EPILOGUE

2.8K 97 6
                                    

REALITY'S DESIRE

Written by: Sexy Lady

Lumipas pa ang 6 na buwan at manganganak na si Ellyn.

"Walang hiya ka Paul..... aaaahhhh kung alam ko lang na ganito kahirap manganak,,,, hindi na sana kita pina push up and down..." sigaw ni Ellyn habang nag lilabor..

Halos magpunit-punit na rin ang damit ng lalaki sa kakahila nito. Makalipas ang ilang oras nag luwal si Ellyn ng isang malusog na lalaking sanggol.

"Ang cute-cute naman ng baby mo bhest." saad ni Nice.

"Oo ng bhest mamula-mula pa." sabad ni Mary Rose.

Tinupad ng dalawa ang mga sinabi nito. Nandoon nga sila ng manganak ang dalaga.

"Alam mo bhest natatawa kami sa asawa mo kanina ng nasa ER (emergency room) ka." ani ni Nice.

"Bakit bhest?" tanung niya sa kaibigan.

"Kasi parang siya ang manganganak sa pabalik-balik nitong lakad eh." turan ng kanyang kaibigan.

"Oo nga bhest, hindi siya mapakali eh parang aso na hindi maka ihi." sabad ni Mary Rose.

Nagtawanan ang tatlo. Maya-maya ay pumasok si Paul na may dalang pagkain.

"Babe kain ka muna, may dalang sabaw si nanay, para lumakas ka ulit." wika ni Paul.

"Salamat inay...." saad ng dalaga na bumaling sa ina at ngumiti.

Pinakain siya ni Paul at inggit na inggit naman ang dalawa niyang kaibigan sa pag aasikasong ginagawa ng lalaki.

"Hahanap nga rin ako ng tulad ni Paul bhest para may mag alaga din sa akin ng ganyan." sambit ni Nice.

"Asus! nainggit naman ito, hayaan mo papasaan din yan at makakatagpo ka rin ng lalaki na makaka pag patino sayo." sabad ni Mary Rose na may pang aasar.

Tamang-tama at pumasok na ang nurse dala ang sanggol. Pinangalanan nila itong Jade. Halos hindi mahawakan ng mag asawa ang anak dahil pinag pasa-pasahan ito ng mga gustong humawak sa bata.

Lumipas ang tatlong buwan at ikinasal ang dalawa sa simbahan na mismo. Ang laking pagdiriwang na naganap. Bridesmaid ang dalawa niyang kaibigan, halos lahat ay masaya at syempre maraming handa.

"You my now kiss the bride..." wika ng pari na nagkasal sa dalawa.

Tumunog ang masigabong na palakpakan ng hinalikan siya ni Paul sa labi. Sa bahay nila ang reception at ng gumabi na nasa kwarto ang dalawa. Kakatapos lang maligo ni Ellyn dahil nauna na ang binata sa kanya. Hindi na sila bumiyahe dahil maliit pa ang baby, kaya nanatili nalang sila doon.

"Siguro naman babe pwede na nating sundan si baby Jade." wika ni Paul na may pilyong ngiti at naka upo sa gilid ng kama habang hinihintay ang asawa.

"Babe tatlong buwan palang ang anak natin tapos susundan mo na agad para naman akung kambing niyan every 3 months pwedeng manganak." katwiran ng babae.

Pero sadyang mapusok si Paul at agad sinunggaban ang asawa sa mga labi nito. Tumugon naman si Ellyn hanggang sa kapwa na sila hubad at walang saplot.

"Ilove you babe and you are my REALITY'S DESIRE..... " sambit ni Paul.

"Ilove you more babe....." sagot naman ni Ellyn.

Naging isa ang kanilang katawan at ipinadama nila ang pagmamahal sa isa't isa. Alam nila pareho na mahaba pa ang landas na kanilang tatahakin at marami pang pagsubok na d

madaanan pero hangga't mahal nila ang isa't isa mananatiling buo at matatag ang pundasyon ng kanilang pagsasama hanggang sa pagtanda...

(Nag papasalamat ako sa lahat ng umabang sa kwento na ito...

Nawa'y nasiyahan po kayo...)

Sexy Lady

REALITY'S DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon