CHAPTER 6

2K 45 0
                                    

REALITY'S DESIRE

Written by: Sexy Lady

Natulala ang dalaga di agad ito naka salita. Di niya alam kung anu ba ang gagawin ng oras na iyon.

'Totoo ba ito o nananaginip lang ako. Si Paul niyayaya akong sumayaw??' takbo nga kanyang isipan.

'Tanggapin mo na, ito na yung pagkakataon mo.' sigaw sa kabilang banda.

'Wag naman baka himatayin ako sa sobrang kaba.' sigaw ng kabila.

'Huwag ka ng mag inarte jan ito na ang pag kakataon mo.' sigaw ulit ng isa.

Pero parang my sariling buhay ang mga kamay ng dalaga at kusa itong tinanggap ang naka lahad na palad ng binata.

'Ano ba ito bakit sumama ako.' kabadong isip ng babae.

Parang drum na naman sa parada ang tambol ng puso nito......

'Leching puso talaga 'to kung maka tibok kala mo aatakihin eh.' saway ng isipan ng dalaga sa puso nito.

'Naku baka mahalata ako nito.' dagdag pa niya.

Napansin naman ng binata na kinakabahan ang dalaga dahil parang yelo ang kamay nito.

"Kinakabahan ka ba??" bulong niya sa babae.

"Aahh,,, eehh,,, hindi naman.." matipid na sagot ng dalaga.

"Ang lamig kasi nga kamay mo eh kaya akala ko kinakabahan ka." dugtong ng lalaki.

"Sa panahon lang siguro kasi medyo gumagabi na rin." palusot ng dalaga pero ang totoo parang tambol na ang dibdib nito.

Nasa gitna na silang dalawa. Humawak ang kamay ng binata sa bewang ng babae at pinatong naman ni Ellyn ang mga kamay niya sa balikat ng lalaki.

'Ang liit pala ng bewang ng babae na ito.' sa loob-loob ni Paul.

'Ang haba din ng mga pilik-mata niya, tama lang ang hubog ng ilong, masa-masa at mapula ang labi niya, parang nag-aanyayang halikan.' sa isip ng binata habang naka tingin doon.

'Ang bango naman niya para siyang baby na kaka panganak lang.' sa loob-loob din ni Ellyn.

'Ang tangos ng ilong, bilogan ang mga mata at ang labi ang pula, halatang walang bisyo.' dagdag pa nito.

'Sana di na matapos ang gabi na ito. Sana nananaginip nalang ako dahil kung ganito kaganda ang panaginip ko ayaw ko ng gumising pa.' sa isip ng dalaga ng mga oras na iyon.

Hinila ng binata ang dalaga para mas dumikit pa ito sa kanya.

"Ang ganda mo ngayon Ellyn." bulong ng binata sa dalaga.

Naka ramdam naman ng hiya ang babae kaya yumuko nalang ito, ayaw niya kasing makita ni Paul na namumula ito sa sinabi ng lalaki. Naging maagap naman ang binata at itinaas niya ang mukha ng dalaga tsaka tiningnan sa mga mata nito.

"Totoo ang mga sinasabi ko sayo Ellyn ang ganda mo ngayon. Halos di nga kita makilala sa suot mo." wika ni Paul sa dalaga.

"Ikaw naman ang gwapo mo din sa suot mo na tuxedo, bagay sayo." papuri di ng dalaga.

Ngumiti nalang ang binata bilang tugon tsaka mas humigpit pa ang pagkayakap niya sa dalaga.

'Lord, kung nananaginip po ako wag mo na po sana akong gisingin pa.' sa isip ng dalaga.

Sumandal nalang ang dalaga sa dibdib ng binata at pumikit.

'Ang lapad pala ng mga dibdib nito, ang sarap siguro mag kulong dito araw-araw.' sa loob-loob ng dalaga.

'At napaka kalmado naman ng tibok ng kanyang puso, parang agos ng tubig sa talon.' dagdag pa niya.

Maya-maya nag salita ang Emcee nila...

"Ladies and Gentlemans pasensya na sa istorbo ng mga moments ninyo, gusto ko lang po sabihin na naka pili na po ang mga judge natin ng PROM KING AND QUEEN. Ang mga tatawagin ko ay mga kandidates para sa KING, kaya umakyat na dito." sabi ng Emcee.

Isa-isang tinawag ang mga kalahok at napasali si Paul. Kaya umakyat na rin ito ng stage.

"Our JS PROM KING is.....................

Mr.Paul Escobar.." announce ng Emcee.

Sinabitan na si Paul na sash at binigyan ng isang bouquet ng bulaklak. Tapos ppina upo na ito na upuan..

"Ngayon ang tatawagin ko na naman ay para sa JS PROM QUEEN candidates. Akyat kayo mga ladies nag-aantay ang hari." sabi na Emcee ng may biro.

Tinawag na ang mga kasali at umakyat na ito.....

"Ms. Ellyn Mendoza....." tawag ng Emcee.

Si Ellyn ay parang nasa ere pa ng mga oras na iyon dahil di a naka get-over sa mga nangyari....

"Oi! Bhest tinatawag ka ng Emcee." pukaw ni Nice sa kanya.

"Ha........ ako ba??" gulat na sagot ng dalaga.

"Oo ikaw nga, alangan naman ako, ako ba si Ellyn Mendoza??? pilosopong wika ni Mary Rose na naka ngiti.

"Ano pa inaantay mo jan, akyat kana nag-aantay ang hari." utos ni Nice na my nakakaasar na ngiti.

Parang wala sa sarili ang dalaga ng umakyat kasi di siya maka paniwala sa mga nangyayari, ngayon kasama pa siya sa candidate ng PROM QUEEN.

"And our PROM QUEEN OF THE NIGHT is.......... Miss Ellyn Mendoza...." sabi ng Emcee.

Nilagyan na siya na sash at lumapit na rin ang PROM KING at binigay sa kanya ang bulaklak..

'Lord sana po wag mo na pong pasikatin ang araw para di na matapos ang gabi na ito...' dasal ng babae.

"Now that we already choose our PROM KING AND QUEEN, let's give them a hand of applause." turan ng Emcee.

"Kiss........." sigaw ng mga nandoon pagkatapos pumalakpak.

"Oh! kiss daw sabi ng lahat." salita ng Emcee haBang naka tingin sa kanila.

Pinagbigyan naman ni Ellyn kaya hinalikan siya ni Paul sa pisngi. Nang lumapat ang labi ng binata parang nakuryente ang dalaga ng libo-libong boltahe....

"Maestro music please........" utos ng Emcee.

Inilahad ng binata ang kamay at tinanggap naman ito ng babae, kaya bumaba na sila ng hagdan para sumayaw sa baba ng.............

REALITY'S DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon