CHAPTER 11

1.9K 47 0
                                    

REALITY'S DESIRE

Written by: Sexy Lady

"Ma'am may bisita po kayo." tawag ng kanyang secretarya sa intercom.

"Sino daw?" tugon ni Ellyn.

"Sina Ms. Saban at Ms. Tulurado po." sagot ng secretarya niya.

"Sige papasukin mo." wika niya.

Nakarinig ang dalaga ng katok sa pintoan. Nasa opisina siya ng araw na iyon.

"Pasok bukas yan." ani nito.

Bumukas ang pinto at niluwa nito ang dalawang kaibigan niya na abot tainga ang mga ngiti.

"Bhest kamusta kana" wika ni Nice sa kanya.

"Aba paupo-upo nalang ang bruha na ito." sagot naman ni Mary Rose.

Nagbeso-beso silang tatlo tsaka pinaupo niya ang dalawa.

"Maupo muna kayong dalawa pwede!" pang aasar niya.

"Anung gusto ninyong inumin mga bhest?" dagdag na tanung ng dalaga.

"Ako black coffee lang. Ikaw bhest?" sagot ni Nice at tumingin kay Mary Rose.

"Black coffee rin bhest." sagot nito.

"Oky mga bhest." sagot ng dalaga.

Tumawag ito sa intercom......

"Joy, 3 cups of black coffee please." tawag niya sa intercom.

"Coming ma'am." sagot ng secretary niya.

"Ang layo ng narating mo bhest ah." di maka paniwalang wika ni Nice.

"Oo bhest after 6years akalain mo ganito na ang nangyari." sabad ni Mary Rose.

"Tiyaga at sipag lang yan mga bhest." tipid na sagot ng dalaga.

After 6 years kasi ngayon lang ulit sila nagsama-sama. Si Nice kakauwi lang nito galing Amerika doon kasi siya kumuha ng masteral niya sa Medicine. Si Mary Rose naman kakauwi lang din mula Paris dahil doon din ito nag paka dalubhasa sa pag dedesinyo.

"Sabagay bhest tama ka nga." sagot naman ni Nice.

"Kamusta na pala pamilya mo bhest?" tanung ni Mary Rose sa kanya.

"Oky naman nila bhest, si Grace gagraduate na rin ng college, HRM din ang kinuha at si Philip kasalukuyang nag-aaral pa sa college, engineering naman ang course. Si nanay at tatay hayun sa bahay minsan sa bukid alam mo na." mahabang sagot ng dalaga sa mga kaibigan.

"Mabuti naman kung ganun." wika ni Nice.

"Ma'am here is your coffee." sabi ni Joy na may dala-dalang tray.

Nilapag niya ito isa-isa sa harap ng tatlo tsaka umalis.

"Enjoy your coffee ma'am." sabi ni Joy bago umalis.

"Thank you!" sabay na sagot ng tatlo.

Sumipsip muna sila bago nag kwentohan.

"Kamusta lovelife mo bhest?" tanong sa kanya ni Mary Rose.

"Ok lang masaya na ako as a single bhest." maikling sagot ni Ellyn.

"Siya parin ba hanggang ngayon bhest?" sabad na tanong ni Nice.

Hindi na siya kumibo pa dahil alam naman ng mga ito ang totoo. Nagkwentohan pa sila ng kung ano-ano at kinahaponan ay nag paalam na ang dalawa sa kanya.

"Aalis na kami bhest next time ulit ha." paalam ni Nice.

"Bibisita nalang kami ulit dito bhest sagot ni Mary Rose.

"Sige mga bhest ingat kayo ha." paalam din niya.

Nagbeso-beso muna sila at umalis na ang dalawa. Mag-isa na naman siya sa loob ng opisina nito at naka sandal sa upuan.

'Tama nga sila ang layo na rin ng narating ko ngayon pero bakit parang may kulang pa?' tanong niya sa sarili.

Sa kasalukuyan si Ellyn na ang manager ng Manila Shangri-la Hotel. Nagbunga ang lahat ng mga pagsisikap at sakripisyo na ginawa niya.

Flashback...

Nakarating siya sa Maynila. Sinundo siya sa Pier ng kanyang pinsan dahil doon muna ito manunuloyan.

"Insan pag pasensyahan mo nalang at maliit lang itong bahay na inuupahan ko ha." pag paumanhin ng pinsan nito na si Ann.

"Oky lang insan cowboy naman tayo eh." sagot ng dalaga.

"Kung nagugutom ka insan my kanin pa jan sa mesa, ikaw na ang bahala dito ha at papasok na ako ng trabaho." turan ng pinsan niya na noon ang nagbibihis na. Pang gabi kasi ito sa trabaho niya sa call center.

"Sige insan ako ang bahala dito." sagot nga dalaga.

"Bukas pala pumunta ka ng office insan at hiring kami ngayon." sabi ng pinsan niya sa kanya.

"Sige insan salamat ha." tugon ni Ellyn.

Kinabukasan nag apply ang dalaga at natanggap naman siya agad sa trabaho. Halos isang taon din siya doon at ang bawat sahod ng babae ay inipon niya para maka pag-aral sa pasukan.

'Sa wakas naka enroll na rin ako. Makakapag-aral na ako ulit.' masayang pag-iisip ng dalaga.

Nag aaral ito sa umaga at nag tatrabaho sa gabi. Kahit mahirap ay kinaya niya ito, school, work at bahay. Ito ang nakasanayan niya sa loob ng apat na taon at sa wakas naka graduate na siya at cum laude pa. Pag ka graduate nag apply na siya agad. Swerte at natanggap naman ito.

End of flash back.....

'Ngayon heto na ako, halos matagal na rin palang hindi ako nakaka uwi na amin ah.' isip-isip ng dalaga.

"Ma'am hindi pa po ba kayo uuwi?" tanong ng secretarya niya.

"Mag aayos lang ako dito then uuwi na rin." naka ngiting sagot ng babae.

"Oky po ma'am." ani ni Joy at umalis

Past 9pm na ng makarating siya sa condo unit niya sa Munomento. At may nakita siya na bulaklak sa pintoan niya..........

REALITY'S DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon