4. Book With Bookmark

190 22 0
                                    

I looked at Myra while dancing so wild with Frank. Naalala ko noon na halos ako pa ang nagtulak sa kanya na sumama kay Frank. I was thinking that maybe the bastard was so inlove with her. Little did I know, that Myra was just a toy for him. If I don't stop her now, she'll regret it later on. Palagi pa naman niyang bukang bibig sa akin na pinagsisisihan niyang ibinigay niya ang sarili nya kay Frank. Sana raw naghintay siya ng tamang lalaking pag aalayan nya ng pagkababae nya. I sighed deeply. Hindi ko naman siya pwedeng iwan ng ganyan! Ayaw pa rin naman niyang umuwi! Hays, kailan ba papanig sa akin ang swerte?! Mauulit na naman ba ang nangyari noon?!

"Hi Babe! Want some drink?"

May tama na rin si Trish base sa pungay ng mata niya at pamumula ng pisngi. I wonder what my old self liked about her. Yes she's a beauty, but she's no match with Charm. She puts too much make up, pero si Charm masaya na sa lip gloss at powder. Hindi gaya ni Trish, mahirap lang si Charm. Kaya kung anong meron siya sa kasalukuyan iyon ay dahil pinaghirapan nya lahat. Kaya naman mas lalo lang siyang napamahal sa akin. But it was all too late to realize. The moment I wanted to keep her forever was the same moment she gave up on me.

Aabutin ko na sana ang basong hawak ni Trish pero mabilis niya itong tinungga.

"If you want it, you can taste it from here." Itinuro niya ang kanyang labi.

If I was my old self, kanina ko pang sinunggaban ang babaeng nasa harapan ko. Pero hindi ko na ulit gagawin yon dahil gusto kong ibalik at pahalagahan ang babaeng binalewala ko sa loob ng maraming taon. Tipid lang akong ngumiti at tumayo. "Magbanyo lang ako."

"Not so fast babe."

Hinarangan nya ako saka muling ngumiti. Hindi ko napaghandaan ang sunod nyang ginawa. Sinakop nya ang aking mga labi dahilan para matulos ako sa aking kinatatayuan. Nanlaki ang aking mga mata.

'Let go of me so you can let go of yourself also.'

No! Itinulak ko si Trish at pinahid ang aking labi. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa naging reaksyon ko. "I'm sorry, Trish. Pero mahal na mahal ko si Charm." Tinalikuran ko siya at dere-derecho akong nagpunta sa loob ng banyo.

Mabilis kong winisikan ng tubig ang aking mukha nang makapasok ako sa loob. Tinitigan ko ang aking sarili sa salamin.

Sa kabila ng paglalagay ko ng make up at pagbibihis babae, hindi naman kaila sa lahat ang tungkol sa pagkatao ko. Bagaman may ilang lalaki pa ring nagtangka na paibigin ako, bigo sila na mabago ako. At kahit alam ng lahat ang tungkol sa relasyon namin ni Charm, may mangilan ngilan pa ring babae ang nagtatangka na lumapit sa akin at nagbibigay ng motibo. Sabi nga nila maappeal daw kasi ako. At dahil umaapaw ako ng self confidence noon na hinding hindi ako iiwan ni Charm, halos makipaglaro rin ako sa mga babaeng lantaran ang pagkagusto sa akin. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Walang sinuman ang dapat sisihin sa paglayo sa'yo ni Charm, Alex. Ikaw ang nagtulak sa kanya palayo sa buhay mo!

Mabilis akong lumabas ng banyo at hinagilap si Myra. Damn! Akay na siya ni Frank palabas ng bar. Mabilis ko silang sinundan.

"I'll bring her home, Frank." Naabutan ko pa siyang isinasakay ng lalaki sa kotse nito. Damn bastard!

"How about Trish?" Nakangisi siya ng nakakaloko.

I clenched my fist and tried my best to control myself. "Let's go Myra." Binuksan ko ang pinto ng kotse ni Frank saka hinila ang babae. Umuungol lang siya at wala akong maintindihan sa sinasabi niya.

"C'mon Alex, let's have some more fun? Have you tried threesome? For sure Myra won't mind."

Sayang ang kagwapuhan ng gagong ito! Mabilis kong ipinasok sa loob ng aking kotse si Myra na halos wala ng malay sa kalasingan. Saka ko naman muling hinarap si Frank. Salamat kay Mommy at pinaturuan niya kaming magkapatid ng judo.

Bente KwatroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon