REALITY'S DESIRE
Written by: Sexy Lady
First day of school, High School na si Ellyn, unang beses na naka apak siya sa paaralan na iyon.
"Cuz, sabay ako sayo." sigaw niya sa pinsan na si Ann.
Nakita kasi niya ito na paalis na para pumasok.
"Sige bilisan mo." sagot sa kanya.
"Anjan na." tugon ng dalaga.
Sumama siya sa pinsan na si Ann, para di siya maligaw kase unang beses na maka punta doon. Pag dating ng dalaga doon.
"Ang laki naman ng school na ito baka maligaw ako dito." sa isipan ng babae habang nakasunod sa pinsan.
Nagpatulong siya na maghanap ng section at nakita niya ito, nasa star section siya.
"Congrads cuz nasa star section ka, ikaw ang unang naka rating sa ganyang estado sa ating mag pipinsan." bati ni Ann sa kanya na naka ngiti at my halong inggit.
"Salamat cuz." sagot nito..
"Sige cuz aalis na ako." paalam ni Ann sa kanya.
"Sige cuz, salamat sa paghatid ha." tugon niya.
Umalis na ang pinsan niya at nag antay siya na dumating ang teacher nila. Ilang minuto ang dumaan ng biglang,
"Hoy! anu ang ginagawa mo jan?" pang gugulat na tanung ni Nice sa kanya.
"Ay! kabayong maganda!" bulas niya nang patayo. " Anu kaba bakit ka nanggugulat Bhest?" gulat na sagot nito.
"Mag-isa ka lang kasi jan eh!" tawang-tawa na sagot ni Nice.
"So, porke't mag-isa ako dito gugulatin mo nalang ako ganun." sagot niya na nakataas ang kilay.
"Oo naman." pang-aasar ni Nice sa kanya.
"Anung kaguluhan yan??" boses na nasa likod nila, kaya sabay silang napalinggon. Si Mary Rose ang dumating.
"Bhest..." sabay na sabi nila.
"Oo ako nga, ano ba ang pinag kakaguluhan ninyong dalawa jan?" tanong sa kanila ng kaibigan.
"Wala bhest itong si Nice kasi nang gugulat eh." si Ellyn ang sumagot.
"Paano kasi tulala na naman siya, siguro si Paul na naman ang iniisip nito." pang aasar ng kaibigan sa babae.
Naupo na rin si Mary Rose sa tabi nilang dalawa at nag yakapan silang tatlo.
"Oi! Bhest congrads nasa star section ka." bati ni Mary Rose sa kanya.
"Salamat Bhest." tipid na sagot niya dito.
"Oo nga, congrads ha, sana tayo din nasa star section." sabad ni Nice.
"Di sana nag aral din kayo ng mabuti, di iyong puro lakwatsa." naka tawang sago nito sa dalawa niyang bestfriends.
"Di bale nextyear mag kaklase na tayo." sago ni Mary Rose.
"Oo nga promise mag-aaral din ako ng mabuti." sabad ni Nice.
Nagyakapan sila ulit at nag paalam sa isa't isa, dumating na din yung teacher ni Ellyn at pumasok na siya. Naghanap ng mauupuan at nilapagang bag na dala.
"Hay maka upo na nga at ng maantay ang pag tunog ng bell." sa isip ng dalaga.
Mauupo na sana siya ng tumunog ang bell, hudyat na mag sisimula na ang flag ceremony.
"Asar naman oh! Kung kailan uupo na eh, di pa nga lumapat puwet ko tumunog na." pag mamaktol ng babae. " Maka alis na nga lang." dagdag pa niya. Naka line na siya ng.........
"Parang may dumotdot sa akin ah." sa isip ng dalaga ng maramdaman iyon.
Nung una di muna niya ito pinansin.
"Ano ba." asar na napalingon ng babae.
Pag lingon niya parang tumigil sa pag ikot ang mundo niya kay gwapo ng kanyang kaharap, at naka ngiti pa ito.
"Congrads ha! Kasama ka pala sa star section." wika nito sa kanya.
Kay lapad ng ngiti nito.
"Sa...salamat ha!" sagot niya na kinakabahan pero may mga ngiti parin.
Parang tambol ang kanyang puso. Ang bilis-bilis ng tibok nito. Di niya mapigilan ito sa tuwing nakikita niya ang binata.
"Bakit ka pala nandito?" tanung ng babae sa binata.
Umatras siya ng kaunti natatakot ito at baka marinig ng binata ang kabog ng kanyang dibdib.
"Gusto lang kita na batiin, nabati ko na kasi silang lahat ikaw nalang ang hindi." sagot ng binata.
"Ah! ganun ba, salamat ulit ha." turan ng dalaga.
"Walang ano man." huling sagot ng binata sa kanya.
" Totoo ba yun na binati niya ako." sa isip na dalaga habang kinikilig.
Patapos na ang flag ceremony ng mag salita ulit ang binata.
"Aalis na ako ha, congrads ulit, sana pagbutihin mo pa ang pag-aaral mo." paalam nito at tumalikod na paalis.
Para naman siyang pinako sa kanyang kinatatayuan. Di siya maka paniwala na nang yari yun. Unang beses na kina usap siya ng binata at binati pa siya nito.
"Oh my goodness, totoo nga di ako nananaginip." wika ng kanyang isipan.
Di niya alam nakita pala sila ng dalawa niyang bestfriend. At kinilig din ang mga to, kaya ng umalis na ang binata nilapitan nila ito.
"Ang sweet naman niya, binati kapa." sabi ni Nice habang papalapit kasama si Mary Rose.
"Oo nga, kinikilig ako." sabad ni Mary Rose.
Di na siya nag salita dahil alam niya na pag sumagot siya aasarin lang siya ng mga ito.
"Alam mo kung ako sayo mag tapat kana para malaman niya kung ano ang nararamdaman mo." banggit ni Nice.
"Oo nga naman ng makaalaman na." segunda ni Mary Rose.
"Bakit lalaki ba ako para ako ang manligaw." pilosopong sagot ng dalaga sa mag kaibigan.
"Sabagay mga dalagang pilipina tayo." pamimilosopo din ni Nice.
"Sige aalis na kami ni Nice bhest." sabi ni Mary Rose.
Bumalik na sila sa mga silid aralan nila. Wala pa silang gaanung ginawa nung araw na iyon dahil nag aantay pa sila ng mga late na enrolles, kung kaya't maaga siyang naka uwi.
"Buti at walang mga assignment at projects ngayon." sa isip ng babae
Pag dating ng bahay ay nagbihis ito, nag ayos ng bahay at nag luto. Inantay nila ang kanilang mga magulang para sabay silang mag hapunan.
"Parating na sina nanay at tatay ate." sigaw ni Phillip ang bunso nila.
"Grace tulungan mo nga akong maghanda ng mesa dito." tawag ng dalaga sa kapatid.
"Opo ate anjan na." magalang na sagit ni Grace.
Kumain sila pakatapos ay nag ligpit na.
"Ate ako na ang mag hugas ng mga plato." presinta ni Philip.
"Sige at mag aayos nalang ako ng higaan natin." sagot ni Ellyn sa kapatid.
Pagkatapos nun ay humiga na siya para matulog. Pero bago siya natulog sinariwa niya muna ang mga nangyari bago maka pag High School.
BINABASA MO ANG
REALITY'S DESIRE
RomanceBata palang sila may gusto na si,Ellyn kay Paul. Mula noong unang araw nila sa Kinder,nag simula ang lahat. Tinago niya ito ng napakahabang panahon,hanggang sa paglayuin sila ng tadhana.At ganun na lamang galak ng dalaga ng isang araw nag kita silan...