CHAPTER 7

1.9K 46 0
                                    

REALITY'S DESIRE

Written by: Sexy lady

Nadulas ang babae sa pagbaba at nawalan ito ng balanse sa katawan.

'Naku malalaglag na naman ako.' sigaw ng kanyang utak.

Pumikit nalang ang dalaga. Naging maagap naman sa pagsalo ang binata sa babae. Pero kaunti nalang ang pagitan at maglalapat na sana ang mga labi nila.

"Oooiii......." churos ng mga nandoon ng kinikilig pa.

Itinayo ng binata ang babae at nag lakad na sila papuntang gitna.

"Ang ganda ni Ellyn no..... Ang layo sa dating siya." bulong ng isang dalaga na naroon.

"Oo nga parang hindi siya eh...." sagot rin ng isa na nandoon.

Parang lumapad naman ang taiga ng babae sa narinig, siya ang pinag-uusapan ng mga ito.

'Ganun na ba talaga ako ka ganda?' tanong niya sa sarili.

Napa igtad ang babae ng hinapit pa siya ng binata kaya mas lalo pag dumikit ang kanilang mga katawan.

'Sobrang lapit naman ng mukha niya sa mukha ko.' sa isip ng dalaga habang naka titig ito.

Natapos ang music at hinatid na ng lalaki ang dalaga sa inuupuan nito kanina.

"Ano bhest,,,, kamusta naman????" tanong ni Nice ng may kindat at ngiti.

"Iyon ang surprise na sinasabi ko sayo kanina." dugtong pa ng kaibigan.

"Ai! bhest wala pa yata sa sarili itong kaibigan natin. Nasa kawalan pa yata ang utak niya." sabad ni Mary Rose na may naka pang-aasar na ngiti.

"Bhest oky ka lang??" tanong ulit ni Nice.

"Oky lang yan bhest. Tingnan mo oh. Di pa yata nakaka get-over yan sa mga nangyari sa kanya." si Mary Rose ang sumagot na nang-aasar.

" Bukod kasi sa na isayaw siya ng kanyang prinsepe na hari na ngayon, siya pa ang napili na maging reyna nga mga puso. Oh! Diba bongga!!." dugtong pa ni Mary Rose.

"Oo nga bhest no! Malay mo pati sa puso ng prinsepe este hari niya ay siya rin ang reyna." pang-aasar ni Nice.

"Kayong dalawa talaga walang ginawa kundi ang asarin ako no!" asar na sagot ni Ellyn.

"Ay! Pikon siya ibig sabihin totoo." dagdag ni Nice na nakakapang-asar ang ngiti.

"Ai!! Ewan ko sa inyong dalawa." sagot ng dalaga na may kasamang irap.

"Oh siya tama na ang asaran mga bhest, enjoy nalang natin ang gabi na ito." putol ni Mary Rose sa gulo ng dalawa.

"Tamaa......" sabay na sagot ng dalawa.

Kaya sumali na rin sila sa mga nagsasayawan sa gitna. Shembot kasi ang music kaya humataw na rin sila.

'Ang galing naman pala niyang sumayaw.' sa isip ng binata na may panhanga.

Nag-uusap naman ang tatlo habang sumasayaw.

"Ang galing mo pala sumayaw bhest." papuri ni Mary Rose sa dalaga.

"Kaya nga eh! Dapat pala sa cheering squad ka sumali hindi sa track and field." dagdag ni Nice.

"Track and field ang gusto ko at di na magbabago iyon." matipid na sagot na babae.

"Ang swerte talaga ng magiging boyfriend mo bhest." wika ni Nice.

"Bakit naman bhest??" tanong ng dalaga.

"Package kana eh! Maganda na, matalino pa, ang bait pa, oh saan kapa.." sagot ni Nice

"Ewan sa inyo puro kayo kalokohan." sagot rin ng babae.

Natapos ang sayaw at naupo sila kasi sweet na naman ang music.

'Yayain ko nga siya sumayaw ulit, sana di niya ako tanggihan.' sa isip ng binata habang papunta sa kinaroroonan ng dalaga.

Nakita naman siya ng dalaga na papalapit sa kanila.

'Ano na naman kaya ang balak ng lalaki na ito at papunta siya rito." katanungan ng dalaga sa isipan.

Nang maka lapit na ang binata, inilahad nito ang kamay at yumukod.

"May i have this dance with you." wika ng binata.

Parang tinulos naman ang dalaga ng yayain ito ng lalaki sa pangalawang pagkakataon. Di ito maka paniwala.

'Nayayaya niya ako ulit na sumayaw?' tanong sa isipan niti.

'Oo tanggapin mo na at mag-enjoy ka, kasi ito ang gabi mo, bukas wala na yan.' sagot ng kayang isipan.

Tinanggap niya ang alok ng binata at nagsayaw sila. Mas humigit ang hawak ng lalaki at di niya alam kung ano ang gagawin.

"Ellyn...." bulong ng binata sa kanya.

Tumingala siya at sasagot sana pero sinakop na ng binata ang kanyang mga labi. Gusto sana niya na man laban pero nakakapanghina ang mga halik nito at unti-unti siyang nawala sa katinuan.

Naradaman nalang niya na tumutugon na siya sa bawat halik nito. Nag ipon siya ng lakas saka kumawala sa binata.

"So..... sorry Ellyn nadala lang ako sa nararamdaman ko." wika ng binata na nakiki-usap ang mga mata.

Naka tayo lang siya habang naka tingin sa lalaki at nakita niya sa mga mata ng binata na nangungusap ito. Dala ng hiya ay tumalikod siya at tumakbo palabas........

REALITY'S DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon