23. Acceptance

212 22 3
                                    

Author's Note:

This is just a short update. And also a note telling all of you that this story is about to end. Hopefully, katulad ng title ng chapter na ito matanggap nyo ang magiging ending.

Thank you sa patuloy na sumubaybay sa kwento nina Alexa at Charm. Keep on voting and commenting and suggesting and recommending for this story.

Until then.

-AnakNgInay-


Lumipas ang oras na patuloy lang ako sa pagmamaneho. From time to time tumitigil lang ako sa mga lugar na malimit naming puntahan ni Charm.

It was a feeling of de ja vu. Halos lahat ng emotions ko narevive. But the sad truth is, I can only grasp the memories but I can no longer create new ones with her. It will end anytime soon.

Hindi ko na tuloy alam kung anong part ba ang masakit. Knowing the fact that, even nakabalik ako sa nakaraan ko, hindi ko pa rin mababago ang lahat. Or iyong isipin na bago pa rin matapos ang araw na ito, wala akong ibang choice kung hindi bumalik kung saan mauulit na naman ang pagkadurog ng puso ko dahil sa mga sasabihin ni Charm. O kahit anong pilit ko, still I will end up breaking Charm's heart and it will no longer work out. O baka iyong babalik ako sa kasalukuyan at tuluyan ko ng papakawalan ang kung ano mang meron sa amin ni Charm.

Nonetheless, kahit anong ready ko sa sarili ko it will always be the same. I will still love Charm no matter what. And maybe the only thing that I have to do is to accept thing as it is.

Tumingin ako sa aking relo saka huminga ng malalim. Minaniobra ko ang aking sasakyan at tinahak ang daan papunta sa apartment ni Charm. Its about time.

Tila ba may milyong milyong karayom ang tumusok sa puso ko nang makababa ako ng kotse at tumayo sa tapat ng apartment niya. Sa may bintana tanaw kong kausap ni Charm si Jin.

I smiled bitterly. Maybe all this time, silang dalawa talaga ang nakatadhana. Na kahit mas madaming taon na nakasama ko si Charm, sa huli hindi pa rin siya magiging sa akin.

Napahigpit ang hawak ko sa malaking paper bag saka mabigat ang mga paang humakbang papasok sa loob. Mukhang nakita na nila ako dahil hindi pa man ako nakakakatok sa may pinto ay kusa na itong bumukas.

Iniluwa nito ang bulto ni Charm na kapansin pansin na galing lang siya sa pag-iyak dahil sa namumugto niyang mga mata.

"C-Charm..."

Blanko lang ang ekpresyon niya nang tingnan ako. Tila ba naghihintay siya nang sasabihin mula sa akin.

Pilit akong ngumiti saka itinaas ang paper bag. "G-Guess w-what's inside Mahal ko.." Kinuha ko ang isang kulay brown na unggoy na napanalunan ko sa isang claw machine. "S-See.." Iwinagayway ko ang plush monkey sa harapan nya. "M-May kasama na si Punggoy! Y-You remembered you told me na nalulungkot siya. You even said he needs someone! Ito na si Munggoy! Tada!!"

Gusto ko ng palakpakan ang sarili ko for not crying right now. Kahit ba feeling ko sasabog na ang dibdib ko sa sobrang sakit. Muli kong hinalungkat ang paper bag. Binalewala ko na ang panginginig ng aking kamay.

"I-I went to that old store that we used to go. It's been a long time since our last visit. You know, hinahanap ka n-nga sa--"

"What are you doing?!" Mahina ang boses ni Charm pero kapansin pansin ang pagtitimpi niya.

Muli akong ngumiti. Any moment sasabihin na niya ang mga salitang ayaw kong marinig. Ang mga salitang kahit hanggang panaginip patuloy pa ring nagsusumigaw sa tenga ko. "S-Si M-Manang Puring hinahanap ka! Mas suki ka raw nya kesa sa akin. K-Kasi mas madami ka raw parating binibili sa mga souvenirs nila. Y-You know what I-I did? I-I bought t-the n-new collection of souvenirs. B-But w-what I li--"

"Stop it Alexa!" Muli niyang pinutol ang sinasabi ko.

Hindi ko siya pinansin. Itinaas ko ang isang red tshirt na may nakatatak na 'My Heart is For You'. "B-But this is w-what I like most Mahal ko! K-Kasi this is the last piece she had and s-she gave it to me as free!"

Muli kong tiningnan ang laman ng paper bag. "I-I e-even passed by sa paborito nating kainan ng siopao. God! When was the last time we went there to eat?! H-Hindi pa rin nagbabago ang lasa ng siopao nila. Still the best!" Kinuha ko ang isang clear white box na may lamang siopao. "D-Don't worry. Kahit nakatatlo ako, I did bring some for you Mahal ko. Y-You wi--"

"I said stop it!!" Medyo nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses ni Charm. Pero mas hindi ko napaghandaan ang biglang pagtabig niya sa lahat ng hawak ko. Tumilapon ang paper bag pati na ang mga laman nito.

Yumukod ako para pulutin isa-isa ang mga nahulog. I'm so pathetic. Kahit unti-unti na akong nanghihina, pinilit ko pa ring magpakatatag. "C-Charm t-there a-are m-more in this pa--"

Yumukod din siya at muling tinabig ang mga hawak hawak ko. "Hindi ko kailangan ang mga 'yan! Hindi ko kailangan ang kahit ano! Wala na akong kailangan galing sa'yo! Tigilan mo na ito Alexa!!" Sigaw niya at tuluyan nang napahagulhol.

Sinundan ko siya ng tingin nang unti-unti siyang tumayo. Basa na ng luha ang kanyang mga pisngi.

Kinabig ko siya at mahigpit na niyakap. Hindi ko na rin napigilan ang pagbuhos ng luha. Napapikit ako ng mariin. "L-Let's get married, Charm. P-Please marry me..." I surrendered and sobbed like a child. I love her. I love her kahit sobrang sakit na rin.

Saglit na namagitan sa amin ang katahimikan. Parehas lang kaming umiiyak. Pero ilang sandali lang ang lumipas ng dahan-dahan siyang humiwalay sa akin.

"I-I'm s-sorry A-Alexa.."

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko sa hindi ko maintindihang dahilan. "C-Charm p-please, l-let's sort this out.." Hinawakan ko ang kanyang kamay pero agad naman niya itong hinila habang umiiling.

This is it. I closed my eyes tightly. Please. Ayoko ng marinig mula kay Charm na sumusuko na siya. Is there any other way? This is more heartbreaking than the last time I remembered.

"I-I've had enough, Alexa..." Mapait siyang ngumiti. "I-I l-love you.. But I-I don't think i-it will be enough reason to s-stay in this r-relationship. I-I'm sorry.." Agad siyang tumalikod sa akin at mabilis pumasok sa loob ng kanyang apartment.

I bit my lip and wipe the tears from my eyes. Parang lahat ng ala-ala na kasama ko si Charm ay unti-unting naglaro sa aking isipan. Hanggang sa unti-unting napalitan nang nakatalikod niyang bulto na naglalakad palayo sa akin.

Napatingala ako sa kalangitan nang biglang kumidlat at bumuhos ang malakas na ulan. Bakit mas doble pa ang sakit? I cried harder all over again.

Napapikit ako nang mariin nang marinig ko ang tunog ng orasan.

Tik! Tik! Tik!

This time there's no turning back. Sa pagbabalik ko sa kasalukuyan kailangan ko ng tanggapin na tapos na talaga ang lahat sa amin ni Charm.

Its about time to move forward Alexandra.

"Aaaaaaaaahhhhhhhhh..."

I opened my eyes and sighed. Kailan ba matatapos ang party na ito? Hindi pa man natatapos ang buong araw na ito I already feel exhausted.

"Alexa.."

Saglit akong napahinto sa paglalakad at nilingon si Charm. "Hmmm..?"

Come to think of it. After that night na tinapos ni Charm ang lahat sa amin, hindi ko na ulit narinig mula sa kanya na tinawag niya ako sa ganyang paraan. It makes me feel warm.

"You'll be okay right?"

I smiled. "O-Of course. I'll be okay. I'll be alright." Tipid kong sabi saka tuluyang tumalikod at naglakad.

Kahit may malakas na pwersa ang humihila sa akin na muling lingunin si Charm, pinigilan ko na ang aking sarili na huwag gawin iyon.

I need to move forward. Hindi para kay Charm pero para sa sarili ko. Slowly, I walked towards the exit of the venue without looking back.

I love Charm. It's not a question of how much or how long or until when? Its just what I feel. And whatever it is that's waiting for me, I'll never regret loving her.

Bente KwatroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon