3. The First Try

192 17 0
                                    

"Aaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh!"

Napaubo ako nang maramdaman kong may bagay na pumasok sa loob ng aking bibig. Nagkandasamid pa ako sa pagluwa nito. Chalk?! Iminulat ko ang aking mga mata at napatayo. "Who the hell put this damn chalk on my mouth?!"

Narinig kong naghalakhakan ang nasa aking paligid. Nangunot ang aking noo. Teka?! Nasaan ako? Nagpalinga-linga ako sa aking paligid. Napapalibutan ako ng mga estudyante?! Sa aking unahan ay may blackboard at may table. Talaga bang bumalik ako sa nakaraan?!

"Were you drinking, Ms. Baltazar?!"

Muli akong nasamid at naupo. Mabilis ang naging pag-iling ko. "N-No, Ma'am!" Isang dipa ang layo mula sa akin ngayon ng instructor namin sa Basic Accounting.

Pinagtaasan nya ako ng kilay at tila hindi naniniwala kaya lumapit pa siyang lalo para amuyin ako. "Bakit ka nag aaaaaaaahhhhhhh?!" Ginaya pa nya pati tono at lakas ng boses ko na naging dahilan ng muling pagtatawanan ng mga kaklase ko.

"S-Sorry Ma'am." Napangiwi na lamang ako at nag iwas ng tingin. Ibinaling ko na lamang ang aking atensyon sa librong nasa aking harapan. Totoo nga! Nagbalik ako sa nakaraan! Hindi kaya nananaginip pa rin ako?!

"Okay I think that's all for today. Mukhang may iba dyan na naboboring na sa klase ko kaya napapasigaw na lang." Tinapunan ako ng tingin ng aming Instructor saka napailing iling. Nagtawanan pa ulit ang ibang estudyante saka nagsikilos at nagsitayo. Kanya kanya na silang labasan ng classroom.

"Anong drama mo Alex?!" Lumapit agad sa akin si Myra.

Oooohhh, tang ina ang taba pala ni Myra noon! Akalain mong magiging sexy siya sa paglipas ng taon! "Ouch!" Sinamaan ko siya ng tingin.

"What are you smiling at ha?" Nagdududa nya akong tiningnan.

"Myra anong date ngayon?" Imbes na sagutin ang tanong niya tinanong ko rin siya.

"Wednesday, bakit?"

Sinabayan ko ang paglalakad nya palabas ng classroom. Saka nagmamadaling humarang sa kanyang harapan. "Sabi ko date, hindi day!"

"August 12. Bakit ba? Ano pati year gusto mong malaman? August 12, 2009 Wednesday!" Tumingin pa siya sa kanyang relo. "1:35 pm, masaya ka na?"

"Ooohh yes!" Hindi ko na rin napigilan pang sabayan ng aksyon ang pag 'ooohh yes' ko. Akalain mong totoo nga. Pwede pala 'yon? Time travel!

"Lasing ka nga ba ha Alex?!" Salubong na ang kilay ni Myra.

Nginitian ko lang siya. "Don't mind me. I'm only famish!" Binilisan ko pa ang aking hakbang at tinahak ang daan papuntang canteen.

"Oi, wait for me. Sabay na tayong kumain!" Habol naman ni Myra.

Mabilis kong ibinaba sa table ang aking mga gamit saka humakbang papunta sa food area. Looking around, I feel nostalgic!

"Alex hindi mo ba hihintayin si Charm?"

Napahinto ako sa aking paglalakad. Shit! How can I forgot?! Kaya nga pala ako nandito ulit! Muli kong sinalansan ang aking mga gamit.

"Oh saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong ni Myra.

"Pupuntahan ko si Charm!"

"Eh di ba papunta na siya dito?" Napigilan na naman ni Myra ang pag hakbang ko dahil sa sinabi niya. "Ano bang nangyayari sa'yo Alex?! Kanina ka pa wala sa sarili mo!"

Muli akong naupo at napaisip. Teka ano nga bang nangyari sa araw na ito? Hindi ko namalayan na napahawak na rin ako sa aking baba habang nag-iisip. Think Alex! August 12, August 12. Shit! Wala talaga akong maalala! Paano ko pa mababago ang nangyari? Paano ko pa mababawi iyong sakit na naidulot ko kay Charm? "Aish!" Napasubsob ako sa mesa at ginulo gulo pa ang aking buhok.

Bente KwatroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon