REALITY'S DESIRE
Written by: Sexy Lady
Nagulat nalang ang dalaga sa paggising niya anjan na ang mga kapatid at ama nito na naka tunghay sa kanya at tila inaantay ang pag mula ng mga mata niya.
"Baka matunaw naman ako kakatitig ninyo ha." biro na wika ng babae na di maalis alis ang mga ngiti.
"Ikaw na ba talaga yan ate?" namaangha na tanung ng bunso nila.
"Ah hindi! multo ko lang ito Phil." birong sagot niya.
"Ang ganda-ganda at ang puti-puti mo na ate." wika din ni Grace.
"Asus! puro kayo bola, wag kayo mag alala my dala akong pasalubong sa inyo." sagot ulit ng dalaga.
Naka ngiti lang ang mag-asawa habang naka tingin sa mga anak nila at masayang nag-uusap.
"Di ba ninyo ako pakakainin muna? kasi yung mga alaga ko sa tiyan nag wawala na eh." reklamo ng dalaga at kumalam pa ang sikmura niya.
"Tara na at nakahain na ang mesa mga anak." yaya ng ina nila.
Masaya silang kumain na nag kukwentohan hanggang sa matapos kwentohan parin sila.
"Ate punta tayo perya mamaya ha." yaya ni Grace sa kanya.
"Sige yayain ko din sina Nice at Mary Rose para masaya." sagot ng dalaga.
"Bakit ate nandito rin silang dalawa?" takang tanung ni Grace.
"Oo sabay-sabay kaming tatlo na umuwi." ma igsing sagot ni Ellyn.
Sobrang tuwa ang nararamdaman ng dalaga, nakasama niya ang pamilya nito.
"Hello bhest punta tayo perya mamaya." yaya ni Ellyn kay Nice.
"Tawagan mo rin si Mary Rose ha." dagdag pa nito.
"Sige bhest walang problema." sagot ni Nice.
Pagdating ng gabi nagkita silang tatlo at namasyal , halos magkatinginan ang bawat lalaki na madaanan nilang tatlo.
"Gulat lang ang mga yan sa ganda natin." naka ngiting bulong ni Nice sa dalawa.
"Oo nga kasi ito ang gandang di nila inaakala." sagot din ni Mary Rose.
"Tara na laro na tayo." excited na yaya ni Ellyn sa dalawa.
Masaya silang tatlo na naglaro at nag enjoy talaga, lahat kasi yata sinalihan na nila.
"Hi!" bati sa kanila ng isang pamilyar na boses.
"Hello." si Nice ang sumagot.
Busy kasi ang dalawa sa kakahagis ng bentesingko.
"Kamusta na Nice?" tanung nito.
"Oky lang Paul ikaw?" sagot ni Nice sabay balik ng tanung.
Pagkarinig niya sa pangalan ng binata halos tumalon na naman ang puso niya. Parang tambol na namn ito kung mag wala.
"Hi Ellyn." bati ni Paul sa kanya.
"He...hello." sagot din ng dalaga.
"Pwede ko ba kayong maimbitahang tatlo para kumain sa labas?" yaya sa kanila ng binata.
"Di ako pwede kasi my curfew ako." sabad ni Mary Rose.
"Ako din eh." segunda rin ni Nice.
"Kayo nalang ni Ellyn, Paul."
"Sige alis na kami." paalam ni Mary Rose.
"Oi teka......" sambit ni Ellyn pero umalis na ang dalawa.
"Ellyn?" wika ni Paul.
BINABASA MO ANG
REALITY'S DESIRE
Roman d'amourBata palang sila may gusto na si,Ellyn kay Paul. Mula noong unang araw nila sa Kinder,nag simula ang lahat. Tinago niya ito ng napakahabang panahon,hanggang sa paglayuin sila ng tadhana.At ganun na lamang galak ng dalaga ng isang araw nag kita silan...