13. Bridging The Gap

156 20 1
                                    

Halos hindi ko na malunok ang kinakain ko. Hindi na rin ako aware sa mga nangyayari sa aking paligid. Panay lang ang sulyap ko kay Charm at kay Mommy na parang hindi nauubusan ng kwento sa isa't isa. Hindi tuloy ako makasingit o makatyempo upang masolo man lang si Charm. Dinagdagan pa ni Myra, ng kakambal ko at ng tiyahin ko ang pagkukwentuhan nung dalawa kaya naman lalo na akong nawalan ng papel sa sitwasyon.

"Ahm, excuse me. Can I just talk to Charm alone?" Hindi na ako nakatiis at tumayo pa ako sa aking kinauupuan upang makuha ko ang kanilang atensyon. Yes, hindi ko itatanggi na nagkaroon ako ng relief nang makita ko ang reaksyon ni Mommy at Charm matapos nilang mag-usap, but I can't just seat here and wait dahil may oras akong hinahabol.

Pinagtaasan ako ng kilay ni Charm. "Pwede naman sigurong mamaya, Alexa, hindi ba?"

"C'mon I don't have time!" Mariin kong sabi. I need to know kung anong pinag usapan nila ni Mommy at mabilis niya agad na nakuha ang loob nito. Ilang oras na lang at babalik na ulit ako sa kasalukuyan at hindi na ako makakasigurado kung malalaman ko pa kung anuman ang pinag usapan nila.

"Alex mamaya na lang, patapos na rin naman tayo right?" Singit naman ng magaling kong kakambal.

Nang balingan ko naman si Mommy nakataas ang kilay niya at tila pinipigilan ang hindi matawa. Wala na akong nagawa kung hindi ang muling umupo at ipagpatuloy ang pagkain.

"So you never told me about her, Alex." Naputol ang pagmumuni-muni ko nang marinig ko ang boses na 'yon ni Tita Lovel.

Nag-alis ako ng bikig sa aking lalamunan saka sinalubong ang tingin ni Mommy na hindi ko alam kung anong gustong ipahiwatig. "A-Actually T-Tita I was really planning to introduce her to everyone. I-I am just waiting for the right time." Pasimple ko namang sinulyapan si Charm na hindi ko rin mabasa kung ano ang nasa kanyang isip.

"So you think this is the right time?" Tila nanunubok ang tingin ni Mommy.

Isa-isa kong inilibot ang tingin sa mga taong kasalo namin ngayon. Mahahalata sa kanilang mga reaksyon ang inip at paghihintay sa aking isasagot. Suddenly I'm lost for words. Timing. Iyon lang ba ang kulang sa akin? Muli kong itinuon ang aking tingin kay Charm na halata ring naiinip sa aking isasagot. Going back at this past time, I realize how important this lady in front me. I kept on taking her for granted until I run out of time to make her feel how I truly felt. It even comes to a point that I lost her for someone else. And even if I've been trying my best to win her back, I felt like she lost all her reasons to come back to my life. I was too busy for nonsense things until I forgot that she's still with me. And the moment I realized it, it is also the same moment I lost her.

Napatungo ako at naramdaman kong malapit na namang pumatak ang luha sa aking mga mata. Damn! "A-Actually there was really no good timing." I bit my lip and captured Charm's eyes. "I was just so scared of what might happened if everyone knew about us, lalo na si Mommy..." Binalingan ko naman si Mommy na hindi nagsasalita. "But then, what scares me more is the fact that I might lose Charm someday. Thinking of everyone that might get disappointed with what I chose bothers me, but to be frank, I can afford to disappoint everyone, even my own mother, but I can't imagine living my life alone and without Charm in it. I hope you can all understand..." Hindi ko alam kung ano ang mas masakit. Iyong katotohanan na kahit baguhin ko ang mga nangyari sa nakaraan, at the end mawawalay pa rin sa akin si Charm. O iyong kahit nabigyan na ako ng chance na makabalik wala pa ring nagbago. Isa pa rin akong gago at ako pa rin ang nagtulak kay Charm para mapalayo siya sa akin.

"Charm I'm trying to be honest with you." Narito kami ngayon sa aking condo. Bago pa kami nakarating dito kinausap ko muna si Myra tungkol sa pagbabanta ni Mommy. Though wala naman akong nakuhang matinong solusyon galing sa kanya isa lang ang tumatak sa isip ko.

Bente KwatroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon