REALITY'S DESIRE
Written by: Sexy Lady
"Anu dito ka matutulog!" gulat na wika ni Ellyn.
"Oo pwede ba?" sagot ng binata.
"Ahh..... eehhh...." pag dadalawang isip ng dalaga.
"Wag ka mag alala babe behave lang ako pero kung ayaw mo wag nalang, uuwi nalang ako." sagot ng binata na may tampong halo.
"Ito talaga tampo naman agad." wika ng dalaga sabay yakap sa binata.
"Sige pwede ka matulog dito pero behave ka lang ha." malambing na sagot ng babae.
"Talaga babe?" paniniguro ng binata.
"Ayaw mo? Sige ka baka magbago pa isip ko mamaya." sagot ng dalaga.
"Ay walang bawian babe." ani ng binata.
"Biro lang. Dito ka muna ha at magluluto ako." sagot ng dalaga.
Pumunta ng kusina ang dalaga at nagluto ito. Naiwan sa sala ang binata kaya nanood nalang muna ito.
"Babe hali kana kain na tayo." tawag ng dalaga sa binata.
'Bakit kaya walang sumasagot?' sa isip ng dalaga.
Kaya pinuntahan niya ito sa sala at nakita ng babae na naka tulog ito.
"Babe,,,,, babe,,,,,,, kakain na tayo." gising ng dalaga sa binata.
"Uuhhhhmmm...... mamaya na." wika ng lalaki sabay hila sa dalaga.
Natumba naman ang dalaga kaya napadapa ito sa kandungan ng lalaki. Nagtapat rin ang mga mukha nila kaya siniil na naman siya ng halik si Paul.
"hmmmm,,,,,,,,Paul..." wika ni Ellyn.
"Ilove you babe." sagot ng binata.
"Ilove you too..." sagot na babae.
Lagi siyang nawawala sa sarili tuwing sinisiil siya ng halik ng binata. Kung siya lang siguro matagal na niyang naibigay ang iniingatan sa lalaki pero believe it or not napapahanga siya kasi grabe ang pag pipigil ng binata.
"Tara babe kain na tayo." yaya ni Paul sa kanya.
"Sige..." sagot niya at tumayo na.
Kumain na silang dalawa. Subuan, tawanan, kulitan. Ganyan ang makikita mo sa dalawa pag sila ang mag kasama sa hapag-kainan. Parehong puno ng pagmamahal ang mga mata ng isa't isa.
"Tama na babe, busog na ako." reklamo ni Ellyn.
"Walang ganyanan babe dapat sabay tayong matapos kasi sabay tayo kumain." sagot ni Paul.
"Busog na talaga ako babe....." wika naman ng dalaga.
"Sige basta jan ka lang wag ka umalis ha." turan naman ng binata.
"Sige hihintayin kita." sagot ni Ellyn.
Nang matapos kumain ay nag ligpit ang dalaga, tinulungan naman siya ng binata.
"Babe mababasa ako." wika naman ng dalaga ng sabuyan siya ng tubig ni Paul.
"Hahahaha....... mag palit ka nalang." naka tawang sagot ng lalaki.
Para silang mga bata na naglalaro, halos mabasa na ang buong kusina sa ginawa nila.
"Ikaw ang kulit mo talaga." wika ng dalaga na naka yakap sa binata.
Pareho silang basa na dalawa.
"Hindi naman babe, paglalambing ko lang yan sayo." sagot ng binata.
"Tingnan mo pareho na tayong basa na dalawa oh." reklamo ni Ellyn.
"Wala kapa namang damit dito." dagdag pa niya.
"Oky lang yan babe, hindi nalang ako mag dadamit." wika ng binata sabay hubad ng damit na suot.
Parang napako naman ang dalaga sa kinatatayuan niya. Napalunok siya sa ginawa ng binata. Ikaw ba naman makakita ng totoong adonis sa harap mo.
Six packs abs, malalapad na dibdib, malalaki at bilogang braso, almost perfect body ika nga. Parang nakita mo lang si hercules......
'May gosh ang sarap siguro hawakan ang mga yan." sa isip ng dalaga habang titig na titig sa katawan ng lalaki.
Napansin naman ito ng binata at napangiti naman siya sa reaction ng dalaga.
"Babe teka lang,,,,,,,,," natarantang wika ng dalaga ng makita na pati pantalon nito ay tinatanggal na rin niya.
Kaya tumalikod nalang ang dalaga para wala itong makita.
"Bakit babe....."sagot lalaki ng matapos mag hubad at tanging boxer nalang ang naiwan.
Natawa nalang siya ng makita ang dalaga na naka talikod. Lumapit ito tsaka niyakap ang babae.
"Ilove you so much babe." wika ng binata.
Pinaharap niya ang dalaga at hinalikan ito. Kumawit naman ang braso ng babae sa batok ng binata at tumugon din ito sa halik nito.
'Bakit ba laging nawawala ako sa sarili ko tuwing hinahalikan ako ni Paul. At ang hatid na init niya parang dinadala ako sa alapaap.' sa isip ng babae.
Matagal ang halikan na ginawa nila, halos kinakapos na sila ng hininga ng mag hiwalay ang mga labi nila.
'Ellyn sana di na matapos ito, mula noon hanggang ngayon ikaw parin ang reality's desire ko at ikaw lang ang nakakagawa noon.' sa isip ng binata.
"Tara babe matulog na tayo." basag sa katahimikan ni Paul.
"Si.....sige tara na babe." sagot rin ng dalaga.
Pumasok na sila ni Paul sa kwarto at nahiga....
BINABASA MO ANG
REALITY'S DESIRE
Storie d'amoreBata palang sila may gusto na si,Ellyn kay Paul. Mula noong unang araw nila sa Kinder,nag simula ang lahat. Tinago niya ito ng napakahabang panahon,hanggang sa paglayuin sila ng tadhana.At ganun na lamang galak ng dalaga ng isang araw nag kita silan...