17. Hopeless

158 18 3
                                    

"Gusto mo na bang bumalik ulit?"

Tiningnan ko si Dyosa. Iba na ulit ang suot niyang damit. Kulay lila. Hindi ko maiwasan ang mapangiti ng mapait. "May pag-asa pa ba?"

"Sumusuko ka na ba?"

"Itutuloy ko pa ba?"

Makahulugang ngumiti si Dyosa. Lumapit siya sa akin at tinapik tapik ako sa aking balikat. "Kaya mo pa ba?"

I closed my eyes and saw Charm. How can I ever unlove her?

"Sinungaling ka! Manloloko ka! Ilang beses mo na akong sinaktan Alexa! Minahal lang naman kita ah?!" Patuloy niya akong pinaghahampas habang walang patid ang pagtulo ng luha niya. "B-Bakit p-palagi mo na lang akong sinasaktan?"

"I'm sorry, Charm. S-Sorry n-na mahal ko.." Pinipilit ko siyang yakapin pero puro pag-iwas at pagtulak lang ang ginagawa niya. Napabiling ang mukha ko ng sinampal niya ako.

"P-Puro ka s-sorry, Alexa!" Marahas niyang pinahid ang luha sa kanyang pisngi at umatras palayo sa akin habang napapailing. "A-Ayoko na. N-Napapagod na ako Alexa. Nakakapagod na ang mahalin ka.."

"No! No, please!" Mabilis ko siyang pinigilan at niyakap mula sa kanyang likuran. "M-Maniwala ka sa akin, Charm. Please mahal ko. H-Hayaan mo lang akong magpaliwanag. Mahal na mahal kita. Please.."

Hindi siya nagsalita. Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay kong nakayakap sa kanya. "Hindi ko na kailangan ng paliwanag mo Alexa. Sapat na ang mga nakita ko. Please, tama na. Ayoko na. Suko na ako Alexa. "

Para akong natulos sa kinatatayuan ko. Sa kauna-unahang pagkakataon, sa loob ng ilang taon at sa ilang beses na nagkaaway kami ni Charm ngayon ko lang narinig na sumusuko na siya. At ito lang din ang unang pagkakataon na natakot ako na baka paggising ko bukas tuluyan na akong hiwalayan ni Charm.

Habang naglalakad siya palayo sa akin lumalabo rin siya sa aking paningin. Siguro dahil na rin sa luhang nag-uunahang pumatak mula sa mga mata ko.

"Gusto ko lang ipaalala sa'yo na may dalawang pagkakataon ka na lang para makabalik."

Napatungo ako. Ni hindi ko rin alam kung saang parte ba ng nakaraan ko ako magbabalik. Kung pwede lang sanang pumili.

"Palayain ang puso at buksan ang isipan. Magbalik ka sa nakaraan upang ikaw ay matauhan."

Humugot ako ng malalim na hininga saka tumayo ng maayos. "Dyosa ng kagandahan pabigyan ang aking kahilingan, ibalik ako sa nakaraan!"

Tuluyang nagdilim ang paligid. Muli akong napasama sa isang ipo-ipo.

"Waaaaaaaaaaaa!" Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Pakiramdam ko umiikot pa rin ang paligid ko. "Damn!" Sinapo ko ang aking ulo at muling pumikit ng mariin "Shit! Dyosa ang sakit naman ata sa ulo ng pagbabalik ko ngayon!" Daing kausap ko sa aking sarili.

"Aleeeeeexxxx! Ano ba hindi ka pa ba babangon dyan?!?"

Lalo akong nahilo dahil sa ginagawang pagyugyog sa akin. "Damn, can you stop that! Ang sakit sakit na nga ng ulo ko, lalo mo pang pinapasakit!" Bakit ba parang kahit gustuhin kong imulat ang aking mga mata parang ang bigat bigat. Pakiramdam ko kailangan ko ng napakahabang tulog. Bakit kakaiba ata itong pagbabalik kong ito? "Dyosa sinasabotahe mo naman ako eh!!"

"Padyosa dyosa ka pa dyan! Pwede bang bumangon ka na! Sobra ka na namang nagpakalasing Alex!"

"Ouch! Do you really have to slap me?!" Pinilit kong minulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang mukha ni Myra na salubong na ang kilay!

"Shit Alex! Bahala ka sa buhay mo! But don't ever blame me after this!"

Nawala siya sa paningin ko at bumungad sa akin ang puting kisame. Nasaan na ba ako? Bumangon ako para lang mahiga ulit dahil talagang literal na umiikot ang paligid ko. "Ang sakit ng ulo ko My!" Daing ko at napahawak pa ako sa aking ulo. "Ouch!" Sinamaan ko siya ng tingin nang bigla nya akong batukan.

Bente KwatroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon