8. Kismet

162 24 2
                                    

Hindi na namin namalayan ang oras dahil naaliw na kami sa pagluluto. Samantalang napilitan na ring tumulong sina Myra at Chai na hindi yata napapagod sa pagkukwentuhan ng tungkol sa kung anu-anong bagay.

"Ate Alexa, hindi ba may car ka? Ipasyal mo naman ako bukas?" Nakapout pa siya at magkasalikop pa ang kanyang dalawang palad.

"Shoot! Basta iyong secret natin bawal mong ipagkalat ha?" Kinindatan ko pa siya saka nginitian.

"Promise!" Itinaas pa niya ang kanyang kanang kamay.

"Chai, magpalit ka na ng damit mo. Ang dungis mo na!" Utos naman ng ina nito.

"Alex bakit wala pa sila?" Si Myra na tila naiinip na. Halos natapos na namin ang mga gawain at nakikita ko na sa mukha nya ang pagod. "Tawagan mo kaya?"

"Kayong dalawa maupo na muna kayo dun!" Taboy naman ng ina ni Charm sa amin ni Myra. "Kaya ko na'to."

"Sure po kayo?" Kahit halata na sa mukha ni Myra ang pagod, gusto pa rin niyang tulungan si Nanay Carmela.

"My, upo ka na dun! Ako na bahala rito!" Tinaboy ko siya saka ko nilapitan si Nanay Carmela na naghuhugas ng mga pinaggamitan namin. "'Nay, ako na po dyan. Kayo po iyong magpahinga na muna. Birthday nyo eh!"

"Naku, ikaw talagang bata ka! Alam kong hindi ka sanay sa mga ganitong gawain!"

Bigla namang sumingit si Myra. "Tita, pwede bang samahan nyo muna ako sa room ni Charm? Gusto ko sanang magpalit ng damit." Saglit lang nya akong sinulyapang saka muling nagsalita. "Kayang-kaya na po ni Alex 'yan!"

Mabilis ang naging pagtango ko nang balingan ako ni Nanay na tila hindi kumbinsido kay Myra. "Don't worry po, kaunti na lang naman 'to eh. Mga three minutes, tapos ko na'to!"

"Sigurado ka ba anak?"

Nagthumbs up lang ako saka sila itinaboy. Nang tumalikod sila sa akin, hinarap ko naman ang natitirang hugasin sa lababo. Hindi ko maiwasang mapangiti kapag tinatawag akong 'anak' ni Nanay. It's like, it's one of those things that I've been missing my whole life. Kung hindi pa ako nakabalik sa nakaraan, hindi ko mararamdaman na ganito pala ako kawelcome sa pamilya ni Charm.

"'Nay, andito na kami!"

Napalingon ako sa may pinto nang marinig ko ang sigaw na 'yon ni Charm. Itinaob ko ang huling kaldero na hinugasan ko saka ko pinunasan ng towel ang aking mga kamay.

"A-Alexa?! Anong ginagawa mo rito?!" Gulat na gulat ang reaksyon nya.

"H-Hi!" Looking at Charm right now, I wanted to wrap her around my arms and smother her with small kisses on her face. God, I just can't let her go. I just can't.

"Anak, andyan ka na pala. Kanina pa dito sina Alexa. Nauna pa sila sa inyo." Bungad ng ina ni Charm na lumabas galing ng isang kwarto. Kasunod nya si Myra.

"Grabe ka naman Alex! Pinagbyahe mo pa kami, sasama ka naman pala!" Biglang singit ni Jomer.

"Oo nga ang init pa man din!" Segunda naman ni Ria.

Sinundan ko ng tingin si Jin na derechong lumapit kay Nanay Carmela at nagmano. "Happy birthday 'Nay!" Bati pa nito saka iniabot ang isang katamtamang laki ng paper bag.

Tinanggap naman ito ng huli. "Jin, hindi ka na sana nag-abala!"

"Wala po 'yon 'Nay."

Lumapit din si Charm at nagmano rin sa kanyang ina saka ito hinalikan sa noo. "Happy birthday Nanay!" Niyakap niya ito ng mahigpit saka muling humiwalay. "Bukas ko na ibibigay ang regalo ko ha?"

Bente KwatroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon