Mabilis akong tumakbo sa aking kwarto nang marinig ko ang pagring ng aking cellphone. "Hello.."
"Hi, sweetheart! Good morning! What are you up to right now?"
Napangiti ako sa tanong ni Jin. "Wala naman. Bale ineenjoy ko lang ang Saturday ko. Naglilinis ako sa apartment. Feeling ko ang tagal ko ng hindi nakapag-ayos dito!"
Inipit ko sa pagitan ng aking balikat at tenga ang aking cellphone saka yumukod upang silipin ang ilalim ng aking kama.
"I see. Busy ka pala! So baka bukas na lang kita istorbohin ha? Alam mo naman, inaya ako ng officemate ko na maggulf. Hindi ko na nahindian, kasi last month pa nya ako inaaya eh!"
Natawa ako. "Okay! Ang hirap mo palang i-invite! Dapat may early booking!" I teased.
Napatawa rin siya sa kabilang linya. "You bet!" Sakay niya rin sa biro ko. Napatikhim siya. "Eherm, Charm.."
Hinila ko ang isang katamtamang kahon saka pinagpagan ang mga alikabok nito. "Hmm..?" Mabilis kong binuksan ang takip nito.
"About what I've been telling you.. Don't you want to move in with me in my condo? C'mon! Can you atleast consider it?! After a year, we'll be legally partners. So bakit hindi ka na lang lumipat sa akin? You can sell your apartment!"
Napabuntong hininga ako. Kahit noong bago pa lang kaming nagsisimula ni Jin, gusto na nyang maglive in kami agad. Ganon din naman daw. Kesa hassle pa na pupunta ako sa condo nya at siya sa apartment ko. Makakatipid pa raw kami sa gastos. Pero mariin ang naging pagtanggi ko. I don't know, but there's just something deep inside me na pumipigil para pumayag sa kagustuhan ni Jin. "Heto na naman po tayo!" I rolled my eyes kahit pa nga hindi ko naman siya kaharap. Kinuha ko ang isang libro at napatitig dito. "'Di ba pinag-usapan na natin 'yan, Jin?"
"Charm, pag isipan mo kasi! Mabilis na rin naman ang panahon! It will be just few months from now, at palipad na tayo ng Taiwan!"
"Then can't you just wait for that time to come?! Kung sinasabi mo na mabilis na rin pala ang panahon." Muli akong napabuntong hininga. Binuklat buklat ko ang libro at nahulog ang isang bookmark.
Narinig ko rin ang pagbuntong hininga nya sa kabilang linya. "Okay okay! Kailan kaya ako mananalo sa'yo, sweetheart?" Natatawa niyang sabi.
"Mag doctorate ka at baka sakali!" Kantyaw ko. Napatitig ako sa bookmark. "Sige na Jin! Itutuloy ko na ang paglilinis ko rito! Ingat ka at enjoy, okay?"
"Alright. I'll call you later, sweety! I love you!"
"Love you too." Iyon lang at pinutol ko na ang linya.
Napatitig ako sa bookmark. It was a personalized bookmark. With a picture of me and Alexa's. It was really not Alexa's thing. But somehow, noong binigay nya sa akin 'to na nasa loob ng book na sinulat ng favorite author ko with matching message and sign, para akong nasa alapaap sa sobrang kilig.
I remembered that time, nadismaya ako noong sinabi nya na hindi nya ako masasamahan noong mga oras na 'yon. I was planning not to talk to her, pero bago pa man siya nakapunta sa boarding house ko, tinawagan na ako ni Myra at paulit ulit na humingi ng sorry.
"Myra, please lang huwag mo ng pagtakpan si Alexa! Kaya masyadong umaabuso kasi lagi kang nandyan para back up pan siya!" Naiinis kong sabi.
"Charm, please maniwala ka! This time paniwalaan mo ako! As in pinilit ko lang talaga si Alex! Wala kasi akong ibang makakasama, alam mo naman 'yon! Sabi ko pa nga sa kanya isama ka rin, kaso sabi nya may ibang plano ka nga raw!" Mariin ang pagkakasabi ni Myra sa kabilang linya.
"Hay naku, My! Alam kong nagi guilty lang si Alexa kaya inutusan ka nyang tumawag sa akin! Hindi mo na kailangang gawin iyon!" Bagamat naririnig ko ang sincerity sa tinig ni Myra, hirap pa rin akong paniwalaan siya. Knowing Alexa, ang dami niyang alam na kalokohan at kung minsan ginagamit niya pa si Myra para hindi ako magalit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Bente Kwatro
RomanceAlexa and Charm has been in a relationship for almost ten years. Kaya siguro masyadong nakampante si Alexa na sila na hanggang huli kaya naman maraming pagkakataon na tinook for granted nya ang existence ni Charm. Alexa's so full of herself na hind...