"Thank you for coming to this special event! In case all of you didn't know, aside from celebrating Charm's birthday, it is indeed our first year anniversary! Thank you for celebrating with us! Cheers!"
Napilitan akong itaas ang hawak-hawak kong kopita na may lamang red wine kagaya ng ginawa ng iba pang mga bisita.
Napatingin ako sa aking relo at napabuga ng malalim na hininga. Hindi pa ba matatapos ang party na'to?! Durog na durog na ang puso ko. Napatingin ako sa stage kung saan magkaharap ang dalawang tao na ni sa hinagap hindi ko mapaniwalaang magkakagustuhan. Pakiramdam ko nga nananaginip lang ako.
"Bakit mag-isa ka rito?"
Saglit ko lang sinulyapan ang taong nagsalita saka ko muling ibinaling ang tingin sa stage. Dapat kasi ako ang nasa stage kasama nya. "Masama na bang mag-isa ngayon?"
"Nagsasanay ka na ba?"
Muli ko siyang binalingan at sinamaan ng tingin. Hindi ko alam kung ano ba ang talagang ibig sabihin ng pagiging matalik na kaibigan? Dahil ang taong nasa tabi ko ngayon ay ang itinuturing kong matalik na kaibigan pero bakit ang harsh nya sa akin? "Wala ako sa mood sa pang-aasar mo, Myra."
"Pwede bang itulak kita sa pool na 'yan, Alex? Mukha kasing papanindigan mo na talaga ang pagiging tanga!"
"Nakita mo bang ngumiti ng ganyan si Charm noong mga panahong ako ang karelasyon nya?" Itinuro ko ang babaeng nasa stage na nakangiti habang hawak-hawak sa kanyang kanang kamay ang kopita. Tapos nakapulupot naman sa bewang ng babaeng katabi nya ang kanyang kaliwang kamay.
"Ikaw dapat iyong katabi nya, Alex!"
Kung iniisip ni Myra na siya lang ang nanghihinayang at nagsisisi, well nagkakamali siya. Ininom ko ang laman ng aking kopita bago siya tinalikuran. Lahat sa party na ito ay nagpapamukha ng katangahan ko.
"Don't you want to do something Alexandra?! Look at yourself?!"
"Myra please, ano pa bang gusto mong gawin ko?!" Hindi ba napaka obvious naman na masaya na si Charm. Sa loob ng halos sampung taon, hindi ko na maalala kung kailan siya huling ngumiti ng ganyan, katulad ng pagngiti nya ngayon. Muli kong tiningnan ang stage kung saan eksakto namang pababa na siya habang inaalalayan siya ni Jin.
Nagpunta ako sa may bar area at nagpasalin ulit ng wine sa aking kopita. Naupo ako sa stool na nakaharap sa bar stand at iniikot ito upang mapaharap ulit ako sa stage. May banda nang tumutugtog dito. Hinanap ko ng aking tingin ang babaeng nagpapatibok ng puso ko. Nahigit ko ang aking hininga dahil sa gandang taglay nya. Pinatingkad ito ng kulay beige nyang damit. Nakalugay ang buhok nyang may katamtamang haba. Napakasimple lang ng ayos nya pero isa siya sa mga bisitang lutang ang kagandahang taglay.
"Ganda 'no?"
"Walang kupas!" Wala sa loob kong nasabi. Napangiti ako nang magtama ang aming mga mata. Pero mabilis din akong napapormal dahil may nakita akong kakaiba sa klase ng tingin niyang 'yon. Tang-ina Alex, wala kang kasing tanga! Halos sampung taon mo na siyang nakasama pinakawalan mo pa! Ngayon iba na nagmamay-ari ng puso nya!
"Lasing ka na naman Alex!"
Simula nang maghiwalay kami ni Charm hindi na niya ako tinawag na 'Alexa'. Ngumiti ako ng matamis saka mabilis na umiling. Kahit medyo umiikot na ang paligid ko aware pa rin naman ako sa nangyayari. "Charm hindi ako lasing! Ang ganda ganda mo pa nga sa paningin ko eh." Hinaplos ko ang kanyang malambot na pisngi na mabilis naman niyang pinalis.
"Stop it!" Pasinghal niyang sabi. Nakataas ang kanyang kilay at hindi maikakaila sa kanyang mukha ang pagkairita. "Sa palala ka na, Alex!"
"Charm, masaya ka ba kay Jin?" Ang mga salita na ilang buwan ko ng gustong itanong sa kanya. Kaya salamat kay tequilla dahil finally nagkaroon na ako ng lakas ng loob na ibulalas sa kanya. Looking at her, parang may pumipiga sa puso ko. Saan na ba napunta ang panahon? Ano na bang nangyari sa binuo naming 'kami'?
BINABASA MO ANG
Bente Kwatro
RomancePaano pa nga ba maibabalik sa dati ang lahat? Paano pa paghihilumin ang pusong nasaktan? Paano pa mabubura ang pagsisisi dahil sa ginawang pagkakamali? Isang pusong sugatan at puno ng pagsisisi ang narinig ng isang Engkantada na magbibigay ng pagkak...