CHAPTER 14

1.6K 50 0
                                    

REALITY'S DESIRE

Written by: Sexy Lady

Lumapag na ang eroplanong sinasakyan ng tatlo kaya bumaba na sila.

"Welcome back!!!" sigaw ni Nice at wala itong pakialam kahit maraming tao.

"Oi bhest mahiya ka naman maraming people sa paligid." saway ni Mary Rose sa kaibigan.

Tumawa nalang si Ellyn sa dalawa.

'Sa wakas naka uwi rin ako sa hinaba-haba na panahon.' sa isip ng dalaga na puno ng galak. 'Ang daming magbago, gumanda na rin ang airport nila.' dagdag pa niya.

Naglakad pa silang tatlo ng kaunti at naka rating na sila sa labas.

"Dito muna tayo mag hiwa-hiwalay ha, kitakitz nalang mamaya." paalam niya sa tatlo.

"Sige bhest..." sabay na sagot ng dalawa sa kanya.

Nag kanya-kanya na silang tatlo, wala silang mga sundo kasi hindi nila pinaalam na uuwi sila.

Pumara siya ng taxi at sumakay na pauwi, habang sa taxi naisipan niya na tawagan ang ina at kamustahin.

"Hello ma, kamusta na po kayo?" bati niya sa ina.

"Ito anak oky lang, ikaw jan kamusta na?" sagot ng kanyang ina sabay tanung.

"Oky lang din ma, ito miss na miss na po kayo." sagot ng dalaga. "Ay ma, anong ulam jan?" pag iiba niya ng usapan dahil alam niya na nangungulila na ang ina.

"Ito nak nagluluto ako ng paborito mung tinolang native na manok, kung dito ka tiyak mapaparami ka na naman ng kain nito." malungkot na himig ng kanyang ina.

"Wow, sarap niyan ma ah, sige jan ako kaain mamaya." sagot niya sa ina tsaka tumawa.

"Naku ikaw talagang bata ka puro ka biro." turan ng ina niya sa kanya.

"Sige ma tapusin mo na po ang niluluto ninyo. Ilove you ma." sabi niya sa tsaka binaba ang telepono ng my mga ngiti.

Habang nasa daan nakita niya ang malaking pagbabago ng lugar nila.

Semento na ang dating maputik na daan,, marami ng malalaking bahay, may nga establishemento na rin na makikita, gumanda na rin ang palengke.

"Wow" tanging na bigkas ng dalaga.

Ngunit nalungkot siya na wala na sa kinatitirikan nA lupa ang dating bahay ng lalaking mahal niya.

'Umalis na yata sila dito.' sa isip na dalaga.

Nagulat nalang siya ng biglang mag preno ang drayber.

"Ay kabayo." tili na dalaga.

Muntik na silang mabangga dahil my sasakyan na biglang nag over take at muntik na silang mabangga.

"Sorry po ma'am." paumanhin ng drayber.

Bumaba na rin ang drayber ng kabilang sasakyan at kinatok silA.

"Pasenya na po sa abala ma'am, pare, di ko sinasadya." pag hingi ng despesa ng drayber ng kabilang sasakyan.

" Oky lang po, sa susunod kaunting ingat po kuya ng iwas disgrasya." sagot ng dalaga.

Nakarating na siya sa bahay nila. Sobrang saya ng dalaga,sa wakas makakasama na rin niya ang pamilya. Kinuha niya ang telepono at tinawagan ang ina.

"Nay, pwede po bang paki buksan ang pinto?" tanung niya sa ina.

" Naku ikaw na bata ka wag ka ngang magbiro ng gayan at baka maniwala ako." sagot nang kanyang ina.

"Hindi nay dito na talaga ako sa labas ng gate." sagot ng babae. "Teka nay ha kakalampagin ko ang gate." dagdag ng babae.

Samantalang napadaan si Paul ng my nakita siya na babae sa harap ng bahay nina Ellyn at kinakalampag nito ang gate kaya natawa nalang ang binata sa babae na naka talikod.

"Oh nay ayaw po ba ninyong maniwala?" sagot ng dalaga.

Nagulat siya ng biglang mag bukas ang gate at nakita niya ang ina na lumuluha.

"Ikaw na bata ka bakit di mo sinabi na uuwi ka? Dapat na sundo ka namin." wika ng kanyang ina sabay yakap ng ubod higpit sa dalaga.

"Hindi na surprise iyon kung sinabi ko sa inyo." maluha-luha na sagot ng dalaga at yumakap na rin sa ina.

Pumasok na sila sa loob ng bahay at umupo na ang dalaga sa sofa. Ang ina na niya ang nag dala ng mga gamit niya sa loob ng kwarto daw ng dalaga.

'Ang ganda ng bahay, simple lang pero maayos siya.' sa isip ng dalaga na nilibot ang paningin.

"Maya-maya kaunti nandito na rin yung itay nak, may inasikaso lang siya sa bukid." turan ng ina niya.

"Nay pwede bang umidlip mura ako dito?" sagot niya sa ina.

"Sige anak at gigisingin nalang kita para kumain." sabi ng kanyang ina.

At naka tulog na ang dalaga sa sobrang pagod sa byahe. Tinawagan naman ni Aling Nora ang dalawa pang anak na kung pwede umuwi muna at importante lang. Umuwi naman agad ang mga ito.

REALITY'S DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon