The next chapters will be Charm's POV.
"O-Of course. I'll be okay. I'll be alright. "
I can't exactly name what I'm currently feeling. Habang tinitingnan ko ang nakatalikod na bulto ni Alexa na naglalakad palayo pakiramdam ko may isang kamay na pumipiga sa puso ko ngayon.
This is what I chose. This was the choice I made two years ago. Funny it is. Two years na rin pala ang nakalipas. But still, I can't deny that there's still void inside my heart since I broke up with Alexa. At walang nakapuno sa void na 'yon, not even Jin.
After a year na nagkahiwalay kami ni Alexa, parang nawala ako sa sarili ko at nagpadala na lang sa agos ng buhay. Now, me and Jin are celebrating our one year of being official. Sobrang bilis ng mga nangyari, and after a year we'll fly to Taiwan to get married.
And to be honest, masaya naman ako. Aside from Alexa, Jin has been part of my life since my sixth grade. Siya ang bestfriend ko at tanging naging constant sa paglipas ng mga taon. She'd seen everything about me. She'd seen how I started falling in and out of love with Alexa. Kaya naman noong nagpropose siya, hindi na rin ako tumanggi. Wouldn't it be nice to marry your best friend?
Speaking of the person I'm thinking right now. Napangiti ako nang makita kong papalapit na rin siya sa pwesto ko. Pero bago siya tuluyang nakalapit may isang babae ang biglang humarang sa kanya at saglit na nakipag usap. Nangunot ang noo ko at napataas ang aking kilay.
I know that lady. How can I forget her? Siya iyong kasama ni Alexa sa picture na naging dahilan para tuluyan nang masira ang tiwala ko sa kanya at mauwi ang aming pinagsamahan sa hiwalayan. It's not just about jealousy. But how can Jin knows her? And who invited her anyway? Muli kong tiningnan ang tinahak na daan ni Alexa pero wala na siya dun. Is she with her?
Tatayo na sana ako para salubungin si Jin at para malapitan na rin ang babae pero mukhang nagpaalaman na sa isa't isa ang dalawa.
"Sweetheart, miss me already?" Jin is glowing.
"You know her?" Sinundan ko ng tingin ang babaeng ngayon ay nakatalikod na at mabilis na nakapaglakad patungo na sa hinuha ko ay palabas na ng venue.
Nagkibit balikat naman si Jin. "She said she's with someone. Muntik ko na kasi siyang makabunggo dahil nakatingin ako sa'yo. So we had a very very little chit chat." Nakangiti niyang sabi. Binalingan nya ang mga kasama ko sa table. "Still enjoying yourselves ladies?" Nakangiti niyang tanong. "Oh by the way, where's Alex?"
"May nakita raw siyang kakilala. Magha hi lang daw siya." Sagot naman ni Myra.
"Sweetheart, are you tired? Pwede bang puntahan muna natin sina Tita sa may table dun?" Tinuro niya ang table kung saan nakaupo ang mga pinsan niya.
"Actually, Ate Jin, kakaupo lang ni Ate Charm dito." Singit naman ni Chai. "Obvious naman na medyo pagod na siya kakatayo at kakaestima sa mga bisita mo!" Birong pasaring niya.
Kung hindi ka sanay kay Chai, you might get offended sa paraan ng pagsasalita niya. Makahulugan ko siyang tiningnan. Napasulyap ako kay Jin na biglang nag-iba ang mukha pero mabilis lang ding nawala at napalitan ng ngiti.
"Joke lang naman!" Nakapeace sign na sabi ni Chai.
Tumingin naman sa akin si Jin. "Let's go sweetheart?"
I wanted to say no, pero ayoko namang masira ang mood ng isa sa amin. Kaya tipid na lang akong ngumiti kina Nanay saka tumayo. Pinagtaasan ko ng kilay si Chai dahil hindi nawala sa pansin ko ang pag-irap nya.
"Sweetheart, are you really tired? Baling naman sa akin ni Jin habang naglalakad kami palapit sa Tita niya.
"Honestly, medyo. Alam mo naman na hindi ako masyadong sanay sa ganitong event." Tipid akong ngumiti sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/222680599-288-k649542.jpg)
BINABASA MO ANG
Bente Kwatro
RomanceAlexa and Charm has been in a relationship for almost ten years. Kaya siguro masyadong nakampante si Alexa na sila na hanggang huli kaya naman maraming pagkakataon na tinook for granted nya ang existence ni Charm. Alexa's so full of herself na hind...