REALITY'S DESIRE
Written by: Sexy Lady
Galing iyon kay Frank, isa sa mga masugid na manliligaw niya. Gwapo naman ito, simple, matalino at higit sa lahat mayaman pero ewan ba niya at wala siyang ka amor-amor sa binata.
'How are you my lady? I hope you will like this flowers.....
Frank
Yan ang naka lagay na note..
'Yung mokong talaga na ito hindi parin tumitigil sa panliligaw.' isip ng dalaga.
Halos mag-iisang taon na rin itong nanliligaw sa kanya. Tulad ng dati pagdating niya ay maliligo, magbibihis at matutulog nalang ito pagka gising ay mag-aayos at papasok na naman.
"Hello bhest." tawag iyon ni Nice sa kabilang linya.
"Oh bakit napatawag ka bhest.?" tanung niya sa kaibigan.
"Pasyal raw tayo mamayang gabi sabi ni Mary Rose, sagot daw niya." balita ng kanyang kaibigan.
"Hmmm... ewan lang bhest di ko alam if makakasama ako o hindi eh." nag aalangang sagot niya.
"Sige na bhest wag kang KJ minsan lang naman eh, pagbigyan mo na." pakiusap ng kanyang kaibigan.
"Oh siya-siya oo na kayo talaga." sagot ng dalaga para di mag tampo ang mga kaibigan.
"Talaga bhest, sige ha sunduin ka namin mamaya sa condo mo." masiglang sagot ni Nice.
"Oo na antayin ko kayo ha...." ani ng dalaga.
Binaba na niya ang phone at tsaka tinapos ng maaga ang trabaho. Pagka uwi niya ay nag handa na ito.
'Ano kaya ang isusuot ko?' tanung niya sa sarili habang nakaharap sa closet.
Nahagip ng paningin niya ang isang mini dress, nabili niya iyon sa Greenbelt noon namasyal silang magkakaibigan isang buwan na ang nakaraan. Nagustuhan niya kaya binili niya ito.
'Ito nalang.' masayang wika niya tsaka sinuot ang damit.
Tamang-tama lang ang damit sa kanya at lalong lumutang ang kaputian niya, pula ang kulay ng damit nito, lagpas ito sa tuhod kaya kitang-kita ang mga legs ng dalaga, nag suot din siya ng heels at naglagay nga kaunting make up. Sopisticada na talaga ang dating niya. Maya-maya ay may kumatok sa pinto.
"Nanjan na." sagot nito tsaka kinuha ang bag na dadalhin.
Pagbukas ng pinto nandoon na ang dalawA niyang kaibigan at nag-aantay.
"Wow!" bulalas ni Nice.
"Saan na ang bhest namin at sino ka?" pilosopong nang-aasar dagdag nito.
"Ikaw talaga Nice kahit kailan di ka parin nagbabago." sabi ng dalaga sabay batok.
"Tara na nga at ng makaalis na tayo." dagdag pa ng babae.
"Mabuti pa nga at baka mamaya ay maging lalaki pa ako dito at magahasa kita ng wala sa oras." pang-aasar din na sagot ni Mary Rose.
Sumakay sila ng Toyota Sportivo ni Mary Rose at binalagtas ang papuntang Global City sa Taguig. Pumasok sila ng isang bar.
"Sabi na nga ba at dito na naman punta natin eh." wika ni Ellyn ng maka upo sila sa harap na bartender.
"Buti at alam mo." naka ngiting sagot ni Nice.
"Tsaka gimmic-gimmic din pag may time huwag kang masyadong workcoholic bhest." singit ni Mary Rose.
"hmmm, kayo talaga ewan lang." tanging na isagot ng dalaga.
Kumuha sila ng maiinom pagkatapos ay nakisayaw din sa mga naroon. Nang mapagod ay bumalik sila sa harap at uminom pa ulit. Pero ang dalawang kaibigan nalang niya ang bumalik ulit sa gitna dahil my tama na siya. Agad napansin ng dalaga ang binata na papasok.
'Grabe naman hanggang ngayon ba nakikita parin kita o di kaya lasing lang talaga ako kaya nabuo kana naman sa paningin ko.' iiling-iling na sabi niya sa sarili.
"Miss pwede ba tayong magsayaw." yaya ng isang lalaki sa kanya.
"Sorry ha hindi ako pwede eh maghanap ka nalang ng iba jan." matiwasay na sagot ni Ellyn.
"Sige na Miss....." sabi ng lalaki sabay hila sa kamay niya.
"Bitiwan mo nga ako sabing ayaw ko eh." bulyaw ng dalaga.
Nahagip naman ng mga mata ni Paul ang nangyari kaya lumapit siya dahil hinihila na ng lalaki ang babae kahit ayaw nitong sumama.
BINABASA MO ANG
REALITY'S DESIRE
RomanceBata palang sila may gusto na si,Ellyn kay Paul. Mula noong unang araw nila sa Kinder,nag simula ang lahat. Tinago niya ito ng napakahabang panahon,hanggang sa paglayuin sila ng tadhana.At ganun na lamang galak ng dalaga ng isang araw nag kita silan...