CHAPTER 13

1.7K 47 0
                                    

REALITY'S DESIRE

Written by: Sexy Lady

"Pare bitawan mo daw siya." wika ng binata.

"Wag kang mangi alam dito ha." sagot ng lalaki na pasigaw sabay duro sa binata.

"Wag mong pilitin ang babae kung ayaw sumAma sayo pare, ginagalAng at minamahal ang mga yan." sabi ng binata sabay tingin sa dalaga.

"Sino ka ba ha! At nakikialam ka dito?" sigaw na tanung ng lalaki sa kanya.

Di na naka pag pigil si Paul kaya't sinuntok na niya ang lalaki. Gumanti din ang lalaki sa ginawa ni Paul kaya nagpangbuno ang dalawa. Di naman alam ni Ellyn ang gagawin, mabuti nalang at may mga guard na dumating at naawat ang dalawa.

"Bakit kayo nagsuntokan na dalawa?" tanung ng pulis sa dalawang binata.

"Yang lalaki kasi na yan sinuntok ako kaya gumati nalang ako." sagot ng lalaki.

"Siya kasi sir, hinihila niya ang babae kahit ayaw sumama kaya pinigilan ko, nung una kinausap ko pero ayaw niya makinig at patuloy parin niyang hinihila ang babae kahit nagpupumiglas ito kaya iyon po sinuntok ko." mahabang paliwanag ni Paul.

Samantalang sa labas ng presinto.....

"Bhest anu ba ang nangyari at bakit nag-away ang dalawa na iyon?" tanung ni Nice.

"Oo nga, haba ng hair mo dalawang lalaki nag away ng dahil sayo." pilosopong dugtong ni Mary Rose.

"Mga loko talaga kayo ganyan na nga nangyari nagagawa pa ninyong magbiro." sagot ni Ellyn.

Kinwento ng dalaga ang mga nangyari mula simula hanggang huli. Walang labis at walang kulang. Parang hindi na niwala ang mga kaibigan niya.

Lumabas na ang dalawang lalaki at tinawag na ang dalaga para kunan din ng pahayag. Tumayo na ito at nakita niya kung paano nanlaki at mga mata ng kaibigan niya sa pagkakita ng isang lalaki na lumabas..

"Miss, pwede bang malaman kung ano ang nangyari at bakit nagkagulo doon?" tanung ng pulis sa dalaga.

"Ganito po kasi iyon mamang pulis......" sinimulan ng dalaga ang salaysay.

Pagkatapos ay pinalabas na siya ng pulis...

"Bhest pwede na ba tayong umuwi?" tanong ni Nice.

"Oo bhest pwede na daw." sagot ng dalaga.

"Oh my, what happend on you baby?" humahangos na tanung ni Frank sa kaya.

"Did they hurt you? Come on I'll bring you to the hospital." nag aalalang reaction nito.

"No, no, don't worry Frank i'm oky." sagot ng dalaga.

"I just need to go home." maiksing dagdag niya.

"Oky baby i will go with you." sagot ni Frank.

"No, just go home Frank and take rest because you have a work tomorrow." utos ng dalaga.

"But baby...." di natuloy na sasabihin ni Frank.

"Don't worry as i said i'm oky." sabi ng dalaga.

"Oky baby i will go, girls please take care of Ellyn oky." bilin ni Frank sa dalawa.

Yumakap muna si Frank kay Ellyn at hinalikan ito sa noo..

Ganung eksena ang naabutan ni Paul. Kaya umatras nalang ito patalikod tsaka pumunta sa kinaroroonan ng kanyang kotse.

'Bakit ba kung kailan nakita kita muli Ellyn ay may nag mamay-ari na ng puso mo.' sa isip ng binata.

'Sana hindi ako natakot na harapin ka noon, nung nasa ospital ka at sana sinabi ko sayo kung anu ang nararamdaman ko.' pag sisisi niya.

Umuwi na ang tatlo at doon na sila natulog sa unit ni Ellyn dahil kinabukasan wala naman silang mga pasok..

Lumipas ang mga buwan, minsan ay magkAsama ang tatlo na lumabas sa pamamasyal at kung anu-anu pa.

"Bhest malapit na ang fiesta sa atin bakit kaya hindu tayo umuwi doon." wika ni Mary Rose.

"Oo nga at matagal-tagal na rin tayong hindi umuuwi doon." sagot naman ni Nice.

"Sige at aayosin ko muna ang scheduele ko mga bhest." sagot ng dalaga.

Dalawang linggo bago mag fiesta nag pasya ang tatlo na umuwi. Nasa terminal na sila ng NAIA at inaantay ang kanilang flight.

"Mga bhest CR muna ako ha." paalam niya sa mga kaibigan.

"Bilisan mo ha." sagot ni Nice.

"Pag mahuli ka di kana makakauwi." biro ni Mary Rose.

Di na niya pinansin ang dalawa. Pumunta na siya ng banyo at sa pag labas niya nabungo siya ng isang lalaki kaya muntik ng mabuwal ang dalaga pero nasalo din siya nito.

Ang isang kamay ng lalaki ay nasa bewang niya at ang isa naman at nasa dibdib niya. Halos naka liyad na rin an dalaga at ang kamay niya nakahawak sa extranghero na bumungo sa kanya.

'Oh my gosh ang kamay niya nasa dibdib ko.' sa isip na dalaga.

Dali-dali siyang tumayo at inayos ang sarili.

"Miss oky kalang?" tanong ng lalaki.

Ngunit pamilyar sa kanya ang boses na iyon.

"Sorry ha, nag mamadali kasi ako dahil baka mahuli ako sa flight ko." dispensa at paliwanag ng lalaki.

'Ay oo nga ang flight ko.' sa isip ni Ellyn.

Tinalikuran niya ang lalaki at mabilis na humakbang pabalik sa mga kaibigan.

"Ang tagal mo naman mag boboarding na tayo." reklamo ni Nice.

"Tama na yan tara na at ng maka uwi na tayo." putol ni Mary Rose.

Sumakay na silang tatlo at nung nasa aere na sobrang galak ang naramdaman ng dalaga. Sa tagal ng panahon sa wakas makaka uwi na ulit siya..

REALITY'S DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon