"Hey, hey..."
Mararahang tapik sa pisngi ang gumising sa akin. Pagmulat ko ng aking mga mata, ang nakangiting mukha ni Charm ang bumungad sa akin. "Hmm.."
"Wake up, Mahal ko. We're home.." Sabi pa niya saka ako hinalikan sa noo.
Siya na ang nagprisinta na siya na raw ang magmaneho dahil mukha raw pagod na pagod ako, idagdag pa ang maya't maya kong pag-iyak. Natanong tuloy nya kung magkaka period daw ba ako at masyado akong nagiging emotional. Pumayag na ako sa suhestyon niya, idagdag pa na literally I really feel tired.
"Home.." Ulit ko sa sinabi niya saka kumilos at bumaba na ng sasakyan. Hindi ko alam kung anong meron sa salitang 'yan pero kapag sinasabi ni Charm, iba iyong feeling ko. It's like contentment. Its like I'm seeing myself with her.. For a long time. She's my home.
Tahimik lang kami parehas hanggang makarating kami sa loob ng condo. "Mahal ko, can I go shower first? Pakiramdam ko ang baho ko na eh!"
Natawa naman siya sa tinuran ko saka tumango. "Alright. You go first. I'll make us some tea. Would that be fine?"
"Hmm, what about wine??" I smiled sheepishly and winked.
Napailing-iling naman siya. "Okay. You're the boss!" Nagsalute pa siya sa akin saka ako tinalikuran.
Hindi na ako nagsalita at nagderecho na sa banyo. I can't help but smile whenever I think of what had just happened. I guess everything's falling into places. I mean, I attended the graduation ceremony, though I was late. Narinig ko yong speech ni Charm, I even got the chance to celebrate it with her and some of her close friends. I hope this is something that will change the situation I have in the present time.
Napapikit ako at muling napasipol. Come to think of it. Things happened today went on smoothly. Would that really means that destiny is on my side? Muling nagbalik sa akin ang imahe ni Charm kani-kanina lang bago ako maligo. She was smiling indeed. But I think I saw a glimpse of her that about to cry when she turned around. It was only seconds but for sure I saw it. I knew I saw it. What does it means?
"Hindi ka bumabalik sa nakaraan para muli syang mapa sa'yo sa kasalukuyan Alexandra. Tandaan mong may mga bagay na kahit anong pilit mo, kung hindi para sa'yo hindi magiging sa'yo. Minsan baka ang kailangan lang ay kung paano mo tanggapin na nangyari na ang mga nangyari."
Bigla akong napamulat. Shit! "Charm!!" Mabilis ang naging galaw ko. Kinuha ko ang towel saka ibinalot sa aking katawan. Dere-derecho akong lumabas ng banyo. "Charm!! Where are you!?" Ang lakas ng kaba sa dibdib ko. Pakiramdam ko may mali. Am I seeing things wrong?!
"Anong isinisigaw mo dyan, Alexa? Parang ang layo layo ko sa'yo ah?" Magkasalubong ang kilay nya at may amuse na ngiti. Nakabalot na rin ang ulo nya ng towel at nakasuot na siya ng bathrobe. "Hindi na kita nahintay, kaya nagshower na rin ako. Bakit ka ba sumisi-"
"God Charm, bakit ba lagi mo na lang akong pinapakaba!" Niyakap ko siya nang mahigpit at napapikit. Hindi ko na naman napigilan ang mapaluha. I don't want to go back. Dito na lang ako. Dito na lang kami ni Charm. "C-Charm.." Tuluyan na akong napahagulhol. "M-Mahal k-ko.."
"Alexa..." Hinagod hagod niya ang aking likuran. "What's wrong? Tell me, may iba pa bang nangyari sa'yo ngayong araw? Bakit ba iyak ka na naman ng iyak?" Marahan niya akong inilayo sa kanya at pinagmasdan. Mababakas sa kanyang mukha ang pag-aalala at pagkalito. "Hey.." Itinaas niya ang aking baba upang magtama ang aming tingin.
"Mahal ko.." Siguro nga tama si Dyosa. Sa pagrevive ko sa nakaraan, unti-unting nagbabago ang mga nangyari, pero hindi ang katotohanan na magkakaayos pa ulit kami ni Charm. Nagbago nga siguro ang Alexa na minahal ni Charm pero sa paraang malalim. I love her. I love Charm so much that it hurts badly. Thinking na mauuwi sa wala ang lahat, durog na durog na ako.
BINABASA MO ANG
Bente Kwatro
RomanceAlexa and Charm has been in a relationship for almost ten years. Kaya siguro masyadong nakampante si Alexa na sila na hanggang huli kaya naman maraming pagkakataon na tinook for granted nya ang existence ni Charm. Alexa's so full of herself na hind...