Nakarating kami ni Charm sa isang coffee shop sa Antipolo kung saan tanaw ang buong lungsod. Mag aalas nuebe na ng umaga at bagama't nakikita ko na sa mga mata ni Charm ang antok at pagod dahil sa party pinagbigyan naman nya ako sa kagustuhan ko na mag-ikot-ikot matapos naming maihatid si Myra.
I wanted to spend more time with her bago ako bumalik ulit sa kasalukuyan. Ang natatandaan ko noon, after noong party ko, I was so drunk. May hang over pa ako nang sinubukan ko siyang sunduin sa bahay nila Jin.
"Alexa, I think you're getting worst!" Makikita sa reaksyon ni Charm ang tinitimping nyang galit. Lalo pa at aware siyang nasa likod lang si Jin at nakamasid sa aming dalawa.
Bale wala lang sa aking ang nakikita kong reaksyon mula sa kanya. Kumaway kaway pa ako kay Jin na seryoso ang mukha at ngumiti nang matamis. Sanay na akong makita si Charm na galit or nagtatampo. Konting lambing ko for sure mapapatawad nya ako agad. Saka hindi naman nya ako matitiis eh. "Salamat sa pag aaruga sa girlfriend ko Jin! Iuuwi ko na ulit siya ha?" Kinindatan ko pa siya saka inakbayan si Charm.
Pumiksi naman si Charm at marahas na tinanggal ang pagkakaakbay ko sa kanya. "Umuwi ka na! Ayusin mo muna ang sarili mo, Alexa!"
Napailing-iling ako at napangiti. "C'mon, babe, forget about yesterday. Galit ka pa rin ba!? It's not a big deal!" Muli ko sana siyang aakbayan pero mabilis siyang nakaiwas.
"Saka na tayo mag-usap Alexa, kapag wala ng halong alak iyang dugo mo!" Mariin nyang sabi saka ako tinalikuran.
Mabilis ko naman siyang hinaklit sa kanyang braso. "Babe, sorry na..." Yayakapin ko sana siya pero bigla niya akong sinampal. Para akong nahulasan sa ginawa nya. Napatingin ako sa kanyang mga mata na may namumuo ng luha.
"G-Ginagawa m-mo ng hobby ang mag-sorry sa akin, Alexa! P-Parang hindi na kita kilala!"
Hindi na ako nakakilos sa aking kinatatayuan hanggang sa talikuran niya ako at naglakad siya papasok sa loob ng bahay nina Jin. Napailing-iling naman ang huli saka sinundan si Charm.
"Alexa.."
Napakurap kurap ako nang marahang tapikin ni Charm ang kamay ko.
"Akala ko ba gusto mo ng kape? Mukhang wala ka namang balak na inumin yan eh!" Nanunudyo nyang sabi.
Tipid akong ngumiti saka marahang hinawakan ang kanyang kamay na nakapatong sa ibabaw ng mesa. "Charm, would you really be mad at me kung hindi ka nakarating sa graduation party ko?"
Napailing-iling siya at napangiti. "Iyong tipong sobrang seryoso ng ekspresyon ng mukha mo Alexa, tapos medyo kinabahan pa ako kung ano bang sasabihin mo, iyon naman pala 'yan lang iyong itatanong mo. Seryoso ka??" Pinagtaasan nya pa ako ng kanyang kilay at tila nanunubok ang kanyang tingin.
Back then, nagkaayos man kami ni Charm pero wala ng nag-ungkat ng tungkol sa bagay na 'yon. I didn't dare ask or talk to her about that matter cause I'm too scared for what she will going to answer.
Hindi ako nagsalita at tipid lang na ngumiti. Kung hindi ko man mabago ang babalikan ko sa kasalukuyan isang malaking relief na rin para sa akin na may mga bagay akong nabago sa nakaraan ko. Sa nakaraan namin. Mababawasan na iyong mga regrets na dala-dala ko pa rin. "Here, have some bite." Itinapat ko sa bibig nya ang tinidor na may red velvet cake.
Malugod naman niya itong tinanggap at ngumiti. "Birthday ko ba? Bakit ang extra sweet mo po?" Nakangiti nyang sabi.
"Bakit hindi ba ako sweet sa'yo?"
Nagkunwari pa siyang nag-isip. "Ahhm, wala naman akong sinabi na hindi ka sweet. Ang sabi ko bakit ang extra sweet mo!" Binigyang diin pa nya ang salitang extra.

BINABASA MO ANG
Bente Kwatro
RomanceAlexa and Charm has been in a relationship for almost ten years. Kaya siguro masyadong nakampante si Alexa na sila na hanggang huli kaya naman maraming pagkakataon na tinook for granted nya ang existence ni Charm. Alexa's so full of herself na hind...