CHAPTER 2

3K 66 2
                                        

Reality's Desire

Written by: Sexy Lady

Mula ng araw na iyon naging matalik ng magkaibigan ang tatlo. Wala silang itinago sa isa't isa, mapa lihim man to o problema nag sabihan ang mga ito. Kahit sa baon ay hati-hati sila, kung anung meron ang isa, meron din ang dalawa. Sama-sama sila kung maglaro, minsan kampi-kampihan pa. At simula ng araw na iyon ang pag hanga niya kay Paul ay lumalim ng lumalim pa. Bawat araw na nag daan unti-unti niya itong nakikilala. Mabait, pala kaibigan, matalino at higit sa lahat simple lang pero marunong magdala ng damit.

"Bhest, baka matunaw na si Paul niyan sa kakatitig mo ha." biro ni Nice sa kanya.

"Oo nga naman Bhest." segunda pa ni Mary Rose.

"Kayong dalawa talaga panira kayo ng moment eh." tumatawang sagot nya sa mga kaibigan.

"Paano kasi makatitig ka grabe eh, kung yelo lang yung tao malamang kanina pa natunaw yan." naka tawang sagot ni Nice.

Di na siya sumagot pa dahil lalong hahaba lang ang usapan pag ganyan. Nasa huling taon na din sila ng kanilang Elementarya kaya focus din ito sa pag aaral at si Paul ang inspirasyon niya.

Naka pagtapos naman ito ng my nakuha na karangalan. My farewell party sila kinahapunan kaya dumalo ito dahil iyon ang huling araw na magkakasama silang mag kaklase. Mula kasi Kinder hanggang maka graduate sila iisang section lang ang mga ito.

"Mga Bhest kahit nasa High School na tayo friends parin ha, walang iwanan, walang kalimutan, friends forever." sabi ni Nice.

"Promise walang kalimutan, friends forever." sagot nilang dalawa ni Mary Rose.

At pinag patong-patung nila ang kanilang mga kamay at nag yakapan.

(High School na sila at marami pang kaabang-abang na magyayari sa buhay ng ating mga bida.)

REALITY'S DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon