awa nyo na!"

"May sinabi ba akong paparusahan kita?"

Nagulat na naman ako nang mapunta kami sa isang table at magkaharap na nakaupo. "A-Ano b-bang kailangan mo sa akin?!" Parang gusto ko nang maiyak. Hinding hindi na talaga ako iinom. Naghahalucinate na ako.

Bente KwatroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon